015 - Special Chapter 01
-
Cecil's POV
Medyo matagal nadin noong nakarinig ako ng balita tungkol sa mga anghel na bumaba sa lupa. Matagal na. Simula nung iniwan kami ni Jerry.
Si Jerry, ang pinaka mamahal kong lalaki. Siya lang ang tanging nagpakita sa akin ng tunay na pagmamahal. Kaya lang.. masyadong complicated ang lahat noon.
Lalo pa..
Hindi siya isang tao.
-
Nakilala ko siya sa isang kalsada. Noong una. akala ko magnanakaw siya na nakaputi. Hanggang sa, iligtas niya ako sa muntikan ko nang pagkakabangga sa isang kotse.
Pinatuloy ko siya sa bahay ko bilang pasasalamat. Patay na ang mama ko noon. Ang papa naman, nasa america kaya natuto akong mamuhay ng mag-isa. Tutal, ako naman ang iniwan sa kompanya namin dito sa Pilipinas. Kaya kahit papano, nabubuhay ako ng magisa. Wala akong kapatid, mga pinsan ko lang ang nagiging katulong ko sa pagpapatakbo nito.
Ang lalaking iyon...
si Jerry.. nagpakilala siyang si Jerry.
Isang anghel. Sabi niya. isa siyang anghel.
Anghel na ninais maging tao.
-
Hindi ako naniwala noong una. Akala ko niloloko niya lang ako. Pinatuloy ko siya sa bahay ko dahil sabi niya wala na siyang pamilya. Inihulog daw siya ng langit. Natawa ako noong una. hindi ko akalaing totoo pala ang mga sinasabi niya.
Naniwala lang ako noong.. nahulog na ang loob ko sa kanya. Sobra niyang bait. Ni minsan hindi siya gumawa ng mali. Naging katuwang ko siya sa bahay noon. Malalim siya magsalita kaya.. kakaiba siya sa lahat. napaka matipuno at napaka galang. Gentleman kumbaga. Para na nga kaming mag-asawa kung minsan eh hehe!
Matagal din bago ko nasabi na nahulog na ang loob ko sa kanya. At nung araw na sinabi ko yon, ang tanging sabi niya sa akin
"Bawal umibig kaming mga anghel sa taong kagaya mo."
nagtaka ako. Pinaninindigan niya padin ang pagiging anghel daw niya. Hanggang sa.. mahulog nadin ang loob niya sa akin.
Sabi niya.. hindi na daw siguro eepekto ang parusa sa isang anghel na umibig sa isang tao sa kanya dahil.... ayon sa kanya... ginawa na siyang tao ng Diyos. Kaya siguro daw... wala nang epekto ang parusa. Hindi nanaman daw siya anghel. Kaya baka... ligtas na siya sa maaaring kapalit ng pag-ibig niya sa isang taong kagaya ko.
Nagmahalan kaming dalawa. Ang pagmamahalang iyon... ay nagbunga. Isang baby boy :) Pinangalanan niya iyong Daniel. Ang ibig sabihin daw noon ay "Ang Diyos ang aking Hukom" (God is my judge)
Ang Panginoon daw ang naging hukom ng kanyang pamumuhay sa langit at maging dito sa lupa. Kaya gusto niya itong ipangalan sa anak namin. Natutuwa siya na.. maganda ang naging resulta ng pagnanais niya na maging tao.
Idinugtong din niya ang pangalang John sa Daniel. Ibigsabihin daw nito, ay .. ang Diyos ay mapagbigay-loob. (God is gracious)
Talaga daw na mapagbigay loob ang Panginoon sa kanya. Ibinigay nito ang kanyang gusto.
Naging tao siya.. ibinigay siya sa akin ng Panginoon.. at ngayon.. binigyan kami ng anak.
Si Daniel John .. ang kaisa isang anak ko kay Jerry.. Si DJ.. akala niya, namatay ang kanyang ama. Hindi niya alam...
*Flashback*
"ang gwapo gwapo ng anak natin o?!"
"oonga cecil! napaka amo ng kanyang mukha. parang ikaw.."
"asus, binobola nanaman ako ng anghel ko e! hehe!"
masaya kaming lumabas sa ospital noon. dala dala ko ang baby namin ni Jerry. pagkauwi ay sinorpresa agad ako ni Jerry. Sa garden.. gumawa siya ng isang duyan. Doon daw namin patulugin ang aming mahal na si DJ kapag ito ay napapagod o umiiyak.
Sinubukan ko agad ang duyan na iyon. Magkatabi kaming dalawa ni Jerry na dumuduyan.
"Ang galing mo naman gumawa ng duyan jerry!"
"hehe! nakita ko lamang iyan sa kapitbahay. ginaya ko..."
"nye! gaya gaya ka talaga!"
"mukha kasing masarap sakyan ang bagay na ganoon. At ito nga, sinasakyan na natin, masarap ngang sakyan hindi ba?"
"hehehe!"
"paglaki ng ating anak na si Daniel, gusto kong magamit niya parin itong duyan. kapag pagod siya.. nararapat lamang na dito siya magpahinga."
"oo naman. iingatan natin tong duyan na ito."
nakaidlip ako saglit pagkatapos naming magkwentuhan. hanggang sa.. pagmulat ko ng mata.. may matinding liwanag ang bumalot kay jerry.
"Jerry?! anong nangyayari sayo?!!"
ang dala dala niyang sanggol, binigay niya sa akin. Si Daniel... iyak ng iyak nung kinarga ko. Si Jerry... unti unting naglalaho.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayaring iyon.. Kahit ang kakapanganak ko lang na si Daniel ay ganoon din ang nararamdaman.
"Jerry??... anong nangyayari..?"
"kinukuha na ako ng langit Cecil... :)"
"akala ko ba?... akala ko ba tao kana?... akala ko ba wala nang epekto yung parusa sayo?... mawawala ka nalang bigla? .. saan ka pupunta? makikita paba kita?... paano si Daniel?... iiwan mo kami?..."
"Cecil... mahal na mahal kita... napaka saya ko na nakilala kita. Ingatan mo ang anak natin.. Balang araw.. magkikita tayong muli. makikita akong muli ng ating mahal na si Daniel..."
Naglaho na si Jerry. Tinangay siya ng hangin. Ako... iyak lang ako ng iyak.. Kasabay kong umiyak ang aking anak na si Daniel..
*end of flashback*
"Maam Cecil, papirma po ng mga papeles na 'to. kailangan nadaw po ni Sir Jaypee eh."
"osige lapag mo lang dyan."
Habang nasa trabaho... wala akong naiisip kundi ang nakaraan ko. Si Jerry.. kumusta na kaya siya?... Simula noong pinatuloy ko si Kath sa bahay namin... Simula noong... nakilala ko si kath... hindi ko na maialis sa isip ko ang nakaraan ko.
Sabi ni Jerry sa akin, magkikita kami balang araw. Pinatuloy ko si kath sa bahay namin sa pag-asang siya ang magiging daan sa muling pagkikita namin ni Jerry.
Noong sinabi ni kath na isa siyang anghel... hindi na ako nag-atubiling patuluyin siya ng bahay. Bumilis ang tibok ng puso ko noon. Tuwang tuwa ako sa galak na mayroong anghel ulit akong nakilala.
Ganoon din magsalita si Kath kapares ni Jerry.
Kaya sigurado akong anghel nga talagang si kath. Ang mga anghel ay hindi marunong magsinungaling. Sino ba namang baliw ang magsasabi na anghel siya?
Mga tunay na anghel lang ang gumagawa ng ganoong bagay. Kaya malaki ang tiwala ko na si kath... ang magiging daan upang makita kong muli ang lalaking pinaka mamahal ko.
Ang lalaking tanging minahal ko.
----
Pinirmahan ko na ang mga papeles at nakipagmeeting sa mga kleyente. Pagkatapos ay umuwi rin ako agad. Prom night kasi ng baby Daniel ko. Gusto kong makita siyang nakaporma. ^^
BINABASA MO ANG
When Angels Fall - Finished
FanfictionWhat if mahulog ang mga anghel sa langit? Magkakahimala kaya? Himala bang matatawag ang mainlove sa isang "Angel"? Subaybayan ang magical story ni Kath at DJ. What will happen When Angels Fall?..