LUCKY-007: SPECIAL CHAPTER

91 11 16
                                    



Karma's P.O.V



Since it is Sunday, pare-pareho kaming walang pasok, kaya naman nagpagka-sunduan nilang mag-hangout dito sa bagong bahay ni Tombs. Hindi naman halatang na-miss niya kami, at ganito na lang niya kami gustong makita. Umagang-umaga pa lang naghuhurumentado na ang cellphone ko dahil sa maya't-maya nilang tawag at text.



Puyat-na-puyat pa naman ako kagabi kasi inabot na ako ng 3:00 a.m dahil sa nag-over-time ako sa part time job ko sa bar. Mabuti na lang din at less na ang gawain ko sa school kaya agad din nila akong napapayag na gumala.



Kumpleto lahat ng tropahan; Luther, Xandro, Liam, Cole, Erille, Half-fie at si Ava na hindi ko ineexpect na makikihang-out sa'min. Andito rin sila Maldits, Krizia, at Avery, na walang ibang ginawa kung hindi ang lihim akong irapan.



Tusukin ko mata niyo eh!



"Maki! Ano ba 'yan?! Sunog na 'yang hotdog!" pagrereklamo ni Tombs sabay agaw sa tongs na hawak ko.



Ako kasi ang inutusan nilang mag-ihaw, while sila Luther, Cole, at Ava ay nasa kusina nitong bahay para magluto ng ibang putahe. Sila Halfie at Erille naman ay kasama ni Xandro at masayang nagkukwentuhan. Si Liam naman ay panay ang dikit kay Maldits na sa tingin ko ay okay lang din kay Maldits. May pagkakataong kasing nag-tatawanan sila, kasama sila Krizia at Avery.



"Ako pa pinag-ihaw mo, alam mo namang sa sasakyan lang ako magaling hindi sa pagluluto!" asik ko pa rito at padabog na binigyan siya ng space para siya na 'yong mag-ikot nung ibang mga hotdogs. Napapakamot na lang ako sa noo ko nang tama nga naman ang sinabi niya, took nga.



Hindi ko alam kong edible pa ba 'yon, o hindi.



"Ikaw kumain nito mamaya ha! Ubusin mo 'to, luto mo 'to eh!" pagbabanta pa niya, na ikina-irap ko.



"Hah?! Ayoko nga! Bakit kasalanan ko?"



"Umangal ka pa ikaw ang iihawin ko, makikita mo talaga!"



"Bakit ba ang init-init ng ulo mo? Siguro meron ka 'no?" naiirita na rin ako sa inaasta niya, kala mo naman kinaganda niya 'yang pagta-taray niya.



"Oh, shut up!"



See? Confirmed?



MHC-007: KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon