Chapter 9: A Promise and a Secret

76 6 0
                                    

"Bayang magiliw. Perlas ng Silanganan. Alab nang puso, sa dibdib mo'y buhay. Lupang Hinirang duyan ka nang magiting. Alab ng puso'y di ka pa sisiil. Sa dagat at bundok, sa langit at sa puso mo'y bughaw! Lupang Hinirang nang pagmay mang-aapi! Ang mamatay nang dahil sa'yo.....!'

"Gold talaga 'yun!" Bessy exclaimed.

Tawa kami nang tawa. Pinaalala kasi uli ni Steven yung epic fail na pagkanta ng Lupang Hinirang ni Hozzai sa opening ng Intramurals week namin nung Junior High. Kinabahan kasi talaga siya nun nang sobra kaya't nagkagulu-gulo yung lyrics. Yun kasi yung first ever school performance niya matapos siya madiscover ng teacher namin sa MAPEH.

"Ayan ta'yo eh! Kinakalimutan na nga, binabalik na naman," sabi ni Hozzai saka binanatan si Steven.

Tawa lang kami ng tawa. Lunch time ngayon kaya nandito kami sa favourite spot namin sa likod ng S1 building. Malamig kasi dito. Nandito kami sa gitna ng malaking orchidarium. Though hindi lang sya puro orchids, may mga iba' ibang kulay ng roses din kasi saka nursery for flowers bago ilipat sa mga pots around school. Nag-set-up kami dito ng round driftwood table na may malaking umbrella. Ang tagal naming pinakiusapan si Manong Berto, yung caretaker para payagan kami dito.

Bigla naman may humila sa dulo ng buhok ko. Natapunan ko tuloy ng masamang tingin si Vaughn na nakaupo sa tabi ko. Aba! Tinaasan lang ako ng kilay! Dinuduro nya yung assignment ko sa Algebra na di ko pa tapos gawin.

Napanguso naman ako saka inabot sa kanya yung ballpen saka ngumiti ng pagkatamis-tamis! Gusto ko sya na gumawa nung assignment ko. He-he S'ya naman lage gumagawa nyan dati eh!

"Puh-lease?" with matching puppy eyes.

Pinandilatan nya lang ako saka dumukwang sa mesa at nagtulug-tulogan. 'Hindi umepek??' That's weird.

Bigla naman pinagtawanan nila ako.

"Saglit bili lang ako foods." Narinig ko sabi ni Steven.

Kinalabit ko si Vaughn. Aba! Hindi ako pinansin? "Vaughn naman eh."

Wala pa rin.

"Vaaaaughn... Woe sige na...," Yumuko din ako paharap sa kanya saka tiningnan sya. Kinalabit ko ulit.

"'Yoko."

Napanguso naman ako.

"Naman eh. Ngayon lang naman... mababaliw na ako dito oh!"

"Ako din." Mahinang sabi nya uli.

'Hmm???' " Bakit?" I asked softly.

Gumalaw yung mga eyelashes nya saka dahan-dahan bumukas ang mga mata nya. Gustung-gusto ko talaga yung mata ni Vaughn na kulay ash-grey at yung itim na itim na eyelashes nya.

Tinitigan n'ya lang ako habang naka-unan kami sa mesa.

Yung mga mata nya kasi napakamysterious tingnan pero lately, napapansin ko parang puyat na puyat yata yung mga mata nya.

Vaughn and I share this certain connection. We don't talk much about everything. We just stare at each other like this for minutes or lean on each other. Our friendship... Hindi yung normal na palagi usap ng usap, tawa nang tawa. Yung sa amin, yung ganito... even with this silence between us, comfortable pa din kami with each other kahit magkasama kami sa sala pareho nagbabasa ng book pero di nag-uusap or just sharing earphones while sitting on a bench together or just lying on the ground watching the stars.

Nahihiwagaan yung barkada sa amin pero nang maglaon, nasanay na rin sila.

Tinitigan ko lang din sya, yung mga mata n'yang nakatitig lang sakin... yung forehead n'ya.. yung matangos na ilong nya.. yung makinis na cheeks nya... yung clift-chin nya saka yung cute na cute na mole sa ibaba ng lips nya.

Sinclair Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon