#11

212 17 3
                                    

RONI

[Tonsy, andito na ako sa labas. Deretso na ba ako?]

Kausap ko mula sa kabilang linya si tonsy, nag pa deliver kasi s'ya ng pagkain mula sa restaurant namin at gusto kong ako na ang mag bigay non para sakanya. Gusto n'ya rin kasing may kasama s'yang kumain, hindi naman ako makatanggi dahil mas marami ang tulong na naibigay n'ya sa'kin.

[I'll go there myself, baka hindi mo alam kung saan eh. Wait for me ah.] He said before he hung up.

Di ko parin makalimutan yung pag uusap namin ni borj nong isang araw. May ibig sabihin ba ang mga aksyon niya o sadyang ganon lang s'ya. Malamang ay walang ibang ibig sabihin 'yon. He has a girlfriend so i should know my boundaries.

"Kanina ka pa ba d'yan?" Tanong ni tonsy na kalalabas lang. May photoshoot kasi s'ya eh. Isa nasyang model ngayon, isa sa mga pinag mo-modelan n'ya ang bench. At ibang local products company.

Ito na ang bagong hilig n'ya, ang tumapat sa kamera. May mga talent agency pangang gustong kumuha sakanya pero pinag iisipan n'ya pa ang pag aartista.

Ewan ko ba kay tonsy, he's a total CATCH! Gwapo, matalino pero maliban sa math, mayaman at mabait. Gentleman pa. Kung hindi ko kaibigan 'to siguro obsessed fan n'ya na ako.

Isa narin 'to sa rason kung bakit sikat s'ya sa school. S'ya rin kasi ang nag mo-model ng uniform ng school namin kaya makikita ang mga tarpolinang may mukha n'ya sa kung saan saan.

"Ambango mo ah, anong gamit mong perfume? Parang hindi naman amoy pambabae."

"Oh right, may ibibigay ako sa'yo." Tumakbo s'ya para kunin ang bag n'ya at pag balik ay may dala dala ng paper bag.

"Kakagaling kolang sa isang photoshoot, you know, perfume ang mino-model koron and they let me take any perfume that i want. So, i got you this." Inabot saakin ni tonsy ang paper bag.

Kinuha ko kung anong laman non. Tatlong pabangong pambabae.

"This one is sweet vanilla, and this one is honey sugar and the last one is cupcake. Don't worry, alam konamang ayaw mo sa mga pabangong matapang ang amoy kaya ayan. That's my gift for you for being such a good friend." Ani Tonsy.

"Wow tonsy, di ka naman siguro mag papakamatay 'no? Baka bukas makalawa mabalitaan kong nag bigti kana, farewell gift ba'to?" Biro ko.

"Hindi 'no, wala naman akong girlfriend kaya sa'yo at kay jelai lang ako makakapag bigay ng mga regalo. Pero girl friend konaman talaga kayo hindi ba? Babaeng kaibigan."

"Oo na, saan ba tayo pwedeng kumain? Anong oras na oh, di ba mamaya may photoshoot ka pa. Baka lumamig na'yan lahat lahat ay hindi ka pa makakain, tonsy." Pag papaalala ko sakanga.

"Oh right. Sa dressing room, we can eat there kasi wala panamang ibang tao. Kumakain rin sa labas."

He lead the way at pinag buksan pa ako ng pinto. Mabuti nalang at may mesa don kaya may mapapatungan kami ng pagkain.

"Tsaka nga pala tonsy, di ba nong nasa mall tayo may lumapit sa'yong legit na talent agency. Why don't you give it a try? Umaarte kanaman sa teatro hindi ba?"

Nginuya n'ya muna ang kinakain n'ya bago sumagot. "Baka kapag nag artista ako lalo akong mapalayo sakanya." Sagot n'ya.

"Sino naman 'yon?" Nakataas ang isang kilay ko sakanya.

"Wala, kumain kanalang"

"Wala nga ba talaga, sino yun? Sa school lang ba natin nag aaral? Anong grade? Sino? Babae?" Sunod sunod kong tanong habang naka taas parin ang isang kilay.

A Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon