When Angels Fall - 022

982 17 3
                                    

022

Kath's POV

Hindi ko alam na kaarawan pala ni DJ ngayong araw. Nagulat nalang ako nung makita ko yung kaibigan niyang si Alfred na minsan ko nang nakausap noon na kinakantahan siya ng Happy Birthday na kanta. May dala silang chocolate cake na mas malaki kaysa sa pangkaraniwang cake. Mukhang katakam takam tignan ang cake na kanilang hawak. Nagulat nalang ako nang biglang magbatuhan sila at halos binaboy na yung cake na yun.

Nakaupo lang ako sa isang sulok nang ako'y biglang matamaan sa kilay ng lumilipad na chocolate icing. Napatingin naman si Alfred sa akin. "uy kath oh." lalo pa nya akong nilampaso ng cake sa mukha. Natuwa naman ako sa sayang naidulot ng ginawang iyon ni Alfred sa akin. Nakisali din ako sa kanilang kalokohan kahit si Alfred lang ang kilala ko roon.

Napansin kong tumakas si DJ kaya't tinuro ko sya kay Alfred. Agad namang binato ni Alfred ng cake si DJ, di nga lang daw niya natamaan. sayang!

kaya nagplano kami ni Alfred na pagkalabas na pagkalabas ni DJ sa banyo, ay sasapulin namin sya ng cake Hahahahahahahaha. Ansaya saya.

Sana masaya din si DJ ngayong araw ng birthday niya :)

Nagtagumpay kami sa plano namin ni Alfred. Sapul na sapul ko ang pagmumukha ni DJ ng cake na hawak ko. Nagtakbuhan kaming parang mga musmos. Marami ang nagtitinginan sa amin pero lahat kami, si DJ, Alfred, ako at iba pang kaibigan ni DJ ay walang pakialam sa paligid. Wala kaming pakialam sa mga nagtitinginan hanggang sa may dumating na malaking lalaki na malambot kumilos. Lahat ng kaklase ni DJ ay nagtakbuhan nang sumigaw ang malaking lalaking iyon.

"Siya si Mr. kutkot." bulong sakin ni Alfred. 

Mukhang nagalit si Mr. Kutkot sa ginawa naming pagkakalat. "bakit mr kutkot ang pangalan nya?" bulong ko rin kay Alfred. Walang imik si Alfred. Napahagikhik lang sya sa tanong ko. Bakit? Anong nakakatawa dun? Yun ba talaga pangalan ng lalaking ito? Loko talaga ni Alfred.

Nagprisintang maglinis mag-isa si DJ sapagkat kaarawan naman daw niya. Pero, hindi pumayag si Alfred na magisa lang si DJ na maglinis ng ginawa naming kalat kaya yung ibang natitirang kamagaral nila, kasama na ako, ay naglinis ng mga kalat na nadulot ng paghaharutan namin.

Sayang yung cake. Mukhang mamahalin pa naman. 

Pagkaalis na pagkaalis ni Mr kutkot (o kung anuman ang kanyang pangalan), ay nagsialisan ang ilan para kumuha ng pangkuskos ng semento o di kaya nama'y mga pampunas sa pader.

Pansin kong si DJ ay tumungo nanaman sa banyo ng kanilang paaralan.

"Halika kath, samahan mo ako kuha tayo ng basahan sa canteen." sabi sa akin ni Alfred. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Habang nasa daan patungo sa canteen nila, kinukulit ko parin siya sa ngalan ng malaking lalaking sumigaw sa amin kanina at kung bakit siya ay sinusunod ng mga magaaral doon. Sabi naman ni Alfred, principal daw yun ng school. Pero di nya parin sinabi ang tunay na ngalan nun. Siguro nga Mr. Kutkot ang tunay na pangalan niya.

Kakaiba talaga ang pangalan ng mga tao sa lupa.

Pagkadating namin sa canteen ay kumuha lang si Alfred ng ilang basahan. "Pahingi ako Alfred." sabi ko sa kanya. "Wag na kath. madudumihan kamay mo."

"Ha? eh, osige. pero pahiram ako mamaya ha." sabi ko nung magumpisa na kaming lumakad.

"Wag na, panigurado may kukuha naman ng basahan na may handle, yun nalang sayo. okay?" madiin padin ang kagustuhan ni Alfred na huwag ako pahawakin ng basahan. Ano naman kayang problema kung hahawak ako ng basahan?

Pagkadating doon sa lugar na aming lilinisin, agad na nanghiram si Alfred ng basahan na may hawakan. 

"ito ang bagay sayo. window wiper." sabi ni Alfred sabay ngiti sa akin.

"Win..dow ano?" sabi ko pagkakuha nito sa kanya.

"Window wiper. ah basta, gamitin mo yan okay? eto sakin. basahan para sa madumi kong kamay." inihagis ni Alfred ang mga basahang hawak niya sa sahig at ipinakita niya ang dalawang palad niya sa akin. Natawa naman ako. Ang cute lang kasi ng pagkakangiti niya habang ginagawa yun. hehehehe!

"Ayan nakita na kitang tumatawa. mas gumaganda ka pag tumatawa." pinulot na ni Alfred ang isa sa mga basahang kinuha niya at sabay kaming nagpunas ng mga dingding at kahit pa kisame na nalagyan ng icing at cake.

Tawa lang ako ng tawa habang kinukulit si Alfred ng tunay na pangalan nung principal nila. hindi ko kasi talaga magawang paniwalaan na tunay niyang pangalan iyon.

"Ang kulit mo naman kath. Kutkot nga kasi pangalan nun. Mahilig kasi siya mangutkot."

Hahahahahaha! ang kulit talaga ni Alfred. ayaw talaga sabihin ang totoong pangalan eh.

Natapos kaming magpunas ni Alfred ngisang parte ng lugar na iyon at napansin kong masama ang tingin sa amin ni DJ. kumunot ang noo ko, at lumihis naman ng tingin si DJ. Naku, mukhang sumama ang pakiramdam ni DJ kasi sa araw ng birthday niya naglilinis siya.

"Tignan mo si DJ, Alfred oh. Mukhang masungit nanaman siya ngayon." 

tinignan ni Alfred si DJ kahit medyo nahihirapan siya sa pagkakatayo sa upuan dahil inaabot niya ang kasuloksulukan ng kisame dahil kahit dun umabot yung icing. haha kakaiba pati ron umabot.

"oonga. hayaan mo siya. di kapa nasanay kay DJ. Araw araw kayo magkasama sa bahay diba? lagi namang masungit itsura niyan.."

sabagay. Tama nga si Alfred.

Nagkwentuhan padin kami ni Alfred hanggang sa lapitan ako ni DJ. "Ketek. pagkatapos mo dyan dumiretso ka sa kotse ha. hihintayin kita doon. pasama kana lang dyan kay alfredo."

"alfredo?" tanong ko.

"DYAN KAY ALFRED. ANO BAYAN." mukhang galit si DJ. "yow!" sabi naman ni Alfred sa kanya. hindi siya binati ni DJ at tuluyan nang umalis at siguro, nagpunta na don sa pinagparkan ng kotse niya.

"Anong problema nun?" tanong sakin ni Alfred. "di ko din alam eh." sabi ko.

bumaba ng pagkakatayo sa upuan si Alfred. tapos na ang paglilinis namin. Hinintay ko lang siya sandali sa paghuhugas ng kanyang kamay. at ako, dun ako sa may gripo sa labas ng banyo nila nghinaw ng kamay.

"nagtext na si DJ, halika samahan kita sa parking lot." sabi ni Alfred pagkalabas niya.

"ha? oo sige." sagot ko naman. nagulat ako nang biglang kuhanin ni Alfred ang dalawang kamay ko at ipunas ito sa kanyang bagong palit na damit. "ayan para tuyo ang kamay mo kath." sabi niya sa akin. Ngumiti lang siya at inalalayan ako sa paglalakad.

When Angels Fall - FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon