When Angels Fall
000
"Papa, taimtim po akong humihiling sa inyo... sana po pakinggan nyo ako.. Gusto ko pong maging tao."
.
.
.
Wala akong ibang hinangad kundi ang makita ang langit sa taas ng aking mukha. Gusto kong malasap ang simoy ng hangin sa lupa. Gusto kong malaman ang lasa ng tubig mula sa dagat, ang lasa ng nilutong palay, pati na ang lasa ng ulan tuwing bagyo.
Gusto kong makipagtawanan sa maraming tao sa paligid. Gusto kong magsuot ng makukulay na damit! Gusto ko ding kumanta sa tinatawag nilang video-oke. Gusto kong makainom ng katas ng prutas mula sa puno. Haaayyy....
Ang sarap siguro maging tao. Masaya. Walang pakpak. Malayang nagagawa ang mga gusto nila sa malawak na lupa. Kailan kaya tutuparin ni Papa God ang hiling ko? ...
Bukas? Sa makalawa? Mamaya? ..
o sana naman e.. ngayon na.
Please??
________________________________________________________
Original Story by biancabianx All Rights Reserved 2013
(KathNiel fan fiction, fantasy, romance, teen-fiction story)
BINABASA MO ANG
When Angels Fall - Finished
FanficWhat if mahulog ang mga anghel sa langit? Magkakahimala kaya? Himala bang matatawag ang mainlove sa isang "Angel"? Subaybayan ang magical story ni Kath at DJ. What will happen When Angels Fall?..