Karma's P.O.V
Say your prayers, little one
Don't forget, my son
To include everyone
Tuck you in, warm within
Keep you free from sin
'Til the sandman, he comesSleep with one eye open
Gripping your pillow tight
Exit light
Enter night
Take my handWe're off to never-never land
It's Satur-YAY!
Satur-YAY, because it's PAYDAY!
Lame, I know.
Feel-na-feel ko pa ang kantang ngayon ay dumadagundong sa speaker ni Mang Goryo rito sa talyer. Wala akong klase ngayon, pero ang pasok ko naman ay dito sa talyer. At rest day ko naman ang linggo.
Noon, wala akong rest day pero dahil pumapasok na ako sa school, hindi na p'wedeng wala. Linggo lang ang nilalaan ko para sa pahinga, gawaing bahay, at pag-gawa ng mga homeworks, reports, at projects. Hindi naman ako p'wedeng hindi magtrabaho. Wala akong kakainin kapag nagkataon. Although, full ang scholarship ko sa School na 'yon, kailangan ko pa rin ng pera para mabuhay.
Sinubukan akong bigyan ng pera ni Sir Cadieux pero tinanggihan ko 'yon, dahil parang abusado ko naman. Siya na nga nagsusupport sa pag-aaral ko, ay marapat na hindi ko na iasa ang iba kong pangangailangan ko sa kanya.
Afterall, hindi naman ako baldado para hindi magtrabaho, mag-isa na nga lang ako sa buhay dapat lang na buhayin ko ang sarili ko.
Gusto rin akong tulungan ng apat na uhog, maging si Tatang Goryo ay gano'n din pero tinanggihan ko rin, dahil ayoko ng umaasa sa iba lalo pa at kaya ko naman. Kilala naman nila ako at sa huli ay wala silang nagawa kung hindi ang hayaan ako. I appreciate them of course, pero hindi nila ako responsibilidad.
Ang awkward din sa pakiramdam, 'di ako sanay.
"Hoy, Maki! Ano, tulog ka na ba diyan?" napamulat ako nang biglang mabuhay ang diwa ko.
"Hoy ka rin! Syempre hindi! 'Wag kang excited, hindi ko pa natitingnan lahat!" sagot ko at ibinalik ang concentration sa ginagawa.
Nandito ako sa ilalim ng kotse, gamit ang flashlight na nakakabit sa noo ko ay agad kong sinuyod ang ilalim na parte ng kotse. Nagpapa-maintenance ng kotse si Mang Gerry. Gusto na rin ipaayos ang mga wirings ng kotse, hindi na kasi gumagana ang mga ilaw nito. Si Junee naman ang tumitingin sa hood, at siguro'y tapos na siya kaya kung makasigaw siya riyan ay wagas.
Tatlo lang kaming pumasok sa talyer ngayon kaya parang naging all-around ako. Mabuti na lamang at kumuha ako ng units pagdating sa wirings at maintenance. Magkaka-extra income pa tuloy ako.
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Teen FictionWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...