Chapter 30: Just One More Day

31 1 0
                                    

Ariella was heading back to the publication room when her phone rang.

Nagulat naman siya sa biglang pagsigaw ng kausap. "Beshy! Nasan ka ba?"

"Pabalik na. Napagutusan lang ako. Sa'n ba kayo?" Sabi niyang dumiretso nang lakad pabalik sa Publication room.

"Nasa gym na kami. Lika na."

"Ay. Oo nga pala. Ending ceremony nga pala ng Intrams ngayon."

"Duh!"

Napangiti siya. Tiyak sinisimangutan na naman siya ng bestfriend niya. "Ge papunta na ako."

"Bilisan mo. Nasa pink bleachers kami."

Pagpasok niya sa room nagmamadaling hinablot sa kanya ni Lara ang ticket. "Ang tagal mo. Malilate na kami!" Sabay labas ng pinto.

Nagapalinga-linga siya para hanapin si Zed pero wala na ang anino nito sa loob. Busy naman na lahat ng tao kaya lumabas na lang siya. Naisip niya baka nauna na sa gym.

Binilisan niya naman ang paglakad. May naabutan pa siyang mangilan ngilang studyante papunta pa din ng gymnasium. Ngunit kahit mga ilang metro pa ang layo niya doon, rinig na rinig niya na ang ingay. Tiyak nagkakagulo na ang mga teams sa loob.

Di naman siya nagkamali. Pagpasok niya, nakita niya nang nagpapatalbugan ang mga cheering teams sa loob di pa man din nagsisimula ang event. Agad naman siyang nakipagsiksikan para puntahan ang mga kaibigan sa pink bleachers.

"Ayun si Master!" Masayang bati ni Steven nang makalapit siya't naupo sa tabi ni Patty.

Naghi-five naman sa kanya si Hozzai na nasa kanan niya. "Dumating ka din."

"Ba't ang tagal mo? Tsaka ba't di mo kasama si Zed?" Nagtatakang tanong ni Patty na nakaarko ang mga on-fleek na kilay.

Napalingon-lingon naman siya. "Akala ko kasama n'yo na. Napag-utusan kasi ako ni Lara kunin yung trip ticket. Pagbalik ko naman sa office wala na siya doon." Sa dami nang tao sa gym di niya na makita saan si Zed. "Di bale tatawag naman yun."

Nagkibit-balikat nalang ang tatlo. Sakto namang magsisimula na ang ceremony. Lalo tuloy nagkagulo ang mga studyante.

Di naman siya nagkamali, tumunog ang phone niya. Akala niya si Zed, hindi pala.

"Hello, Tito?"

"Remember when I said I had a guy come up your friend's place?" Pambungad nito. He sound excited.

"Opo."

"That photo you sent me, you said it's not his grandmother?"

Sinenyasan niya muna mga kaibigan niya na lalabas lang siya saglit para kausapin yung tumatawag. "Yeah, I know his lola Olivia," she said nang makalayo at makababa sa bleachers papunta sa rest rooms.

"You'd never guess who that woman is," sounding more excited.

"Sino po ba siya, Tito?"

Narinig niyang arang may kaluskos ng papel sa background nito. "She's no other than Diana Segovia Sinclair. The legal wife of Henry Sinclair, CEO of Sinclair Holdings, Inc. Isa nga sa pagmamay-ari niya yung paaralan niyo."

Naguluhan naman siya lalo. "Bakit po siya may picture ni Diana Sinclair."

"Good question."

"Ano po yun Tito?"

"I did a check on these two. Nalaman ko may anak na sa unang asawa itong si Diana. Si Simon Ward. Nang mamayapa ang asawa sa cancer, ipinakasal siya nang maysakit na ama sa anak ng business partner nito. At yun nga si Henry Sinclair I. Together, they had a son named Henry the second. When Diana's father passed away, she alone inherited his  fortune. Anyway, Simon Ward never had a child kahit kilala itong playboy billionaire. Itong si Henry Jr. naman nagkaanak ng isang lalaki. The third naman ito."

Sinclair Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon