KABANATA 9

6 3 0
                                    

MARRIAGE BOOTH (Intramurals Day 2)

Nhichole Pov

Bakit ba tulala ako habang naglalakad ngayun papunta sa amin? Ano na ba ang nangyayari sa akin di ko talaga din alam. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba ako nagkagusto sayo? Alam ko namang iba yung gusto mo.

Habang napakalalim ng aking mga iniisip ay hindi ko na pala namamalayang nakarating na pala ako sa bahay namin. Nakita ko si mama at papa at agad din naman akong nagmano sakanila. Hindi ko nalang inisip pa ang nangyari kaninang hapon, baka magtaka sila mama bakit ako nagkakaganon. Agad kong nahagilap ang bunso kong kapatis sa may bigasan namin sa gilid nito naglalaro ng mobile games.

"Ma, pa? Akyat muna ako sa taas, papahinga lang muna po ako, mamaya nalang siguro ako kakain, busog pa naman din ako". Sabi ko kay mama at papa. Tumango nalang si papa ay nagpatuloy sa kanyang ginagawa, habang si mama naman ay ngumiti sa akin.

" Mamaya, hatiran nalang kita ng pagkain dun sa taas, magbihis ka na don para ikaw ay makapagpahinga na". Sambit ni mama habang ako ay paakyat sa ikalawang palapag papunta sa aking kwarto. Tulala ako habang hindi ko alam bakit walang laman yung utak ko ngayun. Inaalala yung mga nangyayari kanina. Napano kaya siya nong iniwan ko na siya don? Alam ko namang hindi yun maghihinayang ih, sino ba naman ako para hahanapin diba? Mas hahanapin niya pa si reign at mas gustong kasama.

Bakit ba ganito? Andaya naman. Bakit ba ako nagkagusto sa taong hindi naman ako gusto? Don pa talaga sa Hindi ko pa masyadong kakilala. Hindi naman ako na love at first sight kasj unang kilala namin hindi naman sa personal. Baka nga love at first chat HAHAHA. Tangahan mo pa nhichole. Ganyan ka naman ih. Karma ko na ba to sa mga taong hindi ko mahal pero ghinost ko lang? Baka nga. Okay lang atleast masaya na sila ngayun diba? Na ito nagsusuffer na ako dulot ng kagagahan ko noon.

/*Knocks

"Nak, ito na yung pagkain mo, kumain ka na jan, para ikay makapagpahinga na". Sabi ni mama habang kumakatok sa pintoan ko. Agad ko naman siyang binuksan at kinuha ang inabot niyang pagkain at tubig.

"Salamat nito ma ha, sabihan mo din si papa". Saad ko sakanya, pagkatapos maibigay ni mama ang pagkain at naiabot ito sa akin ay agad niyang isinara ang pinto ulit at hinayaan akong mapag isa.

Mapag isa na naman, pero okay na ito kesa naman iwan mag isa ng taong gusto mo. Nakaalis kaya siya kahapon? Bat ba ako nag iisip sakanya? Hayaan ko na nga lang. Para  talaga akong ginayuma ng taong to. Bukas na naman ulit. Ano na naman kayang pakulo ang naisipan ng kaibigan kong si joy? Hays jusko bakit ba ako may kaibigang ganito ka tino. Talagang siya talaga ang rason ih kung bakit ako nagkakaganito ngayon, sarap niya talagang batukan.

Nagsimula na akong kumain at nagcecellphone nalang, ng naisipan kong e chat siya.

Nhichole: ey yow goodevening. Kamusta?

Nhichole: busy?

Terence; ah hello.

Nhichole: kamusta?

Terence: ok lang naman, ikaw?

Nhichole: same goes to you.

Nhichole: pasensya pala kanina iniwan kita, kinakabahan kasi ako baka bugawin mo ako.

Terence: tss, ano ka ba? Anong bubugawin, hndi ah. Pinapalapit nga kita ayaw mo namang lumapit.

HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon