Chapter 027
Kath's POV
Ilang araw rin ang nakalipas matapos ng masayang araw ng pamimili namin ng mga bagong damit, balik ulit sa dati ang aking gawain. Tumutulong akong muli sa bahay, ako lang at ang kanilang mga kasambahay ang naroroon. Si yaya.... mukhang magaan na rin naman ang loob nya sa akin. Lalo pa't medyo matagal tagal na rin akong nakatira rito sa tahanan nila.
Ang aking inakalang panandaliang katuparan lamang ng aking pangarap na maging tao ay unti unti nang nagiging permanente. Lahat na ng ninais kong gawin noon ay akin nang natupad. Maliban sa.. maligo sa dagat. Gustong gusto kong maligo sa tubig na tinatawag nilang dagat. O kahit sa ilog. Napapanuod ko ang mga tao mula sa langit na masayang nagtatampisaw sa tubig na iyon. Nais ko din sanang maranasan. Syempre, kasama ang mga tinuturing ko ngayong pamilya.
Ngayon ay mag-isa akong nanunuod sa TV, walang drama kaya't doon muli ako nanunuod sa palabas na naggagawa ng mga pagkain. Takam na takam ako habang nanunuod.
Iniisip ko na sana, nandito nalang si DJ sa tabi ko. Para may nangungulit sa akin. Para hindi ako natatakam ngayon.
Abala si DJ sa mga kailangan niyang asikasuhin sa muli niyang pagpasok sa paaralan. Si mommy naman, lagi namang abala sa trabaho niya. Pero kahit ganoon, hindi nila ako nakakalimutang pasalubungan gabi gabi pag-uwi nilang dalawa. Si Dj, ang palaging pasalubong sa akin, ay yung bilog na puting tinapay na may palamang karne sa loob.
Siopao raw ang tawag doon. Masarap ito at pinipitpit ko muna ang tinapay nito bago kainin. Para mas tumagal ang aking pagkain dito! hehe!
kumakalam lalo ang sikmura ko. tsk. Puro pagkain ang aking iniisip. Haaay. Napahiga ako sa sofa. Ang lambot talaga. parang yung ulap. napapikit ako. at maya maya..
"BULAGA!" pagdilat ko'y naroon na pala si DJ, nakatungo sa akin. napangiti ako kasi ewan ko ba, sabik lang talaga akong makita siyang muli, kahit naman kagabi ay nagkukulitan kami.
"Kumusta ang lakad mo DJ?" bumangon ako at umayos ng upo sa sofa. hinintay kong makaupo rin si DJ. Umupo siya sa tabi ko.
"ayos naman. tapos nadin sa entrance exam. Mag-eenrol nalang ako sa susunod na linggo. heto pala, dinalhan kita ng hopia." inabot niya sa akin ang isang paper bag na may lamang iba't ibang klase ng tinapay. Karamihan doon ay hopia. Ayun buti naman, kanina pa kasi ako nagugutom.
"Pansin ko tumataba ka ngayon." sabi sa akin ni DJ habang binubuksan ko ang balot ng hopiang monggo.
"Hayaan mo na, pogi pa rin naman ako diba?" sabi ko at ngumiti sa kanya. Sabi kasi kahapon ni DJ, pogi daw ako. hahahaha. ewan ko ba ron. di ko siya maintindihan. ang kahulugan daw ng pogi ay magandang lalaki. Hindi naman ako lalaki? ay ewan ko sa kanya.
"Nagkita kami ni Ericka kanina." napatigil ako ng pagsubo nang marinig ko ang sinabi niyang iyon.
"ta...talaga?" sabi ko na lamang at kumagat sa hopia ko.
"may outing daw yung batch namin. kasama sina Alfred at ibang tropa." pagpapatuloy pa niya.
"anong outing?" sabi ko naman habang patuloy padin sa pagkain.
"outing, lalangoy, mageenjoy. party party." napakunot noo ako sa sinabi niya. Nais ko sanang sumama kaya lang baka naman ayaw ni DJ na kasama ako.
"Sama ka kath." bigla akong nagulat sa nasabing iyon ni DJ. nanlaki ang mga mata ko at pati na ang ngiti sa labi ko.
"Talaga DJ talaga?!!" may laman pa ang aking bibig na hopiang di ko pa masyadong nangunguya noong akin iyong nasambit. Hindi ako makapaniwalang gusto akong kasama ni DJ! pero ano nga ba ang gagawin doon? bahala nalang! basta ang mahalaga, kasama ko si DJ na magsasaya. Waaaa!
"Pero bago yun, paalam muna tayo kay mommy mamaya pagdating niya. at isa pa, magbibihis muna ako. dyan ka muna, ubusin mo yang pasalubong ko sayo." tumayo na si DJ at pumanik sa taas. At ako naman, hindi ko maipaliwanag ang nadarama ng aking dibdib.
Ligayang ligaya ako sapagkat bukod sa tinawag nanaman akong kath ni DJ, ay gusto niya akong isama sa kanyang lakad kasama ang mga kaibigan niya. Napakasaya ko talaga!
"hoy kath" nanlaki muli ang aking mata. Hindi dahil sa sobrang tuwa kundi dahil sa pagkagulat. Si Jerry. Bigla biglang sumusulpot. Nakaupo siya sa tabi ko. Waa!
"bakit mo ba ako ginugulat Jerry?" tanong ko. inalok ko siya ng hopia, pero sabi niya di daw siya nakakakain non.
"Mukhang may nararamdaman ka na kay DJ ha, ipapaalala ko lang sayo...." bago niya ituloy ang sasabihin niya, pinangunahan ko na agad siya.
"Alam ko alam ko. NA BAWAL TAYO UMIBIG SA MGA TAO. oo aaminin ko, mahal ko si Dj at mommy Cecil, natutunan ko nang magkaron ng malasakit sa kanila lalo pa't napakabait nila sa akin. Ilang araw na rin akong naririto, at kahit kailan, di nila ako pinabayaan."
"Basta. Ang laging paalala ko sayo Kath ha. wag mong kalimutan." mga huling nasambit ni Jerry bago nanaman siya naglahong parang bula.
Minsan naiisip ko, ano pa nga kayang mga bagay ang kayang gawin ni Jerry bukod sa maglaho at sumulpot ng biglaan? May kapangyarihan kaya ang mga anghel tagabantay? At isa pa... nasaan na kaya sina Sarah at Michael? Namimiss ko na sila....
HIndi ko na namalayan ang takbo ng oras at ako pala ay nakatulog na kung saan ako nakaupo kanina. Pagmulat ko ng aking mga mata....
Hawak ni DJ ang aking kanang kamay habang nakaupo siya sa aking hinihigaan. Nakapatong ang aking mga binti sa kanyang mga hita, at siya'y mahimbing ring natutulog.
Ano ito? Bakit ito ginagawa ni DJ? Baka magalit si Mommy sa ayos naming ito.
Minabuti kong tumayo dahil ayokong mahuli pa kami ni Mommy pagdating niya sa bahay. Nakakahiya ito. Nakikitira lamang ako sa kanila. Hindi ako pwedeng magkaron ng kahit anong malapit na relasyon kay DJ.
Sa pagtayo ko ay nagitla ko ng bahagya si DJ. nagising siya at nagkusot ng mata. Samantalang ako, hiyang hiya, at palagay ko'y 'nagbblush' nanaman ako, gaya nga ng sinabi sa akin ni Alfred noon.
"Uhm DJ, gabi na, maghahanda na kami nina yaya ng hapunan." nagmadali akong umalis sa sala at nagpunta ako ng kusina upang tulungang magluto ng ulam na aming kakainin ngayong hapunan.
BINABASA MO ANG
When Angels Fall - Finished
FanfictionWhat if mahulog ang mga anghel sa langit? Magkakahimala kaya? Himala bang matatawag ang mainlove sa isang "Angel"? Subaybayan ang magical story ni Kath at DJ. What will happen When Angels Fall?..