#12

194 14 5
                                    

RONI'S POV

"Bakit hindi ka pa kumain, lumalamig na 'tong mga pagkain. Sabayan mo na ako." Aniya.

Ang ulam ko ay itlog na may kamatis, nakalimutan yata ni daddy na hindi ko gusto ang kamatis dahil nag lalasang maasim ang pagkain kapag meron non.

Bumalik ako sa sarili ko dahil sa ginawa ni borj. Kunuha n'ya ang tinidor at isa isang inalis ang mga kamatis na nakahalo. "Ayan, di na mag lalasang maasim 'yan kaya kainin mo na."

"Pano mo nalamang ayoko ng kamatis sa pagkain?" Tanong ko.

"Naalala ko lang, kain na."

Siguro sinadya ni daddy yun dahil lagi n'yang pinipilit na healthy ang kamatis at masarap ito. Ganon ko ba sila napag alala sa kalusugan ko dahil sa nangyari kay jelai?

Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag pala si mommy saakin kaya agad kong sinagot.

(Hello mommy?)

[Roni, nagising na si jelai!] Masayang sabi ni mommy kaya parang nawala ang tinik na naka bara sa lalamunan ko. Gumaan na uli ang lahat sa'kin dahil nalaman kung nagising na ang kaibigan ko.

"Ano yun Roni?" Tanong saakin ni borj. "Nagising na raw si jelai!" Sagot ko sakanya at parehas nakaming naka ngiti ngayon.

"I'll call tonsy, mag pasundo tayo."

Tumango ako't tumayo, nag mamadaling mag paalam kay daddy kahit di ko pa tapos ang pagkain ko.

Mabilis ring nakarating si tonsy dahil hindi naman s'ya malayo sa lokasyon namin kaya agad rin s'yang nakapunta.

Huminto kami sa isang flower shop at bumili ng bulaklak para ibigay kay jelai. Bumili rin si tonsy ng maraming prutas.

Pag dating ko sa hospital tumayo lang muna ako saglit sa labas ng kwarto kung nasaan s'ya. Nakita n'ya ako mula sa labas at ngumiti kaya masaya akong pumasok at yumakap sakanya.

"Pinag alala mo ako ng sobra, mabuti at nagising kana." Sabi ko habang sinusuklayan ang buhok n'ya gamit ang mga daliri ko.

Ngumiti lang s'ya saakin, dalawang linggo s'yang nasa coma kaya naiintindihan ko na wala pasyang lakas para mag salita.

"I'm glad you're awake now, how are you feeling?" Tanong ni tonsy sakanya.

"Mga bata, bukas n'yo na kausapin si jelai. Pag pahingahin n'yo muna s'ya."

Dumating na sila mommy at yaya medel, may inasikaso lang pala sila saglit.

"Sige po pero ano na pong balita, sumagot na po ba si tito cesar sa mga tawag n'yo?" Sabi ko pero nag pakita lang sila ng malungkot na ekspresyon.

Simula nong pinunta sa hospital si jelai, hindi macontact ang daddy n'ya na nasa cebu dahil sa trabaho. Next week paraw ang uwi nito.

"Ibig din po bang sabihin, hindi makakapasok si jelai bukas? Tapos na po kasi ang sembreak."

Pag aalinlangan sa mukha lamang ang tanging naisagot saakin ni yaya medel kaya napag desisyunan konaring umuwi at mag pahinga.

Pero ang isip ko hindi naman makapag relax, paano naman mapapanatag ang isip ko lalo pa't ang kaibigan ko nasa hospital at ang may kasalanan nun ay somewhere, having fun.

A Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon