KABANATA 1

32 3 0
                                    

Facebook

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, basta ang tanging nasa isip ko ngayun ay e unfriend tung mga nangaccept sa akin, hanep kasi tung pinsan ko naki open sa cellphone ko sa kanyang facebook account. Pero di ko pala nalag out yung account ko, akala niya kasi na ini log in ko na yung account niya, hindi niya alam na yung account ko na pala yung nagamit niya upang mang add ng napakaraming tao sa facebook, kasi sabi niya na nagpustahan sila ng kaklasi niya, na kung sino yung napakaraming friends sa facebook ay siya e lilibre, e sumali naman tung kumag kung pinsan na si bianca. At ayun na nga facebook account ko yung nagamit niya, ang tahimik ko lang naman dito na nag aaral tapos dumating siya bigla sa bahay ko upang makihiram lang ng cellphone.

"Hays hindi ko na talaga alam kung pano mang unfriend andami naman nito bianca!". Sambit ko sa kawalan habang umay na umay na habang kakapindot ng mga unfriend button. Nangagawit na yung mga kamay ko habang pinipindot ang unfriend button.

"Pagkatapos at pagkatapos ko talaga nito ay sasakalin kita". Sabi ko habang nasa seryosong pagmumukha, habang yung pinsan kong gaga ay tinawanan lang niya ako.

"Pasensya na nikolay, hindi ko naman kasi alam na account mo yan gaga, hindi mo kasi sinabi sa akin na account mo pala yung naka log in". Litanya niya, jusko batang tu sarap kalmutin sa mukha, nangangawit na ako dito, hindi niya pa ako tinulungan, humanda ka lang pag natapos ako dito.

"Just shut up, and leave my house!". Biglang saad ko, na agad naman niyang sinunod. Alam na kasi niyang kapag seryoso ako seryoso talaga ako, lalo na nawawalan na ako ng oras na matapos yung mga gawain ko sa school kasi dahil dito. Ang lakas ng tunog ng notifications sa facebook ang ingay.

Habang nag uunfriend ako ay laking pagtataka ko ng may nag accept na maraming mutual friends sa mga friends ko sa facebook. Pero wala akong pake dito kasi di ko din naman kilala tu, ano bang pake ko? Ede wala! Kaya ayun papindot na sana ako ng unfriend button pero hindi ko naituloy kasi may nag beep sa messenger ko, ibig sabihin may nagchat sa akin! Ngayun na ba ako magkaka jowa? Thank you pinsan! You are my saviour! Charot ahahhahaha.

"Ang lag naman, ang hina ng internet connection, pano ko to ma uunfriend lahat ih napakadami, tas may nagchat pa, at hindi ko alam kung sino". Sabi ko habang inaantay na bumalik yung signal. Pagkabalik ng signal ko ay nag unfriend na naman ako ng mga nag aaccept sa akin na mga hindi ko kakilala. Muntik ko ng makalimutan na may nagchat pala sa akin! Kaya binuksan ko agad agad yung messenger upang tignan kong sino yung kumag na nagchat sa akin.

"Sino si terence?". Biglang tanong ko sa aking sarili. Malamang magtatanong talaga hindi mo kasi kilala. Napakashunga mo talaga nikolay, kaya bigla kong sineen iyon at inistalk siya kung sino siya, at gaga siya pala yung madami kong ka mutual, hindi ko alam bakit andami niyang mutual friends sa akin, tas wow, di ko akalain gwapo siya, chinito, mapupulang mga labi, unique ng kilay niya yung pang sad emoji ahahahah char, ganda ng mga pilik mata niya. Lalong lalo na yung ilong niya napakatangos. Ang amo ng kanyang mukha.. bakit ang gwapo? Ay wow! Gwapo?? San banda! Tanga mo talaga nikolay hindi naman yan gwapo, filter lang yan filter. Sino ba siya? curiousity always kill the cat. Wala naman akong pake alam dito ih, heheh pero magandang ideya. Next target ko to pag nagkataon. Hhahahaha.

Bigla ko nalang tinignan ulit yung message niya at ayun andami, like wow feeling close ka te?

Terence: yoww
Terence: heyyyy 😊😊
Terence: /*sents a sticker with hi!

Seen at 8:15 pm

Hindi ko nalang siya nireplayan, di ko din naman siya kilala at wala naman akong pake alam sakanya. Pinabayaan ko nalang yung mga mensahe niya kasi wala din naman akong pake. Sino ba siya? Gold b siya? Char. Tinawag na din kasi ako ng mama ko upang maghugas ng plato. Para pagkatapos nito ay matutulog na ako kasi maaga pa kami bukas mga 10 am pa punta sa school may practice kasi.

HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon