#7.1

180 17 6
                                    

Roni's Pov

It's been two years since borj left. Simula nong umalis s'ya, si basty na at tonsy ang lagi kong nakakausap.

Hindi kinekwento sa'kin nila tonsy ang nalalaman nila kay borj ngayon dahil ayoko rin naman.

Nasaakin parin lahat ng binigay n'ya. Teddy bears, bracelets, at mga petal ng bulaklak na ibinigay n'ya na nilagay ko sa libro ko. Pati narin ang mga letters na ibinigay n'ya. At yung music box...it was too late nong nalaman kong parehas kami ng regalo sa isa't isa at hindi ko pa pinapakingan yung tunog sa music box. Hindi ko pa nga tinatangal sa lalagyanan eh.

It's been 2 years and i think I've already moved on. Though fino-follow namin ang isa't isa sa social medias y parehas lang kaming walang update.

Probably nag karon na s'ya ng mga bagong kaibigan or...a girlfriend.

Borj is a good looking human, kahit sino ay mag kakagusto sakanya at hindi na maiiwasan 'yon and after all ay wala na'kong pake. We moved on.

But i wish his living the life he deserves and I hope I don't hear about it.

"Roni ang kalat naman ng kwarto mo, malapit na ang pasukan. Ayusin mo na'to para maka bili na tayo ng mga kakailanganin mo for your new school year, okay?" Ani Mommy na nasa ibaba.

"Opo mommy, sandali lang po ito!" Sigaw ko para marinig n'ya ang boses ko.

"Haynako ronalisa, seventeen ka na pero amburara mo sa gamit. Dapat malinis kana sa gamit mo kasi pa'no kapag college kana at kailangan mo na mag dorm. Nakakaawa naman roommates mo," ani kuya na pumasok sa kwarto ko ng hindi kumakatok.

"Coming from you kuya? At tsaka bukas pa birthday ko. Sino kaya ang eighteen na pero parang basurahan ang kwarto? Kung kelan ka tumanda doon naman naging burara. At tsaka nag aayos ako 'no!"

"Uy, love letters. Dear Roni, borj here gusto kolang sabihin sayo na..." Hindi natuloy si kuya sa pag babasa dahil kinuha ko kaagad ang nasa kamay n'ya.

"Tignan mo ginawa mo, napunit tuloy!" Inis na sabi ko.

"Bakit mo kasi kinuha sa kamay ko," ani kuya.

"Bakit monaman kasi babasahin kung hindi naman para sayo?!" I glared at him.

"Edi sorry, akin na ittape ko."

Ibinalik konalang iyon sa lalagyan. "Hindi na, don kana nga kuya!"

Di na s'ya umimik at tsaka lumabas sa kwarto ko.

Nilinis ko na ang mga nakakalat sa kwarto ko at tinago na uli ang mga kailangang itago.

"Mommy, okay na po ako. Tara na po." Aya ko kay mommy na nag aantay lang sa'kin.

"Osige, ikaw yuan dito kalang at kapag nagutom ka may pag kain dyan ha."

"Sige po, tsaka nga pala mommy kung may madaanan po kayong store na nag bebenta ng drum stick pwede po bang mag pasabay. Babayaran ko po." Ani kuya yuan.

"Since good boy kanaman, ako na bahala. Wag kana mag bayad basta bantayan molang 'tong bahay. Sige una na kami ah!"

"Opo."

Ako na ang nag dala ng bag ni mommy sa kotse. At tinawag ko muna si daddy dahil s'ya ang mag da-drive saamin.

Sa restaurant kami mag ce-celebrate ng birthday ko bukas pero sa ngayon ay mamimili muna kami ng kakailanganin.

Sa totoo lang ay kaya ko na'to gawing mag isa pero ayokong iparamdam kay mommy na hindi na ako bata. Gusto ko paring inaalagaan nila ako.

Hapon na kami nakauwi dahil pumunta pa kami ng restaurant para icheck kung anong kalagayan don. Nag paiwan naman si daddy dahil si mommy ay mag luluto pa ng dinner namin.

Sakto lang ang uwi ni daddy para sa dinner kaya sabay sabay kaming nakakain.

Syempre toka ko sa hugasin ngayong gabi kaya ako na ang nag hugas ng pinag kainan namin. After that inayos kona ang gamit ko at humiga sa kama para mag scroll sa social media.

Umabot ng 12 at sunod sunod ang birthday greetings saakin. Mga kaibigan kong nag antay sa birthday ko.

I'm officially 17.

Pero isang message lang ang tunay na nakakuha ng pansin ko. May isang nag message sa email ko.

"FutureU&Me.com?" Ani ko. Mula ito sa website kung saan pwede kang mag padala ng message for your future self o sa kahit sino at mababasa nito sa taon o buwan na pinili mo.

Binasa ko ang nakasulat para malaman kung kanino galing 'yon dahil wala naman akong naaalala na nag padala ako ng sulat sa sarili ko 2 years ago.

' Dear roni,

It's borj. From the past! 2 years from now alam kong makukuha mo ang sulat na'to. At pinili kong date ay birthday mo to make it extra special. It's currently February 2, 2022. Nakausap kita kanina, di ko alam kung sinadya mong mag paiwan para lang makausap ako. I expected you to stop me na pumunta sa states pero anyways hindi mo'ko pinigilan. I still love you roni pero i have to act as if di na kita mahal kasi alam ko na hindi ako ang gusto mo at nirerespeto ko'yon.

I will always love you kahit gaano pa katagal ang abutin. What i felt with you is real at sana nararamdaman mo'yon. No one can replace you roni, sana hindi mo pag dudahan 'tong nararamdaman ko para sa'yo. By the time na dumating 'tong letter sa'yo, alam kong kayo na nong basty nayon. Pero kahit pa hindi naman ako ang mahal mo, gusto koparing ulitin sayo na mahal kita. I love you roni, i will always love you. Hihintayin ko yung oras na tayo namang dalawa. Untill then, sana masaya ka. Ipagdarasal ko ang kasiyahan mo.

-from borj '

Hindi ko alam kung bakit ako naiyak sa sinabi niya. I messed up.

Nilamon ako ng pride ko noon.

I never actually moved on from him, i was just distracted.

A Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon