#9

226 13 6
                                    


Roni's Pov

It's Saturday, hindi pa yata ako sober sa nabasa ko kagabi. Buong araw siguro akong wala sa mood ngayon.

"Roni, ang aga yata ng gising at ligo mo?"

Tinutuyo ko pa ang buhok ko dahil maaga akong naligo. "Ah mommy, puwede po bang sumama sainyo sa restaurant? Tutulong nalang po ako sainyo ngayon since wala naman po akong gawain."

"Sana ang kapatid morin ganyan, wala naman s'yang weekend class pero ayaw sumama satin at mag papabulok nalang dito sa bahay." Ani mommy, habang malapit lang naman sakanya si kuya. Obviously pinaparingan niya.

"Eh mommy, kaya nga po ako di sasama dahil di n'yo nako kailangan don. At isa pa po nag pa-practice ako ng drums. Malay n'yo pag nag karon ako ng sarili kong banda tapos sumikat kami e' di ko na kaylangang mag college."

Humarap si mommy kay kuya yuan at naka pout pa. "Iyan ang huwag mong gagawin Juanito Salcedo ha, wag na wag kang mag d-drop out ng college basta support ako sa mga gusto mo wag lang ang pag d-drop out."

"Opo mommy, di ko naman talaga gagawin 'yon eh. Sa galing kong 'to, kayang kaya ko mag multi-tasking." Shinow-off pa ni kuya ang biceps n'ya, akala mo naman talaga!

"Ah, multi-tasking? Sige, dahil maiiwan ka dito ikaw ang nakatokang mag linis ng bahay." Saad ni daddy.

Napakamot sa ulo si kuya. "Lah, dad naman." Reklamo nito.

"Osige na roni, umakyat kana at dalhin ang mga dapat mong dalhin dahil aalis na tayo. Basta ikaw yuan ha, bantayan mo'tong bahay. May pag kain naman d'yan, initin mo nalang pero kapag nagutom ka talaga e' pumunta kanalang sa restaurant okay?"

"Okay po mommy." Tinaas ni kuya yuan ang kanang kamay n'ya na parang nanunumpa.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nag dala ng small backpack. Dala ko ang suklay ko, salamin, ang cellphone ko, charge at damit na pampalit incase madumihan ako.

Pag ka baba ko ay wala na sina mommy dahil nasa labas na sila at nag aantay sa van. Hindi na ako nag paalam kay kuya at derederetso ng lumabas at sumakay sa van.

Sa van ko itinuloy ang tulog ko dahil ang aga kong nagising at pag dating namin sa restaurant ay hindi na ako inaantok. 9 AM na, kanina pang 8AM bukas ang restaurant dahil nauuma samin ang mga empleyado nina mommy. Sila ang nag bubukas ng restaurant dahil isa sakanila ang pinag kakatiwalaan ni mommy sa susi.

I greeted all of them pag dating ko, hindi ako kumain ng almusal kaya nag request sina mommy na lutuan ako ng breakfast.

Egg sandwich ang ibinigay sa'kin na may kasamang orange juice.

Nagsi-datingan naman na ang mga customer kaya may mga kasabay akong kumain. Matapos kong kumain ay ako na ang nag hugas ng pinag kainan ko kahit pinipilit ako ng taga hugas ng plato sa restaurant na s'ya na ang mag huhugas.

Pag tapos ay tumulong na'ko sa pag a-assist sa mga customer.

Isang oras ang lumipas at tapos na'ko sa pag tulong sa pag kuha ng order nila kaya pumunta muna ako sa office nina daddy para kunin ang cellphone ko dahil baka hinahanap na'ko ni jelai.

Ngunit wala naman akong ibang natanggap na message sakanya, siguro ay tulog pa. Wala nga akong natanggap na message sakanya, kay tonsy naman meron.

From: Tonsy our lifesaver!

Your restaurant is open naman during Saturday di ba? Hindi pa ako nag b-breakfast, so I'm on the way there. Nasa restaurant ka ba? If you are, may seat pa ba?

Nag reply naman ako sakanya na merong available na upuan para sakanya. Siguro'y s'ya nanaman ang mag da-drive. 18 na si tonsy, late lang talaga s'ya ng isang taon nag aral kaya ka same grade level ko siya. May drivers license na'sya ngayon, he took that drivers license as soon as he turned 18, he was a student driver nong 17 palang s'ya kaya all set na. Binilhan rin s'ya ng sarili n'yang kotse ng daddy n'ya. Well, si tonsy lang naman ang pinaka mayaman samin.

A Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon