"Anong oras na Gino! hindi kapa ba gigising jan?!" hayst. here we go again, umagang umaga talaga eh noh. mga nanay talaga.muli nanaman akong nagising sa sigaw ng nanay ko, lakas talaga dinaig pa mga rapper nitong nanay ko eh.
"Opo ma, 5 min- arayyyy!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sampalin ako ng mama ko. Hindi ko malayang nakapasok ito ng kwarto, grr. malakas ang pagkakasampal nito saakin kaya nabangon ako at nanlaki ang mga mata ko.
"Mama naman eh, shekit kaya look oh namula na tuloy." feel ko hindi effective pagpapa-cute ko rito ah, hirap utuin ng mga gurang.
"hihirit kapa ng limang minuto gusto mo bang mahuli sa klase?! Unang araw nyo, napaka ano mo talaga Gino, bumaba kana nga don!" sigaw nito saakin ngunit nakatitig lamang ako rito with matching pouting face na maluha luha sa sampal ng mama ko.
akmang babatukan pa ako nito dahil hindi pa rin ako tumatayo nang takbuhan ko ito pababa sa sala.
Nagtungo ako sa banyo upang mag hilamos, pagkalabas ko ay kita ko naman ang mapang-asar na muka ng ate ko na kagigising lang din at may pakanta-kanta pa. infairness mukang di lang ako nasampal ngayong umaga.
"Dami ng broke na choke tapos nag elevat— goodmorning bunso" akmang hahalikan ako nito ng sampalin ko ito.
aga aga eh
"Ouch ha! ano beh nasampal ka rin ba?" Tanong ni ate Fionna saakin. Inikutan ko lamang ito ng mata at tinawanan lang ako nito.
she's the middle child of our fam,
Fionna Sadana West.wag na kayo magtaka kung bakit parang timang 'tong ate ko. middle child eh, chz.
Akmang kukuha na sana ako ng ulam ng marinig ko nanaman ang sigaw ng nanay ko. tsk, wala nabang katapusan to? tsk tsk tsk. Ibinaba ko nalang ang hawak Kong kutsara at tinidor.
"kayo talagang magkapatid ang hirap-hirap niyong gisingin, hindi ko alam kung san kayo nagmana." tumabi ito saakin sa upuan at nagsimulang lagyan ako ng kanin at ulam sa plato, naks parang di ako sinampal kanina ah.
"Ma lagyan mo rin ako wag puro si Gino, hmp!" kahit kailan napaka selosa nitong ate ko eh. Inikutan lang ito ng mata ni mama, at nilagyan din ng kanin. Bunso first kasi.
"Oonga po pala ma, kailan po ba uuwi si Ate Frione?" Biglang pagtatanong ko, Si Ate Frione Sid West ang pinaka-panganay saamin. 2 years na nakalipas since umalis ito papuntang Italy kasama ng asawa niya. At tatlong taon na itong kasal ngunit wala pa ata sa isip niya magka-anak, hmpp gusto kona ng pamangkin.
"ang alam ko next month na" napatingin naman kami sa gawi ni dada, nang bigla itong sumingit sa usapan. Kagagaling lang ata nito sa gym dahil pawis na pawis ito.
She's my dada, Garry Senvian West, sa aming magkakapatid ako ang bukod-tangi dahil namana ko ang batuta nitong dada ko. Kaya hindi nako magtataka kung bakit ako lang may G initial saaming tatlo.
Me and My dada are intersex.
Pumunta naman ito sa gawi namin, hinalikan kami ni ate Fionna sa pisngi nito sabay umupo sa tabi ni mama.
"dad, you're so sweat, don't kiss me." sabay punas ng ate ko sa pisngi niya, natawa naman ako ng palihim, arte huh? sabagay, pawis nga naman kasi talaga si dada. pero okay lang saakin, hindi naman ako kasing arte ng ate ko.
"Next month, dad? paano niyo po nalaman?" tanong ko kay dada habang may laman ang bibig ko.
"tumawag sya samin ng mommy niyo, nakausap namin kahapon." Tumingin ito Kay mama ngunit si mama kanina pa walang imik simula ng pag usapan si ate. aba, bakit tumahimik itong nanay ko? himala