When Angels Fall - 028

800 8 0
                                    

Chapter 028

Nakabagsak ako ng plato noong narinig ko ang boses ni mommy galing sa sala. Hinahanap nya ako kay DJ. Lakas ng pandinig ko. Hehe!

"What happened there yaya?" papalakas ang boses ni Mommy habang sinasabi yun. Ibigsabihin, papalapit sya rito sa kusina.

"Paumanhin mommy, ako po nakabagsak. pasensya na po." pinupulot ko ang mga piraso ng plato na nabiyak sa pagkakabagsak ko. Maya maya ay dumating na rin si DJ at nakisilip sa may kusina.

"Hindi kasi nagiingat eh." pagkasabi ni DJ, tinulungan niya akong magpulot. "It's okay Kath. Hayaan mo na si DJ dyan." sabi ni mommy pero ayoko padin tumigil sa pagpulot. ako ang may kasalanan eh.

"Narinig mo si mommy? dun kana shu!"

"pero kasi DJ...."

"Shu!!! kumuha ka nalang ng walis tambo."

Inabutan ko si DJ ng walis tambo. Si mommy, tinapik ako sa balikat at sabay umalis na sa kusina.

Sa ngayon, tapos na namin lutuin ang sinigang para sa hapunan. Nang matapos na si DJ magwalis at maglinis ng mga nagawa kong kalat, itinuloy ko na ang pagaayos ng hapag kainan.

Nasanay na rin akong kumain ng mga pagkaing pangtao. Para bang, hindi na bago ang dila ko sa paglasap ng pagkaing ganito. Ewan ko ba, siguro nga itinadhana akong maging tao.

Haaay.

"Tara na Kath kain na tayo." naupo na si DJ at inaya akong kumain. Naghanda na kasi ng ulam sa lamesa si yaya.. "Tawagin ko lang si Maam." sabi ni yaya. Ako, umupo na sa pwesto ko, sa tapat ni DJ.

Pansin kong nasasanay na syang tawagin ako sa aking ngalan. Mabuti iyon dahil ibig sabihin, hindi na nya ako tatawagin sa salitang ketek. na ang ibig sabihin pala ay may toyo sa utak. Haynako. Si DJ talaga. Kundi ko pa tatanungin kay Jerry, di ko malalaman. May mabuti rin palang naidudulot ang pagsulpot sulpot minsan ni Jerry. May napagtatanungan ako ng ibang bagay na pantao. hehe!

"Aba mukhang masarap ang ulam ah." dumating na si Mommy at naupo na sa kanyang pwesto. Si DJ mukhang inaantok padin. Naupo na din si yaya sa tabi ko. Yung ibang katulong, nagsilbi muna sa amin at pagkatapos ay naupo na rin sa kanya kanyang pwesto.

Masaya rin naman sa kanilang tahanan. Marami kaming sabay sabay kumakain tuwing hapunan.

"Oonga pala ma, may outing ang tropa next week. Isasama ko si Kath ha?" biglang sabi ni DJ makalipas ang ilang minuto pagkatapos naming magdasal.

"Outing? Saan naman?" tanong ni Mommy sa kanya.

"Hindi ko pa alam pero, isasama ko si Kath. ayos lang ba? Para naman may mapuntahan syang ibang lugar diba." tumingin sa akin si DJ. nakangiti. tapos kumindat. Haynako. Nagpapapansin nanaman.

"Gusto mo bang sumama kath?" tanong naman sa akin ni mommy. napangiti lang ako at syempre sabi ko oo. gusto ko. gustong gusto ko. hihi

"Osya sige, basta magiingat kayo ron. magbaon kayo ng maraming lotion panglamok uso panaman dengue ngayon."

"Yes ma." sabi ni DJ at nagpatuloy ang pagkain namin ng tahimik. 

DJ's POV

After graduation, hindi natapos ang pagrereview ko para sa kung anu anong subject para sa maraming entrance exam. Sabi ni Mommy, kailangan daw maipasa ko lahat ng exams para daw ako ang mamimili ng school.

Haaay. Parang wala rin akong naging bakasyon. Bihira lang din ako matengga sa bahay. Pero ang masaya dito, kapag natetengga ako sa bahay, nagkakaron ako ng pagkakataong maging kaclose pa lalo si kath. 

Maganda pala ang pangalan niya. Iniisip ko nga minsan, ano nga kayang tunay niyang pangalan? Kath lang kaya talaga? Pwedeng Kathline, Kathrine, Kate? Ewan. Pero nasasanay na talaga ako sa pagtawag sa kanya ng kath. FC ako e. haha!

Feeling close? Siguro di na ngayon, lagi na kaming nagkakakwentuhan eh. tungkol lang sa nangyari sakin buong araw. Parang siya ang nagiging live diary ko. 

Ansaya din palang may best friend. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko syang natutulog,naiisip ko, at narealize ko, na puro ako lang palagi ang usapan namin.

Tuwing naguusap kami, ako lang ng ako ang nagsshare. Andaya nya pala. Kahit kailan, di pa sya nagshare ng tungkol sa kanya. Kung ano ba ang pakiramdam ng maging anghel. Kung bakit ba sya napunta dito. 

Matagal tagal ko nadin siyang nakakasama at nakakausap pero kahit kailan 'di niya pa ako nakkwentuhan tungkol doon.

Naupo ako sa tabi niya. Ipinatong ko ang mga binti niya sa hita ko. Kinuha ko ang kanang kamay niya. Anlambot, at anlamig. napangiti ako. Bigla akong naexcite sa darating na outing next week. Sana pumayag si Mommy na isama ko si Kath.

___

Nakatulog pala ako habang hawak ang kamay ni Kath. Nagitla ako nang bigla siyang bumangon. Sumakit bigla ang ulo ko kaya pumikit uli ako. Pero wala pang isang oras, dumating nadin si mommy, kaya't bumangon na rin ako sa sofa at pinagbuksan siya ng pintuan.

Kinamusta ako ni mommy kung kamusta na ang mga kailangan ko para sa pagcocollege. Kung nakapasa nadaw ba ako sa ibang exams. 

Sabi ko okay naman. Pasado sa lahat. hehe!

Hanggang sa may narinig kaming nabagsak sa may kusina. Nagpunta doon si mommy, ako, nilagay ko muna sa office ni mommy ang ibang gamit niya at nagpunta rin ng kusina.

Si kath, nakabagsak ng plato. Nakoooo. kung hindi talaga ketek ito oo.

Tinulungan ko siyang maglinis doon. Pagkatapos, kumain na kami ng hapunan na niluto nila ni yaya.

Ipinagpaalam ko na din kay mommy yung outing. Pumayag naman si Mommy. Buti nalang. Di na makakaligtas si ketek sa pangiinterrogate ko sa kanya. hehe!

Tumaas na ako ng kwarto pagkatapos kumain. Nanood ng TV sa kwarto, tapos, tinext ko si Alfred, tinanong ko kung pwede ko bang isama si Kath sa outing next week. At walang pagaatubiling sinabi ni Alfred na 'sige'

Manyakis talaga. Weee nakakaexcite. Sa wakas magkakaron ako ng tunay na bakasyon hay.

When Angels Fall - FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon