Chapter 3: Abercrombie and Fitch Models

134 5 0
                                    

Di tulad kahapon, maaga akong pumasok ngayon. Too early pa nga eh. 6:30 am palang sa relo ko. Paano ba naman kasi nagising ako nang 4:00 am. Aalis kasi sila Manong Eddie, yung family driver namin. Si kuya din maagang pupunta ng school kaya pati ako napilitan nading pumasok ng maaga.

Pagpasok ko sa main building, napansin kong busy ang mga utility staff. Tumigil ako't nanood muna. Lahat sila nagmamadaling paroo't parito, sigaw doon at sigaw rito.

"Johnny! Di ba sabi ko sa'yo ayusin mo pagmop ng sahig?!" sita nung head utility sa katabaang lalaki malapit sa entrance ng lobby. Tulak-tulak nito ang utility cart at kakamut-kamot. "Gusto ko makintab na makintab!" dagdag pa nito.

Sinipat ko ang sahig. 'Malinis na naman ah'.

"Celso! Siguraduhin mong walang kahit na anong basurang nagkalat sa labas lalong-lalo na sa parking lot!" utos nito ulit doon sa isang lalaking mabilis namang tumalima palabas.

Napasimangot ako. 'Ano bang meron?' Tuluyan na akong pumasok at umakyat papuntang 4rth floor. Natigil ako sa doorway ng classroom nang makitang busyng-busy din sina Mrs. Henares at dalawa pang babaeng utility na naglilinis ng room. Yung isa eh bina-vacuum ang sahig. Yung isa naman eh nagpupunas ng kung ano sa wyteboard. Samantalang si Mrs Henares ay abala sa pag-aarange ng mga kung anong gamit sa cabinet.

'Okay. wazzgoinon???'

'Uhmm!' Ngumiti ako. "Good morning Miss Henares!" mahinang bati ko.

She jerked around to look at me. Halatang nagulat ko.

"Oh!" Napahinga naman ito nang malalim saka ngumiti. "Miss-uhm- What's your name again honey?"

I sighed. Opo hindi po ako known with the teachers.

"Schneider ma'am. Ariella Adelle Schneider."

"Oh! Yes, I remember now. Miss Schneider dumating kana pala. Teka anong oras na ba?

Tumingin ako sa wristwatch ko. "Past seven a.m na po."

Napapagpag ito sa sarili. "Oh dear! Oh dear! –Maria! Teresa! Tapos na ba kayo maglinis?''

'Parang 'di naman siya masyadong natetense noh..?'

''Opo," sabay sagot ng dalawa.

''Oh siya-siya! Siguro naman malinis na itong room natin. What do you think Ms. Schneider?"

Inikot ko ang paningin sa loob. Parang kumikinang sa linis ang buong room sa paningin ko. Grabe. Napatingin ako kay teacher na hinahand-test kung may alikabok pa sa ilalim ng mesa.

''Ma'am, wala na pong mas lilinis pa dito. Eh ma'am bakit ang busy ho yata ngayon? Ano hong meron?"

Parang nagliwanag naman bigla ang mukha nito at matamis na ngumiti. ''Mr. Henry's grandson is coming today! Oh dear.. Nakakatuwa nga eh sa class ko pa naipasok.''

''Ah ...ganun ho pala'' sabi ko na lang. 'Ba! Pinaghahandaan ng husto ang pagdating ng grandson!'

Maya-maya pa naiwan na akong mag-isa sa loob.

''Hoy!"

May naramdaman akong kumakalabit sa balikat ko. Hinawi ko lang. Inabutan na ko ng antok.

Somebody's voice came muffled. "Hoy! Bessy gumising ka nga! Ba't ba dito ka natutulog sa room?''

Napataas naman bigla ulo ko. ''Kaw pala bessy. He-he Naantok pa 'ko eh. Ang aga ko pumasok.'' Di ko na napigilan. Yumuko na naman uli ako sa table saka pumikit.

Narinig kong tumawa siya. ''Baliw! Eh bakit napaaga ka naman? Aga pa mag-new years' resolution oy.''

I mumbled something that's even incomprehensive in my ears.

Sinclair Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon