When Angels Fall - 036

597 8 0
                                    

Chapter 036

After a week na may nakakabit sa aking kung anu-ano sa loob ng isang hospital room, tinanggal na ng doctors yun after nilang iconfirm na medyo lumalakas na ang katawan ko. But, sadly, I still need to stay at that jail, I mean room for about four more days. "Ate, I want to go out na." Napatingin sa akin si Ate habang nagpipeel ng oranges.

She smiled at me. then, umiling lang sya. "Di pa pwede sis e. Four more days, remember?" Oh well. How long could that be? I sighed. Then ate tapped my back. Tapos inalok nya ako ng oranges. Sabay kaming kumain. Nararamdaman ko na ang hapdi ng sugat ko brought by the surgery, natatanggal na yata ang anesthesia. But I keep on eating the oranges that my one and only sister peeled for me. 

"Nasaan nga pala si dad at mommy? Buti no, bati na sila ate. Kailangan ko pa pala maaksidente at macoma para lang magkabalikan sila." I sighed again. "Shhh. Don't say that. Nasa grocery sila, buying some goods, for you." I smiled, then ate and I finished eating the oranges. Bitin.

"Take a nap sis, or if you want, here's the remote, watch your favorite cartoon. K? Punta lang akong restroom. Sandali lang ako ha" Binigay sa akin ni ate ang remote and I switched the TV on. Bumulaga sa akin ang new episode of ANTM. Napakunot ang noo ko, ganun na pala talaga ako katagal nakatulog? Parang sleeping beauty lang. Napangiti ako, para akong tanga, ngumingiti mag-isa.

Then I switched channel, switched it again.. and again and again.. until someone knocked on the door. I saw someone's eye dun sa maliit na window sa door. It's kuya, he opened the door. Kasama nya si dad at mom. May mga paper bags from mall and from the grocery. They kissed me and hugged me na para bang isang taon kaming hindi nagkita.

Dumating nadin si ate, at lahat kami, nanuod ng marathon ng spongebob squarepants. And out of the blue, biglang nagtanong si dad ng unusual question. "Let's go home." He looked at me, and smiled. Lahat kami napatigil sa kakatawa dahil kay Patrick Star. "Dad?" I asked. 

"Let's go back home."

"Home?" said mom.

"Pilipinas."

Nakakatawa kasi paisa isang salita lang nagkakaintindihan na sila. 

Napagiggle ako. I know dad hate the Philippines, and we don't. I mean, ate and mom and I love the Philippines very much. Si kuya, naimpluwensyahan lang ni dad sa pagkabitter sa Philippines.

So I looked at kuya. He smiled at me. "I would love to!" He said.

Napatawa ako. Nakakakatawa talaga. Hindi ko alam ang feeling, parang nakakakilig na nakakatawa na ewan. 

"Paano ang house natin dito? If all of us ay nasa Pinas, paano na ang.." dad interrupted mom. "We can sell it." said dad.

"Or pwede namang parentahan mommy." sabi naman ni Kuya. 

Si mommy at ate matagal nang nasa Pinas. Ako, si Kuya at si daddy, nandito sa states. Ngayon lang uli kami nagkasama sama after ng madaming taon. May negosyo kami sa Pinas at meron din naman dito sa states. I mean, si mom, merong negosyo sa Pinas, then si daddy at kuya, may negosyo dito sa states. Matagal tagal na rin yung panahon na nagkasama sama kaming lahat sa iisang bubong. At ang panahon na yun, panahon pa nung nasa Pinas kaming lahat. At ngayon, heto, mukhang manunumbalik ang ganung panahon.

Kinuha ako ni daddy para makapagtapos ako ng college sa states. Pinag-awayan panga nila kung saan ba talaga dapat ako. Until, ayun, sabi nila, better ang education dito kaya heto, kasama ko ang dad ko at Kuya. Kaya madali akong natutong magdrive dahil sa kanila. Medyo independent ako dahil nga, puro boys kasama ko sa bahay.

So pinagaralan kong mabuti na alagaan ang sarili ko. Sobrang gusto ko nang makatapos para makasama ko na uli si ate at mommy sa Pinas, pero ngayon, mukhang di ko na yata kailangang makatapos para mangyari yun, kasi, ngayon, heto na. Okay na uli ang lahat. At mukhang, papayag nadin sila na sa Pinas na din ako magcollege. Oh God! Thank you po! 

"Gusto nyo ba yun? Katherine?" dad asked me.

"Of course!" sobrang saya ko lang talaga. Mommy and daddy hugged each other. Ate and kuya hugged me, tapos nagjoin si mom at dad, naggroup hug kami. Bigla akong napatingin sa TV, napatawa ako kay Patrick Star. "Look." I said. Natawa din sila kay Patrick kasi natutulog sya at halos mabaha na sa bahay nya dahil sa tulo ng laway nya. Yay!

DJ's POV

After a month, balik school nanaman ako. New environment. New faces. New rules. Bago lahat. Of course, kasama ko si Ericka sa school. But, di siya umattend ng unang klase ng taon. Orientation lang ang ginawa maghapon. After nun, nagdecide ako na magmall. Sa mall, nakita ko si Alfred at Tofer, kasama yung mga girlfriends ata nila. Bago din.

"yow pare! laki ng ngiti a?" lumapit ako sa kanila. nakakatawa naman kasi, bagong school year, bagong girlfriends din sila.

"Wala lang." Tapos pinakilala nila sa akin ang mga kasama nila. Mga 8pm, nagdrive na ako pauwi. Tapos kwentuhan kami ni Ericka sa phone bago matulog. Kinwento ko sa kanya na bago nanaman mga syota nina Tofer at Alfred.. etc., etc., Kinantahan ako ni Ericka sa phone tapos nakatulog kami parehas di ko namalayan. Nakita ko nalang text nya kinabukasan. 

Tapos, school uli. The second day, sabay na kami ni Ericka pumasok. Hindi kami magkaklase dahil Interior Design ang course nya samantalang ako, Businesss. Magkaiba kami ng building kaya hinatid ko pa sya sa building nya.

Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot. Pagkababa ko sa kotse, may nakasabay akong babae na parang naliligaw. Linga ng linga kung saan saan.

Hindi ko sya pinapansin hanggang sa magtanong siya sa akin. "Excuse me po" medyo slang ang babae. Hinintay ko siyang magsalita uli bago ako sumagot.

"Uhm, kuya, do you know this room?" pinakita nya schedule nya sa akin. And, nakita ko section nya, magkablock kami. "Yes." sabi ko.

Ngumiti ng malaki yung babae. "Oh God! salamat! kanina pa kasi ako hanap ng hanap. Saan po ito?" natawa ako sa babae. Mahaba buhok nya. Nakaombre highlights ang buhok ng almond brown. "Halika, samahan kita. Blockmates tayo e." ngumiti ako, at sabay kaming pumasok sa klase.

When Angels Fall - FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon