Karma's P.O.V
What should I do?
I keep my eye on the ceiling.
My head's throbbing because of unending thinking. I've been asking myself.
What should I do?
Do I need to do anything?
Must I interfere?
Will it matter?
Paulit-ulit na rumirehistro sa aking isipan ang nangyari sa Bahay Ampunan. Gayundin ang muling pagkikita ng mga taong hindi ko lubos maisip na makikita ko pa pala.
Ang kalayaan aking natatamasa, akala ko nakuha ko na, ngunit naglaho 'yon nang makita ko sila.
Diamante Romanov...
I loathe him to death. He made my life so miserable, he manipulated my kind, and he even use me... us, like we're some sort of an animal. And now, mukhang uulitin na naman nila. I'm not stupid, hindi ako mangmang upang hindi malaman ang balak nilang gawin.
They're Human Traffickers for goodness' sake! They are evil who are disguised as humans.
Alam ko kung bakit nasa Bahay Ampunan sila. Alam ko kung ano ang pakay nila sa mga bata. At naririto ako ngayon, nakahiga, walang magawa. Dumadaan ang oras, at alam kong sa bawat oras na sinasayang ko, may mga batang malalagay sa alanganin.
Pero, anong magagawa ko?
T*ngina, wala!
Wala akong kayang gawin!
Wala akong kayang gawin dahil pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka makita nila akong muli. Takot na baka sa ilang daang pagkakataon, hindi na ako makaligtas pa.
Hindi ko sila kaya...
Duwag na kung duwag, ngunit alam kong wala akong laban ni isa man sa kanila.
Naisip ko pang muli silang harapin upang maipagtanggol ang mga bata. Ngunit suntok sa buwan 'yon. Napaka-imposibleng mangyari; masyado silang makapangyarihan...
Sa loob-loob ko, maaari namang pabayaan ko na lang sila. Hayaan ang tadhana na mag-pasya kung ano ang dapat mangyari sa kanila. Ngunit sa bawat pag-pikit ko ng mata, nakikita ko sila, naririnig ko ang mumunti nilang pagtangis; tila bina-baliw ako, nasisiraan na ako ng bait.
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Novela JuvenilWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...