KABANATA 2

13 3 0
                                    

Smile

It was a very tiring day, papasok na ako ng school, pero bago ako umalis sa bahay namin ay nagmano muna ako kela mama at papa upang mag paalam, at umalis na. Kakatapos ko lang gumawa ng mga gawaing bahay non at mabilis na naligo at nag bihis upang makapasok na ng maaga kasi baka ma late pa ako, Pero sa lalim nh kakaisip ko ay sumaga sa isip ko si terence, kamusta na kaya siya? Papasok ba siya ngayun? Ehh bakit ko ba siya iniisip.

Tiningnan ko yung messenger ko pero wala man lang itong message, parang si terence na nga lang yung bumubuhay nitong messenger ko ihh, ahahahha. Pero okay na ng hindi siya nag chat ngayun kasi ayaw ko naman din madisturbo ngayon ng kahit na sino. Wala lang parang nakakatamad magreply kahit sino, kahit pa siya!

Ha? Bat ko ba siya iniisip? Naglalakad lang ako papuntang school at nagmumuni muni kung ano na namang magagawa ko ngayung araw na to, e puro lang naman ako katarantaduhan ih ahahahah. Pagkatapos ng mga ilang minuto ay nakarating na ako ng school namin, mga tatlompong minuto lang naman o kalahating oras ang duration ng paglalakad ko araw araw papuntang school, kasi ayokong sumakay ng jeep, nagtitipid pa kasi ako ngayon ng pero kasi andaming mga babayarin sa school namin.

Hindi ko namamalayan na kay bilis pala ng panahon, ng malaman kong sa loob ng tatlong buwan ng magkakilala kami ni terence sa facebook ay hindi pa kami nagkakita sa personal, hanggang chat lang kami, ih nakakahiya naman pag babae yung nang aaya ng meet up. Tas wala yan sa bokabolaryo ko, bahala na kahit hindi kami mag meet up atleast hindi masisira yung dignidad ko, kung gusto niya naman akong makita sa personal ay mag aaya naman yun, pero wala.. hindi, hindi ih.. magkaibigan ba kami? Pero don't get me wrong hindi ko siya gusto.. hindi rin naman din kami magkaibigan ih tas hindi ko din alam kung itinuring niya akong kaibigan, basta ang alam ko lang magkakilala lang kami pero estranghero pa din kami sa isa't isa. Pero ewan ko ba, siya na yung bahala. Hindi ko din naman siya kilala. Sa facebook nga lang, hindi sa personal. At kahit kailan hindi pa kami nagkikita kahit na malapit lang yung mga silid aralan namin.

Hindi na kasi ako lumalabas simula nung malaman ko kung nasaan yung silid aralan nila. Para kasi akong nahihiya taglay ng kakulitan ko, tas sobrang daldal ko na sakanya sa chat, hindi gaya nong una kaming nagkakilala na sobrang ilang pa sa isa't isa. Malamang hindi naman ako feeling close gaya niya. Che!

Hindi ko namamalayan sa kakaisip ay biglang dumating yung teacher namin sa english, at pinapa upo na kami upang makapag simula na siyang magturo at magbigay ng aktibidad para sa leksyong natalakay niya ngayun. As usual bored na naman sa klase, napaka ingay din ng mga kaklase ko, sakit sa tenga. Pagtingin ko sa labas ay nagbabadya na namang uulan, makulimlim na kasi yung paligid at parang ilang sandali ay bubuhos na yung malakas na ulan. Absent kaya siya ngayun? Ahh bat ko ba siya iniisip? Gago kasi yun napakabagal mag reply pero daldal naman kung makapagreply. Hays

Patapos na pala yung klase namin sa english, hindi ko na napansin, tapos na din ako sa activity na pinagawa sa amin ni ma'am at pinasa ko na yun sakanya. At nakakaasar 4 yung wrong kk over 20 kasi yun. Hindi man lang nakapasa sa passing score. 18 kasi yung passing score tas 16 lang yung score na nakuha ko. Pero okay na yan hindi naman yan batayan sa kung matalino ka o hindi kasi nasa diskarte yan. Hahahaha grade is just a number! Char

Pagkatapos ng klasi namin sa english ay recess na. Hindi ako pumunta sa canteen kasi andaming taong bumibili, nakapila sa tag 15 na pansit, gusto ko sanang kumain pero wag nalang kaya niyuko ko nalang yung ulo ka sa desk ko a matutulog na sana ako kaso parang napaka boring matulog, hindi ko alam bat napaka boring yung araw ngayun, buti nalang din hindi natuloy yung ulan posibleng malakas yun kasi napakadilim ng kalangitan kanina. Pero biglang lumiwanag kunti, baka possible hindi matutuloy. Buti nalang kasi hindi ko nadala yung mahiwaga kong payong char. Pero patay talaga ako ni mama ko nito kasi hindi ko na naman nadala yung payong ko, baka hindi ngayun umulan sa pag uwi ko na mamayang hapon. Rap na naman ni mama sasalubong sa akin mamaya ahahaha. Bahala na yun, nasanay na din naman kasi ako ih ahahahha.

HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon