KABANATA 4

8 3 0
                                    

Cream stick

Araw na naman ng pasukan, minsan din natatamad din tayong pumasok sa paaralan, wag kayung mag hindi hindi jan, kasi minsan lang pero ayoko paring mag absent.

Nasa grocery store kami ni mama ngayon bumibili ng pagkain namin sa araw araw atsaka mga kagamitan sa school ubos na rin kasi papel ko, e sa mabait akong bata ih bigay ng bigay ng papel kaya ayon naubos limang papel lang ata nagamit ko, hindi man lang ako nakagamit. Bumili lang ako para mamigay. Napakahirap talagang maging mabait, hindi marunong humindi sa mga bagay bagay char.

Kaya habang naglalakad ako ay hindi ko namamalayang dinala ako ng mga sarili kong paa sa notebook area ng may nabasa akong nakakuha ng interes ko.

" Don't let yourself chase boys, let the men will be the one to chase you".

" Be an independent woman".

"Falling Inlove to a wrong person make you sick".

"Don't be too dependable".

"#01 Don't fall to boys".

" Don't get hypnotized by his smiles". Ay ito ito bet ko to tama to tama, dapat hindi ako magpapadala sa kanyang mga gayumang ngiti, ebach! Teka! Bat ko nasabi yun? Hindi maaari oi. Bat ko ba siya iniisip swerte naman niya kung ganon.


Bat ka ba sulpot ng sulpot sa utak ko g*go, wag na please. Di naman kita gusto at kailan man hindi kita magugustuhan. What if? Paglaruan ko siya? Ay wag! Baka ako yung mapaglaruan. Alam ko namang di yun magkakagusto sa isang katulad ko, bobo na nga plus panget ahahha all in one. Eh bakit ba kasi ang ganda ni Rei— please tigil na. Para nakong baliw dito, baka mapalabas ako dito sa mall kasi may baliw na nakapasok jusko naman nikol mag hunos dili ka sa mga iniisip mo. Bad yun.


"Nikol bili ka ng para sa baon niyo ng bunsong kapatid mo, biscuit kumuha ka ng dalawa. Dun ka sa biscuit area". Sigaw ni mama sa akin mula sa unahan, kaya hindi ako nag alinlangang pumunta sa biscuit area, pero bago paman ako makarating ay kumislap na yung mga mata ko ng makakita ako ng creamstick, what if bilhin ko to kahit dalawang pack lang siguro hindi naman ako papagalitan ni mama nito no? Ahhahaha

Kaya kumuha ako ng dalawang pack, at pumunta na sa biscuit area pero kahit malayo layo pa, ay kumislap na naman yung mga mata ko kasi nakita ko yung paborito kong biscuit yung Cream O tanga mas addict ako nito. Bakit ba. Masarap kasi, kaya pumunta agad ako dun at hinablot yung dalawang pack. At naglilibot libot pa ako don ng mga ilang oras baka may makita pa akong ibang biscuit. Pagkatapos ay pumunta ako sa school supplies ulit para kumuha ng intermediate pad. Mga dalawa lang para may extra ako, para ibigay na naman hays nako tigil mo yang bait baitan mo nikol ikaw lang kawawa niyan sa huli.


"O bat dala dala mo yang creamstick na yan?". Bungad na tanong ni mama sa akin habang papunta ako sa kanya sa gild ng counter. Ngumiti lang ako sakanya habang naka puppy eyes, masarap kasi to ihh.


Kaya wala ng nagawa si mama at binayaran nalang iyon kasama na rin yung mga pinamili kong pad paper atsaka yung dalawang cream o na biscuit. Para ma check na ng casher at ma e counter na.

Pagkatapos naming bumili ay naghanap muna kami ng makakain para may pasalubong sa bunso namin at makakain na rin kami kasi nakakagutom ring maglibot libot sa mall. Kaya may nakita kaming tindahan ng waffles sa may unahan at bumili mg tatlo, wala rin kasi si papa ih tsaka di din naman yun mahilig dun sa pagkain na yun. Kaya tatlo nalanv yung binili ni mama sa halagang 36 pesos.



HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon