"Bakit ba kasi hindi mo siya kausapin? Closure lang ganon. Para maka move on kana talaga kasi mukha kang misirable." Walang prenong sabi ni jelai saakin.Nasa birthday party kami ngayon ng daddy ni tonsy and we were invited by them weeks ago pa.
"Kayo muna ni junjun."
Biglang tumahimik si jelai at ininom nalang ang malamig na tubig na pinakuha n'ya sa'kin kanina.
Engganyo ang handaan dahil may venue pa at maraming bisita, kasama na ang pamilya ko at ni jelai. Syempre, pati ibang mga kaibigan ni tonsy.
Dumaan si tonsy sa table namin kaya tumayo ako't bumeso sakanya. "Hi roni and jelai, nag e-enjoy ba ka'yo?"
"Oo naman, grabe tonsy ang yaman n'yo talaga." Sambit ni jelai.
"But you're rich too," sabay tawa ni tonsy. "Di naman tayo masaya." Mahinang sabi ni jelai ngunit rinig naman namin.
"Oh basta, call me when you need me, okay?"
"Okay richierich." Sagot ko.
Yun ang bagong nickname ni tonsy mula saamin. Sa aming mag kakaibigan s'ya ang pinaka mayaman, kaso ngalang ay halos di naman n'ya nakakasama ang magulang niya.
"Girl, ito na ang tamang opportunity para makausap si borj. Just go for it! Wala namang mawawala 'no, para namang yayakapin mo si borj kapag nakita mo s'ya e' kakausapin mo lang naman." Bulyaw nanaman ni jelai.
Kung makapag salita ay kala mo madali lang gawin 'yon. Kasama ni borj ang girlfriend n'ya, anong gagawin ko? Hilain si borj, ganon ba!
"I don't think so."
"Take the risk or lose the chance to have the closure you need? YOLO na ang moto ko ngayon kaya dapat ganoon karin, kausapin mo lang s'ya. Trust me, walang masamang mangyayari." Pursigidong sabi ni jelai saakin kaya napaisip ako. Napaisip kung gawin ko nga ba ang sasabihin n'ya.
Hinantay kong mawala sa tabi n'ya ang girlfriend n'ya bago ako lumapit.
Sa mamahaling hotel ang venue ng birthday ng daddy ni tonsy. At sa balcony ay naandon si borj. Nag mumuni-muni.
"Hi, kelan ka-ka pa d-dumating?" Pag sisimula ko ng conversation. Sobrang awkward non dahil kami lamang dalawa.
"Are you dating basty?"
Nalito ako dahil 'yon agad ang tanong ni'ya. At base sa tono n'ya, mukhang seryuso s'ya.
"Ha?"
"If you are, please, don't two time him and tonsy. Leave tonsy alone." Sabi n'ya habang naka tingin sa view sa harapan namin.
I never thought na ganoon ang iniisip n'ya...yun ang inaakala n'ya saakin. Mukha ba akong ganon? Hin9i ko ine-expect na sakanya mismo mang gagaling ang mga salitang 'yon.
"But i'm not-" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil dumating na si apple.
Umalis ako ng tahimik doon matapos marinig ang sinabi n'ya at matapos makitang naka yapos si apple sa braso n'ya.
Ganoon ba kasama ang tingin n'ya sa'kin? Dapat mas kilala n'ya ako hindi ba. Dapat alam n'yang hindi ako ganong tao.
"Sis, anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" Ani Jelai.
"Ang hangin kasi don, napuwing tuloy ako."
"Nakapag usap bakayo ni borj?"
"Hindi eh, dumating nakasi si apple." Pag sisinungaling ko para hindi na'sya mag alala sa'kin. "Jelai, uuwi na'ko. Sasabay nako kanila daddy umuwi."
BINABASA MO ANG
A Better Tomorrow
FanfictionA boni au, wheren Benjamin "Borj" Jimenez a standout varsity player and top student Ronalisa "Roni" Salcedo become classmates, their friendship turns into something more. As confusion sets in, the question arises: Will they move forward or hit paus...