#7

231 13 5
                                    


Roni's Pov

Isang linggo bago ang Christmas party at bago ko uli makita si borj. Syempre sa isang linggo na 'to s'ya lang ang kausap ko.

From: Benjamin Jimenez

Ssob, tara date tapos libre mo

May matching emoji pa. Alam konamang nag bibiro lang s'ya, ang kapal talaga ng mukha.

To: Benjamin Jimenez

Ha.ha.ha, funny ka?

From: Benjamin Jimenez

Happy pill mo talaga ako, baka totohanin ko 'yong date?

To: Benjamin Jimenez

Ayoko nga, over my pretty and smart body.

From: Benjamin Jimenez

At ayon nga po mga kababayan, sinampal nanaman ta'yo ng kabobohan ni Ms Ronalisa Salcedo. Perfect pair ta'yo! Bobo x matalino.

Ayan nanaman si borj sa ka-corny-han n'ya.

To: Benjamin Jimenez

Wow. Edi gumawa ka ng sarili mong fanclub. Tse!

From: Benjamin Jimenez

Good idea, ta'yo na ang #boni

To: Benjamin Jimenez

Alam mo borj, corny ka na nga ambaduy mo pa

From: Benjamin Jimenez

Sus, crush mo lang ako e'

To: Benjamin Jimenez

Kapal mo!

Hindi na'ko nag reply sa mga sumunod n'ya pang message. Mamayang gabi'y siguradong mangungulit nanaman s'ya.

Sa totoo lang, para kaming may mag kaibang mundo. Hindi mag katulad ang bagay na iniikutan ng mundo namin pero kahit na ganon parang parehas kaming gumagawa ng paraan para pasukin ang mundo ng isa't isa, to understand each other better.

Napapansin ko'yon lahat, i see right through him. Sana alam n'ya 'yon. Sana alam ni borj.

Then a week past, we have to see each other again dahil Christmas party namin. At pag katapos ng Christmas party ay almost a month din kaming hindi mag kikita.

From: Ms Everybody's friend

Roni, pwedeng sainyo nalang ako sumabay? :)


I recieved a message from jelai bago kami umalis ng bahay ni kuya. Siguro ay nag katampuhan nanaman sila ng daddy niya. I mean, hindi siya mahahatid at kinekeep ni'ya nalang sa sarili ni'ya na upset siya dahil doon.

Kahit sabihin pang maliit palang siya ay ganon na talaga ang daddy niya, hinding hindi siya masasanay. I feel bad for jelai, napaka bait niyang anak at kaibigan, she deserves everything.

A Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon