Chapter Six

10 1 0
                                    

Tahimik ang paligid. Nakikinig kami lahat dahil nag simula ng mag presenta si Carlyle.



Nagpaglumbaba ako habang tutok na tutok nakatingin sa kanya. Bawat galaw niya habang nag nalalahad at galaw. Nasa likod naman ako nakaupo kaya hindi halata o kaya mapapansin ang ginagawa ko.



Napa-igik ako sa gulat ng sinundot ni Erica ang tagiliran ko. Tinapunan ko lang siya ng irap. Walang humpay ngiti ang ang iginawad niya sa'kin. Psh. Tinutukso nanaman ako. Trip ako nito asarin.



"Baka matunaw," pangbulabog niya.



"Shhh huwag maingay," mahina ko sita sa kanya kasabay ng pag turo ko ng zip your mouth.



Ngiting-ngiti siya ng malapad. "Aysus," sabay flip ng hair niya.



Inirapan ko nalang para tumigil. Kaso ang gaga tumatawa. Ako naman kinabahan baka madinig ng instructor namin. Kapag nagkataon mapagsabihan kami. Ayoko nun nakakahiya. Dapat talaga sa susunod di muna ako makipag seatmate kay Erica.



Nagwawala ang kalooban ko. Kinikilig ako sa ganito paraan lang. Kuntento na ako sa ganito. Ayoko lang talaga malaman pa ni Carlyle. Saka na siguro kapag nawala na ito feelings ko. Darating din siguro.



Nang matapos ang klase sinukbit ko agad ang tote bag ko. Medyo na late ang pag tapos ng report dahil nag marami ang naging tanong ni Ma'am kung naitindihan ba namin. Syempre kinabahan kami lalo na at tinanong kami group 1. Mabuti nalang at safe ako. Na satisfy naman agad si Ma'am sa naging sagot ng dalawa ko kaklase.



Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa next class ko.



Masasabi ko komportable na ako sa treament sakin ni Carlyle kasi alam ko hindi na siya interesado sa ginawa ko noon. I am very glad. Mas maluwag sa pakiramdam ko. Sana sa susunod hanggang sa maari ay ayoko na siya maging kaklase pa upang makaiwas na. 



Hindi ko maiwasan ngumiti habang nagsusulat ng essay. Kalokohan talaga mag isip ang utak, pinapakilig nanaman ako sa mga senaryo na alam ko hindi naman mangyayari. Si Carlyle magkaka gusto sa'kin, imposible. Kung nakakabasa lang ng utak ang tao malamang sa malang matagal na niya nalaman ang lahat. Omyghas.



Tanghalian na as usual mag isa ako nag lakad sa canteen. But its okay na sanay naman ako.



Pag dating ko punuan ang mga estudyante kaya naisipan ko nalang bumili ng ulam kasi may kanin na akong baon tsaka tubig panulak. Kahit mahaba ang pila ay pumila parin ako. Maybe next time I should try outside to buy. 

I Didn't Mean to Like You (ON GOING)Where stories live. Discover now