KABANATA 14

9 2 0
                                    

Why?

(Monday)

Lunes na naman at medyo kabado ako habang papuntang school, hindi ko alam pero hindi ko muna gustong pag usapan ang nangyari noong nakaraang huwebes, at ayaw ko muna siya makita. But there's an urge na gustong gusto ko siyang makita at magkausap na kami.

Pero ayoko. Baka kung ano namang sabihin niya tungkol non. Papalapit na ako sa paaralan namin, at hindi ko alam parang gusto ko nalang umuwi dahil sa pagkakapahiya ko sa sarili ko non.

Wag nalang, this is the time I'm taking the risk, not to tell my feelings but to forget everything that has been written in the past na g-gusto ko siya.

Ang hirap talaga, pero di ko muna yun iisipin dapat good mood ako ngayon, at wala munang iisipin kahit ano. O kahit sino.

"Oh hi, goodafternoon, sabay na tayo?". An angelic voice appeared at the back of me. Familiar ahh. Nako wrong timing ka saken ngayon. Ahhh bat ba sulpot ka nalang ng sulpot hindi naman tayu close.

Nilingon ko siya pero bago siya sagutin ay nginitian ko nalang muna siya.

"Oh ikaw pala yan reign, magandang tanghali". Sagot ko naman sakanya. Nginitian naman niya ako at sumabay sa aking paglalakad.

"Oh by the way, what happened to you noong thursday? You're crying. Im worried about you". Aligagang tanong niya sakin, tanga ba to? O tanga tangahan lang? Malamang dahil yun sainyo. Bat ba kayu nag exist sa buhay ko, wala naman kayu noon ahh. Nakakapuno lang kayu sa sakit ng ulo ko. Alam ko namang kabet ako sa istoryang ito ih at pilit na pinagsiksikan yung sarili ko sainyong dalawa o kundi sa buhay niya. Dapat sana ako yung leading lady ih. Bat ba ako naging second option dito?

"Oi ganda ng tumbler ahh? San mo nabili?". Pag iiba ko sa usapan upang makalimutan niya nalang yun, kasi ayokong pag usapan yun ngayun baka matanong ko sayo kung saan ako nagkulang. Bakit maganda naman ako ahh, maganda ka den pero sabi ni mama maganda din naman ako. Ahh neverming. Mas maganda ka pa pala sakin. Atleast mas matalino ako. Char bobo pala ako.

Unfair naman.

"Ahh this". Bigla niya namang kinuha yung tumbler niya sa gilid ng kanyang bag at ipinakita sa akin, wow di ko e dedeny angganda ng tumbler niya, may straw sa loob wow. Di tulad ng tumbler ko. Bakit ba. Bakit ko ba ikinukumpara ang lahat ng bagay na nasa akin sa kanya?

"Ohh I brought this earlier, binili ko sa mall, kasama yung mama ko. I love the texture kasi tas angganda ng kulay niya". Ahh kaya pala. Maganda din siyang pumili.

"Magkano bili mo?". Tanong ko ulit sakanya upang hindi na mabalik yung mga tanong niya sa akin kanina. Gusto ko talagang ibahin yung topic namin habang naglalakad pa kami papuntang klassroom namin.

"Ahh mura lang, nasa 450 pesos lang to". WHAT??? mura?? 450 pesos?? LANG??? ganun na lang ba yun? Ih yung tumbler ko nga tag 50 pesos lang pero maganda din naman yung textures. Mayaman ba to si reign? Wow kaya pala ganda ng aura mukhang yayamanin.

"Ng ganun? Ganun??". Nga nga kong tanong sakanya. Wow grabe naman. Okayyy ikaw na mayaman. Kaya pala. Alam ko na bakit sila bagay. They're too perfect for each other.

"Ahh hehe, ipon ko lang to. Ibibili ko sana to ng bagong bag pero napag isipan kong wag na muna. Tumbler na muna. Kasi wala na akong magagamit ihh, napaglumaan na yung 2 years tumbler ko". Saad niya sa akin habang ipinapasok ulit ang 450 pesos niyang tumbler sa bag. Like wow di talaga ako makapaniwala just for a tumbler ang mahal na ng presyo.


HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon