Chapter 3

520 14 0
                                    


ANNTONIA'S POV

Isang oras na kaming nagbabyahe at malapit na din akong mabaliw dahil isang oras na rin kaming di nag uusap. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni hindi man lang niya ako kinakausap o nililingon man lang nalimutan ata niya na may kasama siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Hindi ko nman gustong mag umpisa ng conversation kaya hinayaan ko na lang siya sa pananahimik niya.

"Let's eat breakfast first. we still have a long way to go" Sabi niyang nakatingin pa rin sa daan.

Hindi ako sumagot. On the other hand, kanina pa ako nagugutom tanghali na kasi hindi ako kumain ng breakfast kaninang umaga bago umalis ng bahay.

Nakita kung pumasok kami sa parking area ng isang mall. Ipinarada niya ang sasakyan at pinatay ang makina. Ilang minuto ang lumipas nakatingin lang siya sa unahan ng kotse bago siya lumingon sa akin

"Dito na tayo kumain at kailangan din nating bumili ng mga gamit na kakailanganin natin ng ilang araw sa Batanes" ani niya sa malalim na tono.

Lumingon ako sa kanya na may pagtatanong sa aking mukha. Gusto kung magsalita dahil marami akong gustong sabihin sa kanya.

"Sori kung di ko sinabi sayo. Gusto ko lang munang lumayo pansamantala"

"Pero kung hindi mo gustong sumama ok lang nman sa akin eh. Ipapasundo na lng kita dito kay Mang Doming" sabi niya sa malalim pa rin na boses.

"No, Ok lang naman sa akin. Secretary mo ako pero kaibigan mo rin. Kaya sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta" sabi ko sa mahinahon na boses

Nakita kung ngumiti sya ng bahagya habang nakatingin sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ngiti na iyon. Lalo siyang gumaganda pag nakangiti.

"Let's go" sabi nito sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng mall

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Nanlalamig ang kamay ko at buong katawan dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"Are you cold?" she asked
"Your hand is so cold" Okey ka lang ba" tanong nito

"O-okey lang ako medyo malamig lang talaga. Lamigin kasi ako" sabi ko sa kanya sabay ngiti ng may pagkapahiya.

Lalo lang lumaki ang pagkakangiti niya dahil sa sinabi ko. Hinila na niya ako ulit patungo sa elevator.

My world, My UniverseWhere stories live. Discover now