025
Few days after my birthday, graduation naman ang kasunod. Kumain lang kami sa labas ni Ketek at mommy after ng ceremony. Naalala ko din na sa mismong araw ng graduation, wala ang tatay ko. Yung isang tatay na magsasabi ng "im proud of you son."
"ma." napatigil ako sa pagkain nang bigla kong maalala ang anibersaryo ng pagkamatay ni dad this year.
"bakit DJ?" tanong naman ni mommy sakin. Tumingin din si Ketek sakin nag-aabang ng kung ano ang sasabihin ko.
"Bakit nga pala, hindi natin dinadalaw si daddy? I mean, sa puntod nya. Tanging alam ko lang ay ang mismong araw ng mawala siya pero kahit kailan di naman natin dinalaw ang puntod nya o yung lugar kung saan ba siya nawala o nilibing. Bakit ma?" tinignan ko si mommy ng diretso. Hinihintay ko ang sagot niya. Pero.... kagaya dati, wala parang wala siyang narinig.
Ganun palagi. Kahit nung bata pa ako. Sa tuwing tatanungin ko siya about kay dad, walang imik. Nagkukwento siya about sa masayang relationship nila pero, kahit kailan hindi nya naikwento kung ano bang ikinamatay ni dad. or what. Karapatan ko rin namang malaman yun dahil ako ang anak.
"Eh DJ.. Bakit mo biglang naalala ang daddy mo?" tanong ni ketek. napatingin si mommy sa akin, pati na kay ketek at bigla siyang tumayo.
"Excuse me. Punta lang akong restroom." sabi ni mommy.
Napabuntong hininga ako. Dapat pala di ko nalang binanggit. Nakakainis. Graduation na graduation ko, ganito. Ewan ko. naguguluhan lang ako.
"Wala. naalala ko lang. Alam mo na, graduation ko kanina e. Sana lang kasama natin siya ngayon na nagcecelebrate." sabi ko nalang kay ketek. "sige kumain ka lang dyan ketek. wag ka na ulit magbanggit ng kahit ano about kay daddy kung ayaw mong magwalk out nanaman si ma. maliwanag?"
"Hm, okay sige DJ. Pasensya na."
After lunch, pinagshopping ako ni Mommy ng bagong mga polo shirts at sapatos. Graduation gift daw. Si ketek, di naman grumaduate pinagshopping din. Ano yun? wala lang? Swerte talaga ng anghel na ito eh. Sa amin pa piniling bumagsak. Para ano? makalibre shopping? Hahahahaha. Loko lang. okay nga iyon at may nakakabonding ng pagshoshopping si mommy.
Pagkatapos ng pamimili ng sang katerbang damit at sapatos at kung anu ano, nagbalak nading umuwi si mommy. Sa byahe, phone calls doon, phone calls dito, ni halos di ko makausap si mommy habang nagdidrive. Minsanan nalang nga siya magleave sa kumpanya, yun padin ang iniindindi niya. Sigh.
"nandito na tayo!!!!" sigaw ni ketek pagkababa na pagkababa niya sa kotse. tuwang tuwa siya dahil graduate na daw ako ng highschool. Eh ano naman kaya sa kanya? hahahaha
Kinuha ko ang mga paper bags sa likod ng kotse. Medyo marami pero kaya ko namang buhatin.
"DJ, tulungan na kita." nag-alok ng tulong si ketek, tinignan ko lang siya. Inisip ko kung magbibigay ba ako ng kahit konting pinamili sa kanya. Pero sa huli, naisip kong wag nalang. kaya ko naman e.
"Wag na. kaya ko na to." sabi ko. "Okay." sabi naman niya. sumisipol sipol pa siya habang hinihintay akong maglakad. Marunong na siyang sumipol. Pasipol sipol pa. Mukhang masaya ata siya? haha. Bago ko maibaba ang pinto sa likod, napansin ko yung isang box ng sapatos na naiwan. "Psst!" sinitsitan ko si ketek at ngumuso ako para makita niya ang sapatos na naiwan.
Ito namang si tangeng ketek na ito, ngumuso din. Hindi magets yung sinasabi ko.
"AYUUUN." sabi ko habang nakanguso padin. Si ketek, ayun, nakanguso padin at nakakunot noo na.
"ano yun DJ?" tanong niya.
"Ayun oh!" sabi ko. nakanguso padin.
"ah alam ko na!" sabi ni ketek. maya maya nilapitan niya ako.
at
hinalikan sa labi.
.
...
......
napapikit ako. Bumibilis nanaman ang pagtibok ng puso ko. Ano ba ito. ang init ng pakiramdam ko. Siguradong pulang pula na ang mukha ko ngayon.
Nang mahimasmasan, napadilat ako, nakita ko si ketek nakangiti sa akin. ANO BA SA PALAGAY NIYA ANG GINAWA NIYA?!
"uy DJ, tama ba?" tanong niya. PARA SIYANG TANGA LINTEK NA YAN.
napalunok laway nalang ako. nagbigay ako ng mga limang paper bag sa kanya para siya ang maghawak, at ako, ako nalang kumuha ng box ng sapatos. Tutal sapatos ko naman yon.
Hindi ako umiimik. Ni ha ni ho hindi ako kumikibo. Panay padin sa pagpintig ng mabilis ang puso ko. Halos mabutas na ang dibdib ko sa lakas ng pagtibok nito. Ano ba yan. Bakit niya ba ako hinalikan?! "AAARRG!" napasigaw ako sa sobrang yamot.
"uhm, DJ? okay ka lang ba?" napalingon si Ketek sa akin. Ano naman kayang nasa isip niya at hinalikan niya ako? Letse.
"ilapag mo nalang sa sofa yang mga paper bag na may damit ko." sabi ko kay ketek. Hindi ko siya tinitignan. dire diretso ako sa pag akyat ng hagdan at diretso ako sa kwarto ko. Napalundag ako sa kama at humiga. Nakatihaya ako at napapatulala sa bumbilya ng ilaw. AAAAAAAAAAAAAHHH!
Diyos ko po. Bakit ba kayo nagpadala ng anghel niyong walang kamuwang muwang. BAKIT PO?!
Npapapikit ako ng paulit ulit. At di ko napigilang hawakan ang labi ko.
Naaalala ko yung nangyari ng paulit ulit ulit. Parang sirang plaka ng isang pelikula.
"AYUUUN."
"ano yun DJ?"
"Ayun oh!"
"ah alam ko na!"
*kiss*
Waaaa!!!
At may kumatok sa pintuan. "SINO YAN?!" nilakasan ko ang boses ko para marinig nung taong kumakatok. "Mommy mo to. DJ." ah. si mommy pala.
Tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang pinutan. "Oh ma. Bakit?" sabi ko.
Seryoso yung mukha ni mommy. Di ko alam kung bakit. Dumiretso siya sa kama ko at umupo. "DJ, about your dad..." napaupo din ako sa tabi niya. Nakinig ng kung ano ang sasabihin ni mommy.
"Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sayo ang lahat ngayon DJ. hinahanap ko pa ang tamang panahon. At si kath.... Matutulungan tayo ni Kath para sa panahong yon." sabi ni mommy. HIndi ko siya maintindihan. Anong kinalaman nung ketek na yun kay daddy?
"Ma? ano kaba. Anghel si kath hindi multo." sabi ko. "Atsaka, anong magagawa niya? Wala ngang powers yun eh, power nun mang inis."
Hinawakan ni mommy ang mga kamay ko. Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya. Ngayon ko lang nakitang sobrang seryoso si Mommy.
"Trust me DJ. Malalaman mo din ang lahat. Alam ko, kung nasan man ang daddy mo, sobrang proud yun sa yo. Kasi bukod sa gwapong gwapo ang anak niya, nakagraduate na din sa wakas ng highschool ang DJ namin. Soooobrang proud kami sayo anak."
Niyakap ako ni mommy. Niyakap ko din naman siya. Weird. Parang sobrang laki ng sikretong tinatago sa akin ni Mommy. Na siguro, hahayaan ko nalang niyang itago hanggang sa ako nalang ang kusang makaalam nito.
"sige anak. matulog kana. next time, asikasuhin mo ang college life mo ha. Konting panahon nalang, ikaw na papalit sa akin humawak ng kumpanya na minana ko pa sa lolo mo. Kaya, mas galingan mo ang pagaaral ha. sa ngayon bakasyon ka muna."
"yes ma." daming sinasabi ni mommy. nahiga na ulit ako sa kama .
Lumabas na si mommy ng kwarto. at ako napapikit na. Hay sa wakas bakasyon na rin!
_______________________________________________________
AUTHOR'S NOTE: Hello readers! Sa mga susunod na araw, pasukan na at syempre medyo babagal ang update nitong kathniel story natin ^0^ But, I hope, na subaybayan niyo padin at wag kayong mahihiyang magcomment or magpost sa message board ko para naman keep in touch tayo sa isa't isa ^^ Thankyou ng maraming marami sa pagbabasa ng story ha! sana nagustuhan niyo itong chapter na ito. Mwaaa! :*
BINABASA MO ANG
When Angels Fall - Finished
Fiksi PenggemarWhat if mahulog ang mga anghel sa langit? Magkakahimala kaya? Himala bang matatawag ang mainlove sa isang "Angel"? Subaybayan ang magical story ni Kath at DJ. What will happen When Angels Fall?..