019
Kath's POV
Nakatitig lamang ako sa lalaking nagpakilalang Jerry na para bang namumukhaan ko ang itsura noong bigla nya akong tapatan ng daliri na para bang gumagawa siya ng isang mahika.
"ngayon, ano nang pakiramdam mo Kath?"
Nakakapagtaka ang sinabing yon ng lalaki. Pero, kakaiba nga ang pakiramdam. Pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. "parang namumukhaan kita." sabi ko sa kanya.
Tumawa lamang siya at napailing sa akin. Ang remote control na hawak niya ay nabagsak sa kanyang pagkakahawak.
"teka." sabi ko.
"ano nang pakiramdam mo kath?" nagtataka padin ako. Alam ko na ang tawag doon sa hawak niya. REMOTE CONTROL!!
"Parang .. Bakit.. Ganito?" nanlalaki na ang mga mata ko sa sobrang paghanga ko sa aking pagsasalita. Ano ba ang ginawa ng lalaking ito sa akin?
Muling tumawa ang lalaki. "Magic lang." sabi niya.
"marunong ka magmagic? Minagic mo ako? Paano ako naging ganito? para akong nakapagaral sa eskwelahang pantao."
"tao ka naman diba." sabi sa akin ni Jerry. Magkaharap kami habang magkatabi sa sofa. Iba talaga ang feeling ng ganito. Parang feeling ko tuloy ganap na tao na ako.
"pero wala akong dugo." sabi ko. Pero pansin kong bumunot siya ng isang matalim na bagay sa kanyang bulsa at nagulat nalang ako noong itinusok niya ito sa akin.
"Aray!!" napansin kong may tumutulong dugo sa parte ng braso kong tinusok niya.
"Yan ba ang walang dugo?" tumawa nanaman siya.
Paano siya nakakapagmagic? Namagic niya ang isip ko? Namagic niya ang katawan ko?
"paano mo ba nasabing wala kang dugo? kita mo nga o."
"Eh, ewan ko. Malamig ako dati. Maputla at walang dumadaloy na dugo sa katawan ko."
"paano mo naman nalaman?"
"Hula ko lang?"
Tumawa nanaman siya. "bakit ka palaging natatawa sa akin?" natawa nadin ako sa kanyang itsura hehehe!
"Pati ang aking pagtawa iba na!!" napasigaw ako. Biglang tingin sa paligid baka mapagalitan nanaman ako ni yaya.
"Congrats kath! Ganap na tao ka na!" Naghigh five kaming dalawa. "Binigyan ka ni San Pedro ng magic?"
"Hindi. Ninakaw ko lang kay San Pedro yung magic niya sandali" sandali kaming natahimik. Dibat anghel siya? nagagawa ng isang anghel na magnakaw?
"Di nga?" tanong ko.
"Hahahahahah! Loko lang! oo sinabi ni san pedro tulungan kita maging tao. Tutal naman.."
Nahinto siya sa pagsasalita noong nakarinig kami ng busina sa labas. Napatayo lang siya at napatingin sa bintana.
"nandito na sila." sabi niya pagkalingon sa akin. Unti unti siyang naglalaho.
"Bbye muna. :)" sabi sakin ni Jerry habang kumakaway. Napangiti lang ako at kumaway din. "bbye!"
"Huy!" nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintuan. Nakita ako ni DJ na kumakaway.
"Sinong kinakawayan mo dyan?" tanong niya sa akin. "Ah.. wala wala lang DJ! hehehe!"
"May ketek talaga.." nilagpasan lang ako ni DJ at umakyat na sa kanyang kwarto. Hindi niya napansin ang bagong pagtawa ko. Nagbless ako kay mommy pagkadating niya.
"Aba! marunong ka na magbless kath ah?! san ka natuto?"
"Uhm, mommy, wala lang po, napanood ko sa TV! hehe!"
"Parang may kakaiba sa'yo kath?"
"Ah, mommy, wala po wala po! kumusta po ang lakad niyo ni DJ?"
"Nako, ako, okay naman sa office, meeting lang, pero si DJ, ewan ko dun di nagkwento about sa prom nila. ewan ko ba."
"Ah.. hehe! sige po mommy, samahan ko na kayo sa taas."
Pinatay ko na ang TV at tinulungan si mommy magbuhat ng bitbit niya. "naghapunan ka naba Kath?" tanong ni Mommy habang umaakyat sa hagdan. "Di pa po eh. Pero ayos lang di naman ako nagugutom mommy!"
"Gabi na. Kain ka na muna magpadeliver muna ako ng food ha."
"Nako mommy wag na po!"
"Sige na kath, eto na tatawag na ako."
"Eh, sige po."
Dumiretso kami sa kwarto ni mommy. Binaba ko lang ang mga bitbit kong gamit niya at pumunta nadin ako sa kwarto ko.
__
"Ketek!! ketek!"
Pagmulat ko ng mata, si DJ agad ang nakita ko. Biglang bangon ako sa kama dahil sa pagkagulat.
"DJ?"
"Bangon ka na ketek!! umuulan o!"
Natawa ako at nagulat dahil sa biglang paghila sakin ni DJ papunta sa bintana. "tignan mo umuulan o." Sabi ni DJ sakin. Napatingin lang ako sa kanya. Para siyang batang ngiting ngiti dahil sa ulan. Bakit kaya? Nagenjoy siguro siya sa pagsayaw namin sa ulan kahapon hehe!
"Gusto mo uli maglaro sa ilalim ng ulan?" sabi ko sa kanya.
"Ayoko nga. May pasok pa ako. Ginising lang kita. Wala lang." nye. Ang gulo naman ni DJ.
"huh?" sabi ko. napakunot noo ako. napatingin siya sa akin. biglang batok sa noo ko.
"Sige na matulog ka ulit. KETEK! maliligo na ako."
kumaripas ng takbo si DJ. Halos magiba ang bahay sa bigat ng paa niya. "parang tanga si DJ." napakamot ulo ako. napatakip sa bibig ko. "OOPS!" nasabi ko nalang. kung anuano nang nasasabi ko! Sorry Papa! bad word po ang tanga alam ko po yun. Sorry po talaga!
Mabuti pa dati nung di ko alam ang mga salitang yun eh. Di ko nasasabi. Haay.
___
Lumipas ang ilang araw nang pagiging busy ni DJ at mommy. Halos hindi ko na sila nakikita maghapon sa loob ng bahay. Magisa lang ako palaging nanonood ng TV at kumakain ng tanghalian at hapunan. Minsan, ng almusal din. Kahit si Jerry, di ko na din ulit nakita.
Si yaya, ayun. Masungit padin sa akin. Hanggang sa isang araw, niyaya ako ni DJ sa school nila. Tignan ko daw ang photoshoot nila para sa graduation.
Gaya nung huling araw na nakausap ko si DJ, ginising niya ako. Minadali niya pa nga ako sa pagbangon dahil baka daw malate siya sa photoshoot.
"Bilisan mo ketek. pumunta ka agad sa kotse ha hintayin kita."
Nagmadali ako. Mga 6minutes bago ako nakababa ng kwarto ko. "bagal mo." sabi sakin ni DJ noong makaupo na ako sa upuan sa harapan ng kotse. Katabi niya.
"Bakit mo ba ako gustong isama?" tanong ko sa kanya.
"wala lang. ayaw mo ba lumabas ng bahay? Ang boring kaya dun! tignan mo nga mukha ka nang zombie sa kakakulong mo sa bahay namin."
"Yun lang ba ang dahilan? isa pa..--"
"oo yun lang ang dahilan."
"isa pa, lumalabas naman ako ah. sa hardin."
"Tss. Tumigil ka! wagkanang madaming satsat."
mabilis lang na nagdrive si DJ. Sandali lang at nandoon na agad kami sa building ng school nila. Una kong nakita, si Ericka. Kakababa lang din ng kotse niya.
"Oh hi!" sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
When Angels Fall - Finished
FanfictionWhat if mahulog ang mga anghel sa langit? Magkakahimala kaya? Himala bang matatawag ang mainlove sa isang "Angel"? Subaybayan ang magical story ni Kath at DJ. What will happen When Angels Fall?..