When Angels Fall - 029

839 10 0
                                    

Chapter 029

"ingat kayo ha! ingatan mo yang kapatid mo." bago kami sumakay ng van na service namin papuntang resort sa Batangas, panay ganun ang sinasabi ni Mommy. Aysus, bakit di niya kaya sinabing magiingat ako? bakit puro si kath iniintindi nya naku talaga nakakapangselos na. hehehe. biro lang. Opo lang ako ng opo kay mommy hanggang sa isara na ng driver namin (si mang Tony driver nina alfred) ang pintuan ng van.

"Excited ka naba Kath?" tanong ni Alfred kay Kath, nakasulpot ang mukha ni Alfred sa upuan nya mula sa harap. Halos magkalapit ang mukha nilang dalawa ni Kath dahil nasa likod lang ni Alfred si kath na nakasandal pa ang baba sa likod ng inuupuan niya.

Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa. Katabi ko si Kath. nasa gitna nila ako ni Sharlene. nasa likod namin sina Ericka, Enrique, Tofer, Lazaro, James, Paul John at yung tatlo pang iba na hindi ko naman kilala. Sinama lang nila. Nakikinig ako sa Ipod ko ng kantang di ko na halos maintindihan ang lyrics dahil sa ingay ng mga nandoon sa loob ng van. 

"oo excited na ako Alfred. Kaya lang hindi ako marunong lumangoy eh." narinig kong sagot ni kath. 

"Hayaan mo tuturuan ka namin ni DJ. Diba deej?" tumango lang ako kay Alfred. Nakaidlip yata ako kaya pahina ng pahina ang naririnig ko sa tenga ko.

Nang makamulat ako, nagsisigawan na silang lahat. "MALAPIT NA WOOO!" nagkusot ako ng mata. Malapit na daw kami sabi nila. Napalingon ako sa likod, nakita ko si Ericka nakanganga sarap ng tulog kahit ang ingay ingay ng mga katabi niya. Napatawa ako ng konti nakakatawa talaga si Ericka kapag natutulog. "Malapit na tayo DJ gising kana dyan." mahinhin na sabi ni Kath sa akin. nakangiti siya nung tumingin ako sa kanya sabay hinto naman ng van. Bumaba si Alfred at pinagbuksan ng pintuan si Kath.

"Ang hangin diba?" sabi niya kay Kath bago makababa. Nakashades siya at pormang porma, nakita kong kumindat siya kay kath at inakay ito habang bumababa. Ang hangin nga....

Nakashades din ako, pero halos nakapambahay lang ako. Sa beach lang naman kami pupunta eh. Black batman t-hisrt.. white shorts hanggang tuhod... tsinelas. simpleng porma.

"Ganda dito DJ no." may bumulong sa likod ko. Tuloy pa rin ang tugtog ng kanta sa ipod ko kaya napalingon lang ako sa nagsabi non. Si Ericka. "Anong sabi mo ecka?" tanong ko sa kanya nung tinanggal ko yung earphone ko sa kanang tenga.

"Sabi ko ang ganda dito, tara sundan natin sila." hinila ako ni Ericka papunta dun sa nilalakaran nila Alfred. Papunta ng dagat...

Hindi ko na maalala ang huling tungtong ko sa dagat. Kailan ba yun? .. 'di ko na talaga maalala. "DJ! Dj! dito muna tayo, baba natin ang mga gamit sa kwarto nyo." tinawag ako ni Mang Tony. Kumalas ako sa pagkakaakay sa akin ni Ericka, nagpaalam ako na susunod na lang ako at magbababa muna ako ng gamit sa kwarto.

Kasama sina tofer at enrique, pati yung dalawang lalaki na kasama yata nina Ericka at Sharlene eh kinuha namin yung lahat ng gamit at nilagay yun sa tutuluyan naming kwarto. "Sino yung isang babae ron?" tanong ko kay Tofer. May isa siyang kasama. babae. Aysus syota nanaman siguro niya yun.

"uhm,wala, childhood friend. pinasama ni dad sa akin. ganda no? chicks!" sabi niya sakin. nakatingin kami pareho dun sa babae na susunod sunod lang samin habang naghahakot ng gamit. palagay ko nga narinig niya yung sinabi ni Tofer eh.

"Miss, wagka papabola sa tropa kong to, chickboy to." sabi ko sa babaeng yun. Nagsmirk lang yung babae tapos sabi ni Tofer sa kanya "Wag kang maniwala dyan Aica."

Aha. Aica pala ha. Haha!

Mga kalahating oras lang naman kami nag-ayos ng gamit, bukod ang kwarto ng girls sa boys, kaya yung gamit ng girls, nilagay namin dun sa kwarto nila.

Nagyayang kumain si Enrique kaya dumiretso kami sa Infromation hall para magtanong kung saan masarap kumain. Itinuro kami ng isang tao dun sa isang resto. Pagkatapos, kumain kami dun.

Habang kumakain, nagtext sa akin si Alfred, hinahanap na kami at magpunta daw kami agad sa beach pagkatapos ng ginagawa namin.

Ganun nga ginawa namin.. Medyo papadilim na nung makarating kami sa dalampasigan. Naghubad ako ng tshirt at diretso ako sa dagat. Nakitampisaw kina Alfred, Ericka, Kath at iba pa. 

Si Kath ang pinupuruhan ko sa pagtatampisaw. Halos di na siya nakahinga nung tinabunan ko yung mukha nya ng sunod sunod na tampisaw ng tubig.. wuhaha!

"Tama na DJ!" umubo ubo si Kath kaya tinigilan ko na siya. Umalis na siya dun sa dagat. Napatingin kaming dalawa ni Alfred sa kanya habang naglalakad siya palayo. Nawala ako sa pagtingin kay kath nung buhusan ako ng isang timbang tubig ni Ericka at Sharlene. Pinunasan ko lang ang mukha ko ng dalawa kong kamay at tinampisawan silang dalawa ng konting tubig pagkatapos nun, lumayo na ako ng dagat at sumunod kay Kath. Umupo ako sa tabi niya. sabay sabi kong "sorry ha. di ka parin ba makahinga?"

Ngumiti lang si Kath sa akin. "Ang ganda ng araw no. Pati yung mga ulap. Nakakamiss rin pala maupo dun." tinuro niya ang langit. oonga ang ganda. Halos pawala na ang araw. Ngayon ko lang nakasama si Kath sa buong maghapon. Nakakatuwa naman.

"Nauupo ka sa ulap dati? pwede pala yun. Diba hangin lang yun?"

"huh? hmm, oo DJ. Hangin lang din naman ako nung naging anghel ako eh."

"Ah talaga." nakatingin padin siya sa langit. Ako naman, nakatingin sa mukha niya, mukhang may malalim siyang iniisip. Sabagay... ganun naman palagi ang itsura ng ketek na ito eh.

"Kamusta naman sa langit?" natatawa kong sabi. napatingin sa akin si kath at napangiti.

"uuyyy.. iniinterview mo ba ako? huh?" sabi ni kath. baliw talaga yun.

"huh?! hindi ha! wala lang.. baka sakaling maging angel din ako diba. kailangan kong malaman ang itsura ng pupuntahan ko kapag naging angel ako diba diba."

"aysus. hmm, ayun... maraming ligaw na anghel.. sa totoo lang, ligaw na anghel lang naman ako eh. may sinasabi pa silang anghel tagapamahala o tagaayos kami pero sa totoo lang, alam naman naming lahat na ligaw lang kami ron."

"paanong ligaw?"

"hmm, wala. ewan ko. Lahat naman kami alam yun. Na hindi talaga kami ginawa para maging anghel... kagaya ko.. palagay ko talaga ginawa ako para maging tao.. para makasama mo dito."

napatitig kami sa isa't isa nung masabi niya iyon. muli nanamang... tugugugugugugugutug. ang tunog ng puso ko. May biglang tumulong pawis sa mukha ko. Grabe bakit ganito.

"uy ano yan? pawis? naiinitan ka?" sabi ni Kath sa akin. Naku ewan.. My heart is now accelerating its beat... 

"Siguro nga no, ginawa ka para maging partner ko." sabi ko nalang nung lumayo ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na kayang makipagtitigan kay Kath. Parang iba na itong nararamdaman ko.

'di kaya, inlove na ako? teka lang, baka masaktan ako kung mamahalin ko siya. Baka bukas makalawa, lumipad nalang siya ulit sa langit.. ;di ko alam. Bahala na nga!

"Kaaaath! kath halika rito, lamig na ng tubig o." narinig kong tinawag si kath ng isang babae. Di ko alam kung si sharlene yun, si ericka o yung si Aica.. basta ako, nakatingin lang ako sa malayo sa kabilang dako. At naramdaman ko nalang, tumayo si kath at tumakbo.

"Dj!!!!" napalingon ako sa dakong pinuntahan ni Kath nung tawagin niya ako.

"Dyan ka lang ha! babalik ako! Di kita iiwan dyan mag-isa promise!!"

Tumango lang ako as a sign of "sige". Teka lang...Ibigsabihin... hindi niya ako iiwan?

ibigsabihin, pwede kaming magmahalan?...

Ayos ah. bilis ng sagot sa iniisip ko. YES! Thank you Lord!

When Angels Fall - FinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon