Karma's P.O.V
"Maki!"
Xandro calls me as I arrive here in the music room ng Engineering Department. Malawak ang ngiti nito habang papalapit sa'kin, ngunit agad napalitan ng pag-aalala nang masilayan ang aking mukha.
"Maki, anong nangyari sa mukha mo? Napa-away ka na naman ba?" tanong nito na ikinaisimid ko lang. Parang sinasabi ng tukmol na 'to na basag-ulo ako at laging nakikipag-away.
"Aray!" daing ko nang hawakan niya ang mukha ko, natamaan kasi niya 'yong sugat ko sa may labi ko.
"'Wag ka malikot! Tinitingnan ko nga eh," asik niya kaya hinayaan ko na lang.
"Asan ang iba?" Pag-iiba ko ng topic. Siya lang kasi ang naabutan ko rito sa loob.
"Si Liam at Cole, bumibili ng pagkain sa baba. Si Luther naman, sinusundo 'yong magiging make-up artist at designer, slash manager natin para bukas," sagot niya na ikinatango ko lang.
"Nasabi ba ni Tombs na pupunta siya rito?"
"Hmn... Parang wala naman. Alam ko kasi may meeting siya with the other professors. Kaya malabong dadaan 'yon dito."
Napabuga na lamang ako ng hangin. Sa totoo lang, hindi ko pa kayang harapin si Tombs. Ngayong nahimasmasan na ako, tila natuptop ang aking loob. Nakokonsensya ako sa nagawa at nasabi ko sa kanya. Hindi ko dapat ginawa 'yon...
Hindi ko tuloy alam kung paano hihingi ng tawad. Sensitive pa naman ng isang 'yon, mabilis masaktan at maiyak. Baka nga hanggang ngayon galit pa rin siya sa 'kin. Siguro bigyan ko muna ng panahon, o hangga't maaari hindi ko muna kulitin at kausapin. O kaya naman... ay ewan, 'di ko rin alam. Bahala na!
Bumukas ang pintuan dahilan upang mapatingin kami ni Xandro.
"We're here, guys!" Unang pumasok si Cole na may dala-dalang Milk Tea, na sinundan naman ni Liam na may hawak-hawak namang tatlong box ng Pizza. They're smiling widely pero unti-unting nabura 'yon nang makita nila ako.
Mabilis na inilapag ni Cole ang dala niyang Milk Tea at agad na dumulog sa p'westo ko. "What happened? Anong —sinong gumawa nito sa'yo?"
"Wala. Napasama lang sa Riot sa may kanto sa'min. Dinamay kasi ako eh. Oo, tama," pagpapalusot ko at pilit na tumawa. "'Wag O.A, malayo naman 'to sa bituka."
![](https://img.wattpad.com/cover/357186903-288-k620558.jpg)
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Roman pour AdolescentsWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...