KABANATA 7

8 3 0
                                    

BLIND DATE (INTRAMURALS DAY 1)

Bakit ba ganito? Malapit ng lumalim yung gabi hindi pa rin ako makatulog dulot ng nangyari kanina. Masakit te? Oo sobra, bakit ganito? Bakit ako nasasaktan? Ano bang ginawa mo sa akin terence?

Pagtingin ko sa orasan ulit laking gulat ko ng 10:58 PM na pero hindi pa rin talaga ako makatulog. Gusto ko ng matulog at di na mag iisip pa ng kung anong bagay bagay. Pero kahit anong pilit kong pikitin yung mga mata ko pero ayaw pa rin. Ano ba ito? Gusto ko na ba siya?

'Sige ka pag dine deny mo pa yan lalo kang magkakagusto sakanya!'

Naimulat ko ng bahagya ang aking mga mata ng biglang may narinig akong tinig mula sa kokote ko na nagsasabing ..

"Denedeny ko ba talagang gusto ko siya? Kaya ako nagkakaganito? Pano pag nagkakamali lang pala ako? Hindi ko pala siya gusto? Oo tama. Hindi ko siya gusto.. pero bat ako nasasaktan?". Sambit ko habang nakatulala sa kwarto ko. Bakit nga ba talaga ako nasasaktan? Eh dapat hindi ako nasasaktan. At dapat hindi ko siya gusto. May gusto na ba ako sakanya? Kapag kung ito ay totoo, ang tanga tanga ko naman upang magkagusto sa isang taong wala namang gusto sa akin. Si reign naman yung gusto niyang babae, halata din naman. Kahit e deny niya pa sa akin halata naman ang kislap palang ng kanyang mga mata pag nakikita niya si reign. At kapag sakit walang spark.

Ganun ba talaga kapag nainlove? Ano ba yung inlove? Di ko pa kasi naranasan yun kahit kailan. Hanggang happy crush lang naman kasi ako at wala ng iba. Kahit kailan hindi ko naranasang umibig sa isang tao. Pero bakit masakit yung ma inlove sa taong alam mong wala ka namang pag asa? Kung sa tunay nagpapakatanga ka lang din naman ih.


Kahit kailan di ako natuto kung pano yang pag ibig na yan, walangya di ko na talaga alam yung gagawin ko, bakit ganito yung nangyayari sa akin, sana hindi ko nalang ipinahiram yung cellphone ko sa pinsan ko noon, di sana ako nagkakaganito ngayon, hindi sana siya nag eexist sa utak ko ngayun. Bakit ba terence? Napakadaya mo. Napakapaasa mo. Pero kahit alam kong namamaasa ka lang bakit kapag malapit ka sakin anlakas ng pintig ng puso ko? Anlakas ng kabog nito. Parang ang paligid ay humihinto. At hindi ko alam anong gagawin ko kapag katabi kita o malapit ka lang sa kinatatayuan ko. Ganito ba kapag nagmamahal ka? Nararanasan mo rin ba kaya ito kapag andiyan sa malapit si reign sayo?

E pano naman ako? Ako yung mas nakakaramdam nito sa ating dalawa. Kapag ba umabot yung tamang panahon, mapapansin mo rin ba kaya ako? T*ngina napaibig na nga ako. Di ko na ba e dedeny? Crush ko na ba talaga siya? O nagkagusto na talaga ako sakanya? Ehhh ano namang nagustuhan ko sakanya? Wala naman siyang ka appeal appeal, tapos payatot pa. Jusko, ano bang nangyayari sa akin.


Mahal na ba talaga kita? Gusto or crush nga lang? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan sa tatlong iyon ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko mawari. Hindi ko maisip ano ba talaga ito.

Pero kapag tama tong ginagawa ko na tatanggapin ko nalang ito na gusto na talaga kita. Ikaw? Gusto mo rin ba ako? Alam kong hindi at mali kasi alam kong ang tingin mo sa akin ay isang kaibigan lamang. Pero bakit ka paasa??

Sabi ko pa noon paglalaruan kita, bakit ngayun? Ako na yung napaglaruan ng tadhana na sana ay ikaw. Bakit sa dami daming pinaglaroan ko noon ikaw lang yung sobrang bato na hindi man lang nakaramdam sa pagmamahal ko? At hindi ko man lang kayang paglaroan kasi ito ako.. kasalanan mo.. Nagugustuhan na kita. Hindi sa itsura mong alam ko namang gwapo, oo gwapo ka nga. Hindi sa porma mong badoy, sa kutis mong moreno na sobrang kinis. Hindi rin sa ugali mo, o baka nga sa ugali. Hindi ko talaga mawari. Bigla ko nalang kasi itong naramdaman. Mahal kita pero iba mahal mo. Ouch shakit saklap naman nito.



HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon