KABANATA 13

11 2 0
                                    

ABSENT

"Hoy bumangon ka na jan, malapit na yung oras ng pasukan mo sa skwelahan 10 am na". Tawag sa akin ni mama, hindi mo ba alam ma? Na hindi ako nakatulog ngayun? Habang nakatingin sa pintoan namin.

"Nak, buksan mo yung pintoan". Wala akong nagawa kundi binuksan yung pintuan at yumuko habang hindi nakatingin sa kay mama.

Natatakot akong makita niya yung mata kong anlalaki ng eyebags dulot ng pag iyak ko, sakit kasi sa puso. Bakit pa ba ako nagmahal sa lalaking hindi naman pala ako ang gusto? Pinipilit ko lang talaga yung sarili ko na baka isang araw ay magustuhan niya ako pero hindi naman pala.

"M-ma". Boses kung garalgal habang nakayuko sa harapan ng ina ko.

"M-ma h-hindi muna ako papasok ngayun, a-ansama kasi ng pakiramdam ko parang la-l-lagnatin ako". Utal utal na sabi ko kay mama, at agad naman niyang hinipo yung leeg ko upang makompirma na totoo yung sinasabi ko.

"Wala ka namang lagnat ah? Bakit ka aabsent? Masama ba talaga yung pakiramdam mo? ". Parang hindi makapaniwalang sabi sakin ng ina ko, hindi ko ata makumbinse to kasi hindi naman ako umaabsent ng klasi kahit lalagnatin ako.

Tumango naman ako kay mama habang nakayuko at hindi pa rin makatingin sa kanya.

"O siya sige, magpahinga ka na lang muna jan". sabi naman ni mama at agad ng tumalikod at naglakad patungo sa ibaba. Halatang nakumbinse ko ata siya. Buti nalang

Kaya agad kung isinara yung pintoan at humiga ulit sa kama ko, ng bigla kong naisipan na buksan yung messenger ko at e chat si joy upang sabihin sakanya na hindi muna ako papasok sakanya. Hindi na rin din naman ako kinabahan sa susi kasi naka duplicate na ito kay ma'am.

Pag bukas ko ng messenger ay bigla akong naninibago sa nadatnan ko, dahil walang message galing kay terence, e bat ba ako maninibago eh lagi naman din yun hindi na nagchachat sa akin? Naninibago lang ata ako dahil wala yung pangalan niya sa chat list ko, kasi ni restrict ko. Masakit kasi ih.

Mas mabuti na siguro to kesa naman sa patuloy pa ring umasa sa taong hindi naman kayang masuklian yung pagmamahal mo sakanya.

Wow kay dramang buhay naman ito, nasa loob ba ako ng isang teleserye kong saan ako yung gumanap na bida? O ako yung second leading lady? O baka naman? Ako yung antagonist? Wow naman

Adreya Joy Dela Vida 🟢


11:32 Am

Nhichole: joy

Akala ko hindi ako e seseen pero buti nalang eseneen niya ako ka agad.

Joy: hoy? San ka na lapit na mag start klase natin. How are you? Napano ka kahapon? Anong nangyari ba?

Sunod sunod na tanong sa akin ng bruha. Bigla naman akong napatawa dahil dito. Namimiss ba niya kakulitan ko? Ahahahha.

Nhichole: hindi na muna ako papasok kasi masakit yung katawan ko, pakisabi kay ma'am hahabol nalang ako sa lunes. Take care ka joy.

Sabi ko sakanya sa chat. Sana maniwal—oops shoot.

Joy: katawan ba talaga yung masakit o yung puso mo?

Shoot. Para akong natamaan sa sinabi niya, pero sana sa sasabihin kong to hindi niya ako mahalata.

Nhichole: Hindi, kasi kahapon ansakit ng ulo ko kaya ako umiyak tsaka umuwi agad. Pasensya na at hindi na ako nakapag paalam sa inyo sadyang di ko nakayanan.

HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon