001
Nakarinig ako ng malakas na kulog at sa sobrang lakas parang nasira ang pandinig ko. Napapikit ako. Napatakip sa tenga at nabagsak sa pagkakalipad ko. Sumalo sakin ang malambot na ulap. Natanaw ko ang lupa mula sa ulap na kinabagsakan ko. Sinubukan kong lumipad muli ngunit pansin kong nawawala unti unti ang mga pakpak ko. HALA. Hindi to pwede!
Paano ako lilipad. Paano ako babalik sa tuktok ng langit?!
Yung kulog! Kasalanan ito ng kulog! Kung hindi ako natakot dahil sa kulog ay nandoon padin ako sa tuktok.
“Saraaaahh!... Michael!!...”
Tinawag ko ang mga kaibigan kong anghel ngunit wala. Kumukulog padin. Tanging kulog lang ang aking naririnig. Nastranded ako dito sa ulap na ito. Paano ito. Papa Jesus.. Paano ako ngayon?
..
Sa pagpatak ng isang luha sa kaliwang mata ko, naramdaman ko ang pagkawala ng ulap na aking kinakaupuan. Unti unti akong nahuhulog. AAAAAHHHHHH!!!!
Unti unti akong nahuhulog sa lupa…
TAMA! Sa lupa!!!! Aaaahhhhh!!!!!!!!!
YES!
---
“Miss?... Miss.. Hello!!...”
“AAAHHHHH!!!!!”
“Miss nananaginip ka yata. Dito kapa sa harap ng gate namin nageeskandalo. Tumabi tabi ka nga sa daanan.”
“Sino ka? Nasaan ako? Nasa lupa naba ako? Tao kaba?...”
“Miss, may ketek kaba?!”
Nasa lupa na nga ata ako! YUHOOOO!! Kinapa ko ang pakpak ko sa likod, wala na nga! Yehey! Hihihihi Ansaya saya. HIhihihihihihi
“nasa tapat ka ng gate namin kaya lumayas ka. Tska tapos na Halloween nakapangwhite lady kapa. Lumayas ka nga dito!”
.
.
.
“Babe ano ba? bakit ang tagal mo?”
“May siraulo kasi rito babe eh.”
Tinulak ako ng tao. Lalaki sya. Mataas. Katamtaman ang pangangatawan. Babe ang pangalan nya. Gayun din yung babaeng nakasakay sa isang makina. Iisa ang pangalan ng mga tao sa lupa? Babe?
“Bakit pareho kayo ng pangalan?”
Sumilip ako sa loob ng makina nung pumasok ang lalaki doon. “Babe wag mo na pansinin yang baliw na ‘yan! Let’s go!”
Biglang umandar ang makinang kanyang pinapatakbo. May nakita akong isa pang tao. Kagaya ko sya ng pananamit. Marahil ay isa rin syang anghel. “Anghel ka din?”
“Huh?! Sino ka ba?! Katulong ako dito. “
“Yaya… sino yan?..”
Aha! Hindi puro babe ang pangalan ng mga tao. Meron ding yaya ang pangalan. Hihi! Astig naman! “ah wala mam. Di ko po kilala.”
“Ako po si Kath. Angel Kath.”
“Kath? Anong kailangan mo?”
“Isa po akong anghel. Tao po kayo hindi ba?”
“Maam sira ulo po yata yan.”
“Anghel?.. “
--
Napaisip ang taong babae na medyo mas may edad kumapara sa akin. Tila ba… may alam sya tungkol sa mga anghel na kagaya ko.
“Yaya papasukin mo sya. Gusto ko syang makausap.”
Pumasok ako sa isang bahay na parang langit. Maputi at malaki ito. Maganda. Umupo kami sa isang bagay na kasing lambot ng ulap. At doon ay kinausap ako ng babae.
“Totoo bang anghel ka? Ija?” tumango ako at luminga linga sa kanilang lugar.
“Ganoon ba. Ako si Cecil. Cecil Perez.”
“bakit nyo ho ako pinapasok sa inyong tahanan?”
“Anghel din ako dati. Katulad mo.”
BINABASA MO ANG
When Angels Fall - Finished
FanfictionWhat if mahulog ang mga anghel sa langit? Magkakahimala kaya? Himala bang matatawag ang mainlove sa isang "Angel"? Subaybayan ang magical story ni Kath at DJ. What will happen When Angels Fall?..