Karma's P.O.V
"Check."
"I lost... again."
"Checkmate."
"You sure are good with these."
"Okay, last game! I'm gonna beat you this time."
"Be my guest then."
Another 30 Minutes had passed...
"Check."
"Let's accept the fact that we can't beat this Kid, Papa," Sir Leandro says habang iiling-iling ang ulo habang nakatingin sa chessboard. We're playing almost 2 hours pero isang beses lang nila akong natalo.
"Good Job, Iha. I'm really impress, as always," Lolo Fred compliments me habang tinatapik ang balikat ko.
"Tiyamba lang naman po," sagot ko na ikinahalakhak ng dalawa.
"Nah, kid, you're really smart."
Napakamot na lang ako sa noo dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Nandito ako ngayon sa bahay ni Don Fred —ito rin 'yong bahay na pinuntahan ko last time.
Actually pinatawag nila ako sa hindi ko rin malaman na dahilan. After ko kasing pumunta sa opisina ng Don ay akala ko hindi na niya ako susuportahan sa pag-aaral ko. Sinabi ko kasi sa Don ang lahat ng nangyari, at humingi rin ako ng patawad.
Alam ko rin kasing malalaman niya ang nangyaring gulo sa pagitan namin ni Andrew-the-monkey at ng apo niyang si Maldits. Ayoko lang kasi na magtatago ng sekreto, tapos sa huli malalaman din naman. Kaya't napagdesisyunan ko na sabihin na lang, kaysa naman mawalan siya ng tiwala sa 'kin nang tuluyan.
Natakot pa nga ako noong una dahil habang kunukwento ko ang nangyari, blangko lamang ang ekspresyon ng mukha ni Don Fred. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya noon, pero dahil gusto ko talagang malaman niya, sinabi ko pa rin.
"Did you win?" Ito ang katagang lumabas sa kanyang bibig nang matapos akong mag-kwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/357186903-288-k620558.jpg)
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Roman pour AdolescentsWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...