KABANATA 10

4 3 0
                                    

FIRST PICTURE

Bakit ang hilig ng mga taong magpaasa? Masaya bang magpaasa ng tao? Alam naman nating masama iyon lalo na't charot ganyan din naman pala ako dati, mas malala yung sakin kasi nang ghoghost ako.

Tulala lang talaga ako magdamag ngayun sa kwarto kanina pa hindi ako makatulog dulot ng ginawa niya sa akin kanina, nakasimangot siya kasi hindi ko siya sinipot sa kasal kasalan naming dalawa? Ede leche siya. Ede sana naman si reign nalang yung sinabihan niya ng ganun, mas magiging masaya pa ako. Hindi ko alam bakit yumuko ako kapag binabanggit yung pangalang si reign. Bagay naman talaga kasi silang dalawa e gwapo at magaganda.

Eh alam ko namang hindi ako sing ganon kaganda nong kay reign ih, okay na tong ganito na magkaibigan lang kami ni terence kesa naman sa umamin ako sakanya, there's a big possibility na hindi na niya ako papansinin kasi hindi niya ako gusto, nasa utak ko palagi kung gusto niya si reign bat niya iyon nililigawan? Siguro torpe lang siya, gaya ng ginagawa ko natatakot din siguro iyon na baka masira yung pagkakaibigan nilang dalawa.

"Hala! 4:15 Am na, at hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog, terence ano bang ginagawa mo sakin?". Sabi ko sa aking sarili pagkatapos kong tignan ang orasan ng cellphone ko. Kanina pa pala ako nag iisip ng kung ano ano dito hanggang sa naabutan nalang ako ng umaga. Kasalanan mo talaga ito terence, lahat ng ito ay kasalanan mo.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, ang maga maga ng pang ilalim ng mata ko, eyebags na naman. Pangit na nga ako mas pinapangit ko pa yung sarili ko. Ano ba iyan nhichole? Pano ka magugustuhan niyan pag hindi ka marunong mag ayos ng iyong sarili? Ha? Wow. Ayusin mo naman sarili mo para naman mas magmumukha kang tao.

So hindi ako tao? Natawa nalang ako mula sa tanong ko sa aking sarili, pero nawala din naman iyon ng napag isipan kong humiga at matulog na. Mabilis din naman ako linamon ng antok at natulog na din.

/*Chirping birds..

"Ahhhhh hayyy". Unat ko mula sa aking sarili, habang bumabangon, bakit ang sarap ng araw ko ngayon? Bakit parang masaya ako? Goodmorning world and philippines. Goodmorning everyone!! Ahhhh bakit good mood ako ngayun? Hindi ko din alam basta ang sarap ng tulog ko ngayon kahit andami kong iniisip kagabi, pero bayaan na.

Klase na naman, balik pasukan na naman. Tapos na ang intrams. Mas mabuti na tong ganito kesa naman dakpin na naman ako at nakakasakit kamay lang sila, ang higpit makatali kala mo naman tatakas ako, pero hindi nga sila nagkamali, hahanap talaga ako butas at tatakasan ko talaga sila. Kala nila no, e kong nakinegosyo sila sa akin, hindi sana sila mahihirapang habulin ako magkakapera pa sila. Kaso boplaks nila eh, dun dumaan sa napaka hassle na daan. Ede wag nalang sayang naman ang opportunidad.

Bumangon na ako at kumain na ng almusal, pero bago iyon ay hinalikan ko muna yung mama ko at nagmano kay papa, ganyan na kami nakaugalian na namin iyon. At maya maya pa ay umupo na ako sa hapagkainan at nagsimula ng mag almusal, pagkatapos ko ay pumunta na ako ng banyo at nagsimula na ding maligo.

Lumipas ang kalahating oras ay natapos ko na din ang lahat lahat at agad na umalis upang makapaglakad na papuntang school.

/*Beep

"Ineng, tumingin ka naman sa dinadaanan mo wag masyadong nag cecellphone!". Sigaw sa akin ng isang mamang taxi driver muntik na ako don ah?? Baka ikinamatay ko pa to. At agad na akong nag focus sa dinadaanan ko at hindi na nag cellphone pa.

Nakarating din ako agad sa school pagkatapos ng mga nangyayari. At bungad ko na naman ang pagmumukha ni joy.

"Goodmorning kol". Agad niyang sabi sa akin pagka tapak ko talaga sa pintoan namin at agad din naman akong sumagot sa kanya.

HEARTBLEEDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon