KARMA 1: What a lucky day!

93 13 20
                                    


Karma's P.O.V


Tama ba 'tong ginawa ko?


I blink my eyes multiple times already. Tila napako ang paa ko sa kinatatayuan nang mailibot ko ang mata sa buong eskwelahan.


SOBRANG GANDA!



I mean hindi lang maganda, as in sobrang magandang-maganda!



Mula sa naglalakihang infrastructures and buildings at sa malaking feild na sobrang linis. Mamahalin! At halatang mayayaman lang ang nakakatapak. Malayong-malayo ang itsura ng buong campus kumpara sa ordinaryong angulo ng syudad. The interiors' and exteriors' aesthetics screams wealth and sophistication.



Iginala ko ulit ang mata at panaka-nakang tinitingnan ang registration form na naglalaman ng subjects, subjects' code, at schedule. Hawak ko rin ang mapa ng school na sa tingin ko kung wala ito, baka buong araw kong halughugin ang buong campus. Isang baranggay 'ata ang laki nito, may nakikita kasi akong mini bus na umiikot.



Pa-second week ko na pala sa school na 'to, but not totally — I mean 'di kasi ito ang unang beses na nakapasok ako rito, pero no'ng last Monday lang 'yon. According do'n sa registrar, considered na first day of school na 'yon because that's the official week na bukas na ang klase kahit na nagsagawa lang naman ng Entrance Examination buong week.


Speaking of!


Naalala ko na naman ang nakaka-traumang Entrance Examination ng school na 'to. Halos duguin ang ilong ko at mahilo nang mabasa ang kauna-unahang tanong.


"What is your last name?"


Eh, wala naman ako non!


Kidding aside, mahirap ang entrance exam kaya siguro magagaling at matatalino ang mga nag-aaral dito. Kung nagtataka naman kayo kung bakit ako nandito, eh syempre nakapasa ako. Natanggap ko na lang din ang balita noong may dumating na black na sobre sa talyer.



Nagsimula na rin akong maglakad at hanapin ang department building na dapat kong pasukan. Well, hindi naman ako late kasi maaga talaga akong nagigising, at knowing naman na bago pa lang ako rito, need ko ng mahabang time para i-familiarize ang bawat sulok ng university na 'to.



Wala pa naman ako masyadong kakilala rito maliban sa apat na ulupong na dito rin nag-aaral. Magkakaiba kasi kami ng course kaya malabo rin na magkita-kita kami agad, at syempre kilala ko ang mga 'yon. Mga gunggong na, late comers pa!


'Di ako tularan, amp.


Habang naglilibot, 'di ko pa rin mapigilang mapahanga sa lawak at ganda ng university na 'to. Bawat courses ay may kanya-kanyang building —organize kumbaga.

MHC-007: KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon