KABANATA 8

6 3 0
                                    

𝐓𝐈𝐓𝐈𝐆

𝐑𝐞𝐢𝐠𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

" May sasabihin lang sana ako sayo reign" seryosong sabi ni terence sa akin, hindi ko naman alam kung ano yung gusto niyang sabihin sakin basta ang alam ko lang ay seryoso siya tungkol dito, nalaman ko din mula sa aking mga barkada na gusto niya ako, pero hindi ko man alam kung susuklian ko ba ito. iba kasi ang gusto ko. hindi siya. 


Huminto ako at tinititigan siya, kahit anong pagtitig ko sakanyang mga mata ay wala talaga akong gusto sakanya, alam ko namang balang araw ay makakikita rin siya ng babaeng karapat dapat sakanya. At hindi ako yun. Hindi ko kayang suklian yung pagmamahal niya sa akin. Oo hinahangaan ko siya bakaman crush lang pero hindi ko siya gusto. Hindi ko nakikita saking sarili na naging kami. Kaibigan ko lang siya.


Pero hindi naman masama kong turoan ko ding mahalin ang sarili ko diba? Mabait naman siya, hindi naman siya mahirap mahalin, kaso nga lang ayoko ding pilitin yung sarili ko para sa isang tao, dahil sa huli masasaktan ko lang siya. Kung ako yung papipiliin mahal ko o mahal ako, don ako sa mahal ko, ayaw ko naman ding ipagpilitan yung sarili ko ih.


"Uhm yes terence? Ano yun?". Sagot ko sakanya habang nginingitian siya, alam ko namang weirdo ko, binibigyan ko lang siya ng kung ano. Gaga ka talaga reign, wag mo siya ganyanin. Tatak mo sa ulo mo. Kaya nawala yung ngiti ko at napilitan ng seryosong tingin mula sakanya, naging seryoso din naman siya at parang hindi mapakali, parang may gusto talaga siya sabihin.


"Bukas, magkita tayo pagkatapos ng birthday ng guro natin, dun tayo sa likod ng classroom sa kabilang section. Kasi tahimik don, may gusto lang sana akong sabihin sayu bukas". Diretsong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ngumiti naman siya ng bahagya nakalabas ang kanyang pangil (fangs). Nginitian ko din siya.


"Ngayon mo nalang sabihin kung ano yung sasabihin mo bukas, baka maging busy ako". Sambit ko sakanya at agad umiwas ng tingin.


Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko sakanya, mukha kasi siyang seryoso at kanina pa na hindi mapakali, ano kaya yung sasabihin niya? Napakahalaga ba to? Totoo ba talagang may gusto siya sakin? O inuuto lang ako ng mga kaibigan k—


"Pwede ba kitang ligawan? Pero bukas na pagkatapos ng kaarawan ng guro natin". Dahan dahan niyang sinasabi habang humihina ang kanyang boses. Natigilan naman ako at wala akong maitugon sa kanyang sinasabi. Totoo nga. E bakit niya ba ako gusto? Bakit niya ako liligawan? Sana itigil niya. Dahil hindi ko naman siya gusto, may paghanga lang.



"Alam ko namang nabigla kita kaya okay lang". Agad naman niyang pahabol at tumango tango, wala na akong magawa kundi yumuko at nagpaalam sakanya.

Tama ba tong ginagawa ko? Hindi ko ba siya pinapaasa? Wala naman akong sinasabi o tinugon sa kanya siya lang naman. Yung mga titig niya may mga kahulugan pero there's no spark. Gusto niya ba talaga ako? Parang hindi sincere. O gusto niya lang ako dahil sa kabutihang ginagawa ko sakanya? Tama pa ba ito?




Hindi ko na alam kong dapat ko pa bang isipin ang lahat ng ito basta ang alam ko lang ay naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep upang mag commute na papunta sa bahay namin, medyu malayo layo kasi bahay namin, hindi pwedeng lakarin.

Terence ano to? Bakit ka ganito? Wag ka sanang mahulog sa akin, hindi ako pwede para sayo, may paghanga nga ako sayu dahil marunong kang mag gitara, angganda mong tignan pag nagpapatugtog ka non, pero hanggang diyan lang kasi magkaibigan tayu, hindi ito dapat mangyari. Masisira lang tayung dalawa.



HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon