Autumn 🍁
Police Station
2:00 AM
"Tsk tsk!"
"Miss makakauwi kana may nagpiyansa sayo!" tugon ng bata-batang police na nakaduty ngayong gabi. Mabilis akong napatayo mula sa maduming sahig.
"I told you! I'm not going to spend my night in this crappy place." Inirapan ko ang police bago lumabas sa mabahong holding cell ng presinto.
Nagmamadali akong naglalakad nang mabangga ko ang isang babae sa public lobby.
Papalapit na ngayon si Zethia sa akin ang matalik ko na kaibigan. Asusual siya na naman ang nag bail out sa akin.
"Aah this stinky ----!
Mabilis na tinakpan ni Zeth ang bunganga ko para hindi ko maituloy ang sasabihin. Kinaladkad niya ako palabas ng police station na tinatakpan parin ang bunganga ko.
"Aargh! ang sakit." Tinabig ko ang kamay niya ng malakas para makawala sa pagkakatabon sa bunganga ko.
Nagtatakang lumapit sa amin ang isang baguhan na babaeng chief officer.
"Pasensiya na po, mauuna na kami Chief." pahayag ni Zethia. Nang makarating kami sa parking lot, tinitigan niya ang mukha ko na may konting galos.
"Anyway, do you know her?" tinuro ko ang police officer gamit ang nguso ko.
"Huh?"
"Yun, yung babae na police magkakilala ba kayo?"
"Ahh. . .si Captain Officer Ferrer? hmmm nagkita na kami before sa isang event. Siya yung bagong lipat na officer dito. Mabuti nalang napakiusapan ko pa. She said you have to surrender your driver's license next time kaya behave lie low ka muna."
"Duh! wala namang akong nilabag na batas para mag lie low."
Napabuntong hininga si Zethia sa sinabi ko.
"Uhmm..reckless driving, driving under the influence, ran a red light and speeding lang naman ang ginawa mo."
"Fine! infairness maganda yung bagong chief officer mukhang type ka niya.. . oh mommy type." pagnunukso kong sabi kay Zethia.
"Hoy marinig ka!"
"Ahemm . . ." Nagkatinginan kaming dalawa ni Zethia nang mapansin namin si Chief Officer Ferrer na nasa likod namin kasama si kalbong police.
"Paalis na po kami Chief bye!."
Pasimpleng pinindot ni Zethia ang key fob ng kanyang vintage 1965 Ford Mustang GT Fastback na color Twilight Turquoise. Nagtutulakan kaming dalawa na makapasok ng sasakyan. Ilang beses akong nauntog bago nakaupo ng maayos.
"Sira ka talaga, muntikan na tayo marinig."
"Nakita mo yung reaksiyon ni roll on, Protektodo with Rexona. Tapos kamukha pa niya si Saitama ng One punch man. Isang sapak, isang katutak na lagapak."
Tumawa ng malakas si Zethia na may halong hampas na halos mayugyog ang sasakyan. Ayan na naman siya parang mauubusan ng hangin sa kakatawa. Tinulak ko ang kanyang ulo papalayo nang mapasandal na ang buong katawan sa akin.
"Hoy! magdrive ka muna." suway ko.
Malutong at nagsynchronize ang tawa naming dalawa na umalingawngaw sa loob ng sasakyan. "Hindi na ako makapagmaneho ng maayos sa ginagawa mo."
"Umayos ka Z!"
"Andami mong alam. . . "
"Mabuti naman binalikan mo ako at hindi ka natulog sa bahay niyo. Akala ko tumakas kana."
BINABASA MO ANG
Infinitely Falling [GxG]
Romance[Professor x Student ] UNEDITED "_" 🍀🍁 "Patience is one of the purest form of love." Start: August 18, 2024 End: October 11, 2024