KABANATA 3

12 3 0
                                    

Payong

"Kailan pa ba titila ito?". Alala kong tanong, hindi ko na alam kung makakapasok pa ba ako ngayun? Kailangan ko talagang pumasok ngayun kasi ako ang nagdadala ng susi sa classroom namin. Atsaka kapag hindi ako makakapasok ay hindi mabubuksan yung classroom namin, open area pa naman yung school namin, may maraming puno pero sa likod lang ng mga classroom namin.

"Ma hindi pa ba talaga ako papasok? Kailangan kong pumasok kasi baka magalit yung president namin , kasi ako yung tigadala ng susi sa classroom namin, kasi ako lang yung pinaka maagang pumapasok sa school". Nag alala kong sambit kay mama, siya naman ay parang wala lang. Sabi niya kasi kanina wag na raw muna akong pumasok kasi napakalakas ng ulan at ng kulog.

"Maghintay kang tumila ang ulan kol". Sabi sa akin ni mama, ngunit hindi ko na kayang makapag antay kasi gustong gusto ko ng makapasok, hindi kasi ako nakapag assignment kagabi, kasi nakalimutan ko, kaya gusto kong maging maaga ngayun upang makapangopya ahahahah.

Pero lumipas ang ilang mga minuto ay hindi pa rin tumitila ang ulan, na para bang tinutukso ako na ayaw niya talaga akong papasokin sa school, umulan man at umaraw ay papasok ako, wala akong pake kahit bumagyo pa, basta papasok ako!

"Pasok pasok, uy gusto mo lang makita si ano— ehe". Tukso sa isip namang lumabas ito sa ulo ko, gusto ko tuloy e untog yung ulo ko, napano na ba to? Anong ano? Sino? Jusko wag mong banggitin. Sabi mo di mo na papansinin? Di na talaga! Nagchat yun sakin kanina pero hindi ko na seneen wala naman akong pakealam dun ih, bat ba ako magbibigay ng pake sa taong ayoko? Diba?

At ano ba? Alam ko namang aabsent yun ngayun.. buti nga sakanya, dapat lang! Kasi ayokong makita siya, tinutukso ako ng kagwapohan niya. Char! Kaya pala habulin ang yabang aba't pasalamat ka gwapo ka! Pero hindi mo ako mauuto ng dahil lang sa mukha mo, pwe! Hindi ko din naman yun type!

"O nikol, dalhin mo yung payong mo pag di pa to tumila after 30 minutes". Sabi ni mama sa akin, at what?? 30 minutes?? Antagal na non ahh, kalahating oras na yun sa first subject namin, aba't Hindi pwede. Kailan ako dadating? Second subject na namin? Ayokong ma late, ayokong lumiban kahit na isang subject lang, because education is too important for me kahit na bobo ako, char.

Mas biglang lumakas pa nga, tinutukso nga ako ng kalangitan, wow at napakadilim pa rin ng paligid, na para bang ang langit ay nasasaktan habang binubuhos ang kanyang mga masasakit sa kalooban, ano kaya ang feeling kapag iniwan ka ng taong mahal mo? Or hindi ka gusto ng taong gusto mo? Malamang masakit! Pero to be honest wala pa akong naging boyfriend. Nbsb to o no boyfriend since birth. Gusto ko kapag nagka boyfriend na ako is nasa 18 na ako or 19. Kasi yan yung tamang pagkakataon upang pumasok ka sa isang relasyon.

Pero ano ang mas masakit? Yumakap ng cacatus o habulin ang taong di ka naman mahal? Echoss parehas lang namang masakit. Pero mas kakaiba talaga pag habol ka ng habol sa isang tao pero hindi ka naman pala nito mahal, saklap sa puso. Sakit siguro non no? Hindi ko pa na try, ay te di ko talaga relate! Kasi di ko pa na e try na nagka boyfriend. Strict kasi mama ko, pwera nalang kay papa, daddy's girl kasi ako ehhehe, pero ang tanging sambit lang ni papa sa akin ay piliin ko yung taong mamahalin ako ng totoo, yung lalaking walang bisyo inshort ideal na lalaki which is almost perfect, kahit walang perpekto sa mundo pero pag mahal mo yung isang tao ay makikita mo talaga ang kahulugan ng perpekto, corny siya pero sabi ng mga kaibigan ko yan daw talaga ang mararamdaman mo. Paki ko ba eh hindi pa naman ako na inlove. At wala pa akong naging first love. Hahahaah


HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon