#5

296 16 6
                                    

Roni's Pov

Tinulog konalang din 'yong usapan namin ni borj kagabi. Kaylangan ko kasing maging ganon, baka nga MH ako, tulad ng laging sinasabi ni borj kasi expression n'ya nayon. MH as in malaking hadlang.

Madadaan ba ng minatamis na saging 'tong mapait na nararamdaman ko. Haynako.

I heard a finger snapped. "Huy roni, pati tangkay nilalagay mo na  sa plato. Yong dahon lang ng malunggay kaylangan natin."

Si kuya lang pala.

Napatingin tuloy ako sa platong may halong tangkay at dahon ng malunggay. I panicked, dali dali ko silang sineperate.

"Roni, ano ba nangyayari sa'yo? may zombie bang kumain sa utak mo ha" ani ni kuya yuan.

"Haynako kuya, pwede ba wag ngayon" pag susungit ko, tumayo ako sa upuan at umakyat sa taas.

Ramdam kong nakatingin pa sa'kin sila mommy't daddy. Siguro ay nalilito kong bakit napaka sungit ko nanaman.

It's the first day of December.

2 weeks nalang before Christmas break. Di ko alam kong anong mga gagawin ko sa Christmas Break. Hayyy, bakit ko ba pinoproblema pa 'to.

Nauna pa'kong nakatangap ng message kay basty kesa kay borj, siguro nag uusap na sila uli ni bea.

b_basty: hi roni
b_basty: how are you feeling na?
b_basty: take care of yourself.
b_basty: i love you

Weirdo! Why would he say that. Mas nakakairita.

roniscd: thank you basty
roniscd: take care rin!

b_basty: hindi ka nag reply sa i love you ko:(

Huh! Seryuso ba s'ya. Nakaka-turn off, and also confusing yong action n'ya. Bakit ganto s'ya kong makaasta. Di ba s'ya nahihiya sa sarili n'ya. I replied nicely anyway.

roniscd: i appreciate that dw

I turned off my phone, 2pm pa ang pasok ko ngayon kaya hindi pa'ko nag bibihis o ano paman.

From: Benjamin Jimenez

Hello miss maldita, papasok ka?
Pasok kana, alam kong mamimiss mo'tong pogi kong mukha.

Ang ganda talaga ng bungad n'ya! Dagdag sa pag kairita ko.

To: Benjamin Jimenez

Ayoko pumasok, sawa naka akong makita ka 'no. I need more quality time with my crush, BASTYYY~

From: Benjamin Jimenez

Ayy
okay:)
HAHAHAHAHA.

Ayyokay:)HAHAHAHAHA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon