Kasalukuyan akong nakatingin sa table habang nagtuturo ang professor namin at habang iniisip ang pangyayari kagabi, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa ko yon, at Kasama ko pa talaga si Kayla na gawin iyon. At until now I still can't believe na pinalitan niya lahat ng tungkol sa sarili niya.
"Ms. West!" bumalik ako sa pag iisip ng tama nang ibagsak ang libro at tawagin ako ni Ms. Valdez. Mas lalo naman akong nahiya nang makita ang mga kaklase kong nakatingin saakin ang lahat.
"I've been calling you for the nth time, stand up and solve this." malamig na sabi nito kaya dali dali akong tumayo at pumunta sa harapan nalaglag naman ang marker at sabay naming pinulot ito, napatingin naman ako sa mata nito at biglang bumaba ang tingin ko sa nakauwang na butones ng damit nito.
"Pervert" rinig kong bulong nito at tumayo na.
grabe, ako? pervert? napatingin lang eh, bakit kasi sya nagsusuot ng ganon? siya nga tong sinama ako sa bar eh, tapos kung makayapos akala mo girlfriend ko.
Nang masagot ko ang tanong nito sa blackboard sumenyas itong umupo na ako kaya umupo na ako, hindi manlang ako sinabihan ng very good, ansama talaga eh.
"Kita ko yon, ikaw ah" bulong saakin ni Ion habang sinusundot ang tagiliran ko. kahit kailan talaga.
"ang alin ba!" sinamaan ko ito ng tingin dahil patuloy sinusundot ang tagiliran ko, kaya kinurot ko ito at napangiwi naman ito.
"Crush mo si professor Valdez ah" bulong nito ulit at nginitian ako ng nakakaasar. pati muka niya nakakaasar
"tigil mo yan, susuntukin kita mamaya." sambit ko rito at tumigil naman ito sa pangungulit saakin at nginusuan ako.
Matapos ang klase ay iniwan ako ni Ion sa cafeteria nalang daw kami magkita dahil gutom na siya at ako naman ay may hinahanap na papel. Hindi ko makita yung reviewer ko para sa exam bukas. Nakalimutan ko kung saan ko nilagay. Minsan na ngalang gumawa ng reviewer mawawala pa.
"shit asan naba kasi yun" sambit ko nang mahina dahil hindi ko mahanap-hanap ang papel na iyon. nagulat ako nang may isang papel ang humampas sa mesa ko, nakita ko ang hindi mabasa basang muka ni Ms. Valdez. Nang kunin ko ang papel ay nakita ko ang reviewer ko.
bakit ang hilig mang hampas ng babaeng to?
Napangiwi naman ako dahil nilabas ko pala lahat ng gamit ko sa table at sobrang Kalat nito. "Next time, careful with your things. At huwag kang tulala sa klase." malamig na sambit nito at pumunta na sa harap para ayusin ang mga gamit nito.
sabay kaming natapos sa pag ayos ng gamit, ngunit nang magpaalam na ako rito ay pinabitbit naman nito ang gamit niya.
Habang naglalakad kami ay nauuna ito saakin, hindi ko naman maiwasan ang hindi mapatingin sa likod nito, infairness maganda talaga likod niya ah, pero hindi ko makakalimitan yung gabi na dinala niya ako sa bar. May pa "fuck me" pa siyang nalalaman. Tapos–
"wala ka bang planong pumasok?" sambit nito na nagpabalik sa katinuan ko.
sorry naman
"Ah eh hehe" tanging ito lang ang nasambit ng katangahan ko. habang kinakamot ang batok ko.
ibinaba ko sa table niya ang mga libro at pagharap ko rito ay sumakto namang tumama saakin ang dibdib nito nagitla pa ako sa nangyari dahil hindi ko rin alam paano siya napunta sa likod ko. Tumikhim ako "s-sorry po hindi ko alam n-na nandyan po ikaw." nautal pa ako dahil sa nangyari pero siya parang wala lang.
"It's okay... Thank you." tumango nalang ako rito "uhm mauna napo ako, sorry po ulit." paalam ko rito.
thank you..