KARMA 6: Sorry na

79 11 16
                                    

Karma's P.O.V




Ilang araw ang nakalipas at ilang araw na ring hindi pumapasok si Maldits. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag-sorry sa kanya. Madalas tuloy akong nalulutang dahil hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako. Kahit naman masama at ubod ng pangit ang ugali non ay tao pa rin naman 'yon. At tao pa rin naman ako kaya nakakaramdam pa rin ako ng konsensiya.



Pansin na rin ng apat na uhog na hindi ako mapakali kaya hanggang sa group chat at sa personal ay hindi na ako tinitigilan, lalo na si Xandro na halos gawin na ang lahat para lamang magkwento ako. Sila Erille naman ay nag-offer na rin ng tulong at nangakong sasamahan akong mag-sorry, once na pumasok si Maldits.



About naman kay Prof. Anders, ipapatawag na lang daw niya ako kapag pumasok na si Maldits, at sabay kaming kakausapin. Gaya ng inaasahan ay hindi ako na-detention at hindi na rin umabot sa dean ng aming department ang nangyari. Isa na rin 'yon sa ikinakakaba ko, lalo pa't Lolo ni Maldits ang nag susupport sa 'kin tapos malalaman niya lang pinatamaan ko lang ng bola ang apo niya.



Paniguradong magagalit 'yon!



Nandito ako sa rooftop ng building ng department namin.



Anong ginagawa ko rito?



Wala, nakaupo lang sa railings. Tahimik kasi rito at dahil ubos-na-ubos na ang social battery ko, need ko naman mag-recharge. Hindi na rin muna ako sumama kay Ava kahit na nasa library sila, kahit pa kasi tahimik do'n marami pa ring tao.



Nakakarindi.



Friday ulit ngayon at dumaan ang Monday, Tuesday, Wednesday, at Thursday ay hindi ko na ulit nakita pa si Maldits. Hindi naman sa hinahanap ko siya, pero syempre nga need ko pa rin mag-sorry at kahit papano gusto ko pa rin naman na maging maayos na ang lagay niya.



Curious-na-curious na ako kung anong nangyari sa kanya, hindi dahil gusto ko siyang makakwentuhan, o interesado ako sa nangyari. Hindi naman ako interesado sakanya —



Okay, fine! Nagaalala ako...pero hindi naman sobra, ano... umn... konti?



Hayyy! Nababaliw na ako.



Bakit naman concern ako sa babae na 'yon?



"Ang sama naman ng ugali non eh! Mukha lang maganda sa kanya, pero ugali? Wala! Hindi maganda! Reject!" punong-puno ng pait na naiusal sa hangin.

MHC-007: KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon