#8

122 11 6
                                    

Roni's Pov

Nagising ako ng tuluyan sa pag ka hulog ng alarm clock ko kesa sa tunog nito. Maaga ako dapat gumising ngayon dahil may pasok pa. It's been a week since nong first day ko as a 12th grader.

I'm now in 12th grade. After this college na'ko, pero hindi ko muna iisipin 'yon dahil sa susunod na taon pa 'yon.

I-enjoyin ko muna ang pagiging senior high school ko. Grabe, two years ago baguhan palang ako sa school na'to pero ngayon kilalang kilala na'ko dito. Laman rin ako ng Posters sa school. I'm an active student kasi, andami kong hina-handle na orgs and clubs.

"Roni mauna kana," naka pikit ang matang sabi ni kuya, pinipilit akong mauna ng maligo.

"Di na kuya, ikaw na." Tinatamad ring akong imulat ang mata ko dahil gusto ko pa talagang bumalik sa tulog.

"Ikaw na." Pamimilit n'ya kaya iyon rin ang ginawa ko.

Nabuhayan naman kami dahil sa pag palo ni daddy sa kaldero. "Ang mahuhuling maligo, s'yang mag huhugas ng plato!" Ani daddy.

Nag madali agad akong buksan ang pinto pero si kuya parin ang nauna kaya ako tuloy ang nag hugas ng plato.

Kasabay ko si jelai na pumasok dahil mag kaklase ulit kami, dahil narin sa parehas kami ng strand na kinuha.

It's been 2 years at 5 months na silang break ni Justine aka junjun. It's quite awkward para saamin kapag kasama sila. Lagi kasi silang nag kakailangan.

Ewan ko ba sakanila, okay naman ang relationship nila nong una eh. Sobrang sweet panga nila kaso ngalang naimpluwensiyahan si junjun ng mga bagong kaibigan niya.

Natuto siyang mg sinungaling kay jelai at isa na sa kasinungalingan na'yon ay may kaibigan siyang isang babae na madalas niyang nakakasama.

You might say na 'yon lang naman pala ang rason o mababaw ito at nagiging senti lang si jelai. Pero mali 'yon para kay jelai dahil kung wala namang masama doon ay bakit kaylangang ilihim ni junjun na may lagi siyang nakakausap na ibang babae pero kaibigan lang naman pala ang turing niya.

Slowly, nakikita konaman ang pag babago ni justine eh. Hindi na niya kaibigan ang mga bad influence na'yon kaso huli na dahil nawala na sakanya si jelai.

If only borj was here. Siguro madi-dissapoint rin s'ya kay junjun.

"Ronii! Roni!? Huy! Okay kalang?"

"Ha? Ah okay lang ako, pasensya kana jelai ah di kasi ako nag umagahan. Lutang pa tuloy ako." Pag dadahilan ko.

She smirked. "Siguro iniisip mo si borj, yiee!" Pang aasar ni'ya. Ngayon n'yalang uli nabangit si borj.

"Ha? Sinong borj? Di ko maalala." I avoided an eye contact with her.

"Sus! Di raw kilala." She continued to chew the snacks she was eating.

"Hey girls." Tinabihan kami ni tonsy sa upuan. "What are you guys doing here?"

"Tumatambay lang. Ikaw? Ba't ka andito? Di mo yata kasama si junjun?" Tanong ko.

"Nag cr lang siya, susunod rin 'yon."

"Oh jelai, susunod raw. Okay lang sa'yo?" Tanong ko kay jelai dahil baka di nanaman s'ya maging komportable na andito si junjun.

"Oo naman 'no. Bakit naman hindi? Ang oa n'yo talaga." Nag patuloy parin s'ya sa pag kain at inalok pa si tonsy.

"Hi roni, hi... jelai." May hiya sa tono ni junjun nong binangit n'ya na ang pangalan ni jelai.

Nag hi ako pabalik sakanya at si jelai naman ay ngumiti lang. Obviously, di parin s'ya comfortable na andirito si junjun.

Ang co-corny na talaga ng mga tao ngayon. Pero i feel sorry for the both of them.

A Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon