KABANATA 6

11 4 0
                                    

BOLA

"Nag eensayo na ba kayo sa darating nating intrams?". Tanong ng guro namin sa klase namin. Sorry ma'am can't relate wala kasi akong sinalihan na sports. Ede sana all may sports diba? Pero bakit naman ako pinaglaroan? Isa ba akong bola? Wow.

"Hindi pa po ma'am, baka ngayon pagkatapos ng klase". Sambit ng isa kong kaklase na babae, isa ito sa mga astig na kaklase ko kasi basketball yung sinalihan. Yung basketball sa mga babae.

Magbest-friend talaga kami ni joy ihh, kahit siya walang sports na na salihan kasi hindi naman kami mahulog dun. Hobby ko lang magsulat at magbasa. Nagsusulat ako ng mga story sa isang app, pero hindi ko pinapublished kasi nahihiya ako kahit na maraming may gusto sa storyang ginawa ko, at nagbabasa din ako ng mga sulat sa ibang utor, sila yung inspirasyon ko na sana balang araw maging katulad ko din sila. Pero alam ko namang napakalabong mangyari. Ewan ko nalang nitong si joy anong hobby nito. Siguro kahit hobby wala to.

"Anong tinitingin tingin mo jan? May gusto ka ba sakin?". Sambit ni joy ng wala sa sarili habang nakatingin sa akin. Hindi ko na pala namamalayang nakatitig na pala ako sakanya.

"Hahahaa, hindi iniisip ko lang anong ambag mo sa mundo HAHAHAH". Tawa ko habang nakatingin pa rin sa kanya, kaya nabatukan tuloy ako ansakit sa leeg. Kung makapambatok kala mo naman anong ginawa kong kababalaghan habang iniisip yung kaibigan ko. Nakikipagbiroan lang naman ako, ito naman siya hindi ma biro biro.



" Bukas na yung Intramurals natin at kayo'y magsipaghanda na, yung mga walang sports na sinalihan, supportahan niyo yung mga kaklase niyong sumali tayo ba'y nagkaka intindihan?". Tanong ni ma'am sa amin. Tumango nalang ang klase bago kami dinimiss. Kaya ako ito tulala na naman dito sa sulok habang anlalim ng mga iniisip.

Pero hindi nagtagal ay pumasok ulit yung adviser namin, at may enounce, hindi ko alam bakit ako yung kinakabahan gaga, anlakas kasi niyang tumingin sa aming estudyante niya na parang may pinaplano. Ewan ko nalang ba. Lakas makatitig ahh.

"Okay class, Goodafternoon I have some important announcement before the second semester start, sabi ng dean natin ay kailangan kayung kuhanan ng 2 kaklasi isang babae at isang lalaki, upang e transfer sa ibang section, sa section ivory at sa section pink. Kaya mangunguha ako ng dalawang pares ng studyante upang e transfer sila before magsisimula ang second semester natin, tayo ba'y nagkakaintindihan?". Sabi ni ma'am sa amin, bigla naman akong naging tuod kasi baka ako yung mapili na ipasok sa ibang section gaga ayoko, lalong lalo na dun sa kabila. Baka ma out of place ako tas ano?? Baka maging kaibigan ko siya? No way! Hindi kami magkaibigan. Baka masakit lang sila ni reign sa mata.

Tumingin ako kay joy, like wow ang gaga hindi man lang kinabahan. Ang chill ahh. Dapat talaga simula ngayun ay magpapakabait na ako kay ma'am kasi ayokong ma transfer sa ibang section. Sisimulan ko na ngayun? Ay mali. Bukas nalang siguro tinatamad ako. Pero sana hindi ako yung ma e transfer, no way this can't be happening.



"And by the way class, the color of the tshirt that you're going to wear is yellow. Any kind of tshirt na printed basta yellow or plain, as long as mag enjoy kayu sa intrams natin bukas". Habol na sabi ni ma'am sa amin kaya tumango nalang din kami kahit may kaba. Kahit ako kinakabahan kung sinong e tatransfer.

HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon