Fifteen🍁

2.1K 61 0
                                    

Autumn 🍁

-Sunday

Madaling araw narin ako nakauwi galing sa Westbound Hotel. Iniwan ko si Miss Gonzalez sa hotel room na mahimbing parin ang tulog, mukhang may hangover pa.

"Maam Autumn pinapatawag na po kayo ng Mommy niyo." naririnig ko ang boses ng kasambahay namin mula sa pinto ng kwarto.

Bumaba naman na agad ako at baka sermon na naman ang abutin. Nakaugalian na namin na mag almusal ng sabay every sunday. Tumungo na ako sa garden kung saan abala sina Mommy at Daddy kasama si Ate Meadow.

"Autumn maupo kana." utos ni Mommy.

Naupo ako sa bakanteng upuan na nakapwesto sa gitna nina Mom at Ate Meadow. Kumuha ako ng keto omellete at ilang hiwa ng avocado. Tahimik lang akong kumakain habang abala na nag uusap ang tatlo. They often talk about business, achievements, politics and travels.

"What did the doctor say about your shoulder." tanong ni Daddy kay Ate Meadow.

"Just a shoulder strain Dad, nabigla lang siguro dahil matagal narin kasi ako hindi nakakapaglaro ng lawn tennis."

"Does it hurts? how was it? you have to rest for few more days. " sabat ni Mom. Makikita sa mukha niyang sobrang nag aalala ito sa kapatid ko.

"No need to, I'm getting better Mom, I'm taking a prescribed pain reliever."

"You better be careful next time, you know when it starts it wont stop." sambit ni Mom.

"Make sure to visit your doctor for a regular check up."

"Yes Dad, I’ll get right on it."

When their favorite daughter get hurt with a strain parang halos tanungin nila ng paulit ulit. Pero pag ako na halos mag agaw buhay ni wala silang ginawa kundi hayaan ako sa hospital. Magtatanong na lang pag sa tingin nilang may nagawa akong mali o may kasamang negative remarks.


"Ikaw Autumn how's University, baka naman kung ano anong mga kalokohon na ginagawa mo." tanong ni Mom.

"Okay naman po."

"Huwag mo ipahiya ang Ate Meadow mo na naging student ambassador pa ng Jamesford University bago gumraduate."

Tahimik parin ako na inuubos ang almusal ko. Kahit gaano pa kasarap ang almusal mawawalan ka talaga ng gana. Mas mabuti pa ngang mag isa nalang akong kumakain mas nabubusog pa ako.

"Autumn, I've heard from Leiutenant Molino na naaksidente ka raw? Totoo ba?" tanong ni Dad.

"Opo" tipid na sagot ko.

"Ano na namang kabulastugan ang pinaggagawa mo. Hindi porket magaling na Attorney ang ate mo paulit ulit ka na lang lalabag sa mga rules ng -----.""

Hindi na tapos ni Daddy ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Ate Meadow.

"Excuse me, but may I cut in Dad? about that nakausap ko na si Officer Ferrer. "

"Officer Ferrer?" nakakunot noo na tanong ni Daddy.

"Siya po yung bagong Chief of Police ng West District."

Infinitely Falling [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon