RONI'S POV3 weeks later, it's prom night.
"Ayan na si Roni!" Masayang sabi ni mommy habang inaantay akong bumaba sa hagdan ng bahay namin.
Isang magandang dress ang suot ko, fitted ito sa taas habang maluwag naman ang baba at may pa kinang effect pa, ang galing talaga pumili ni mommy. Naka kulot ang baba ng buhok habang nakalugay ito.
Dahan dahan akong nag lakad pababa mula sa hagdan dahil narin sa suot kong heels.
"Wow, ganda ng kapatid ko!" Ani kuya na pumapalakpak pa.
"Roni! Ang ganda mo!" Dagdag pa ni Jelai na katabi si Junjun.
"Dalagang dalaga na talaga anak ko," saad ni daddy.
Nag kunwari pasyang naiiyak kaya tinawanan namin s'ya.
"You look beautiful Roni!" Sambit ni tonsy na kararating lang.
Pumalakpak ng dalawang beses si daddy pero malakas kaya nagulat kami at natawa. "Osiya, ano pang gagawin natin? Picture na." Sabi ni daddy at iniabot ang camera kay kuya paks, ang kuya ni junjun na mag hahatid kanila junjun at jelai mamaya sa Prom.
Pag katapos ay inabot ni daddy ang kamay ko, "syempre, ako muna dapat ang makakasayaw mo, tama ba Tonsy?"
Tumango si Tonsy sakanya habang nakangiti. "Opo, tito. Syempre naman."
Isinayaw ako ni daddy habang si kuya at junjun ang nag silbing background music.
"Oh yeah, oh yeah." May pa beatbox pang kanta ni kuya kaya binatukan s'ya ni daddy.
"Na'ko kayong mag ama, tama nayan, anong oras na. Tara na ihatid na natin 'tong mga bata." Sabi ni mommy at inabot ang susi ng kotse kay daddy kaya sabay sabay nakaming umalis.
Sila daddy ang nag cater sa Prom namin, habang si kuya ay sasali sa tugtugan kahit pa di na s'ya nag aaral sa school namin.
Ayaw daw n'ya mamiss ang kahit anong pangyayari sa gabing kong 'yon. Dahil ang totoo ay babantayan n'yalang si Myla at ang kadate nito na kaibigan n'yalang naman. Si myla kasi ang girlfriend n'ya.
Ang cute nga nila eh, kung hindi nagustuhan ni kuya si Jelai baka hindi n'ya rin marealize na may tao pala sa paligid n'ya na kahit anong mangyari di s'ya iiwan.
Itong si Myla kasi ang naging kasangga n'ya dahil nung una bestfriends lang sila. Kaya pala ang awkward ni kuya kay jelai noon kasi umamin s'ya pero nireject s'ya ni Jelai.
Ang gulo gulo nila, mas magulo pa yata 'to sa buhay ko. Pero masaya ako na okay na ang lahat.
Napapayag ni Junjun si Jelai na umattend ng Prom kaya mag kasama sila ngayon. Masaya rin ako para sakanila dahil unti unting humihilom lahat ng sugat sa relasyon nilang dalawa.
Eh ako kaya? Syempre, darating rin 'yong para sa'kin. Malay mo mamayang gabi e' makita ko na pala ang para sa'kin at makasayaw ko pa.
Ganito pala kapag nag mo-move on nagiging delusional.
"Roni, are you okay?" Tanong ni Tonsy.
BINABASA MO ANG
A Better Tomorrow
FanfictionA boni au, wheren Benjamin "Borj" Jimenez a standout varsity player and top student Ronalisa "Roni" Salcedo become classmates, their friendship turns into something more. As confusion sets in, the question arises: Will they move forward or hit paus...