Twenty One 🍁

1.8K 66 8
                                    

-----
Trigger Warning:⚠️

May mga sensitibong temang tintalakay sa pahinang ito, katulad ng:

bullying
violence
strong language
learned  helplesness
bl00d
hoarding

Kung ikaw ay sensitibo sa mga nabanggit na tema, maaaring iwasan ang pagbabasa ng pahinang ito.

Trigger Warning:⚠️

Content may be offensive or disturbing to some audiences. Please read at your own risk.

*********

Autumn 🍁

Building B

Inaantok na naman ako kahit hindi pa nagsisimula ang klase. Naramdaman ko nalang ang pasimpleng paghagod ni Lauren sa likod ko nang dumaan ito sa bandang likuran namin.

"Anong nangyari sa inyo.?" tanong ni Lauren tinuro si Yza na naglalaway sa tulog.

"Hangover." sambit ni Kale bago maupo sa kanyang upuan.

"Pssst! nagkita kayo ni Cristoff?" nakangiting sabi ni Risi na nagbiblink ang mga mata.

"Um" tipid na sagot ko.

"Anyway nagsumbong si Cristoff sinungitan mo daw. Oi, nahuhulog ka na ba sa kanya? The more you hate the more you love." pilyang nakatingin siya sa akin, nag aantay ng sagot ko.

"Never"

"I'll wait for that. . . baka bukas magkasama na kayong dalawa huh." kantiyaw niya.

"Hindi ko nga siya type."

"Sino ba kasi type mo?" kunot noo na tanong ni Risi.

Napalingon ako nang biglang pumasok si Miss Gonzalez sa classroom. Itinupi niya ang hawak niyang panyo bago magpunas. Napalunok ako ng laway nang mahagip ng mata ko ang daliri niya na gumapang sa sexy niyang leeg at bumaba pa ito papunta sa kanyang collarbone. Naalala ko tuloy ang mga nangyaring halikan namin last week. I missed her, hindi na kasi ako nagpaparamdam sa kanya. Pag nakakasalubong ko naman sa hallway I pretended that she never existed.

"Good morning class."

Tsaka lang ako bumalik sa ulirat nang magsalita na siya. Tumayo si Miss Gonzalez sa harap ng podium at ini isa isa niyang tinignan ang mga gawang design na ipinasa namin last time.

"I'll give you five minutes to prepare the explanation to defend your design."

Nag umpisa na siyang mag tawag ng pangalan na nasa printout. Lumapit siya sa pinakaharap na row.

"I'm sorry Miss Gonzalez" sambit ng isang kaklase namin na nakaupo sa pinakadulong upuan sa likod.

Pasimple niyang inayos ang kanyang eyeglasses bago tinignan ang mga pangalan na nakalista.

"Molino?"

"Yes Miss Sexy, can I imagine about you and me?"nakabungisngis na sabi ng isang kaklase naming lalaki na si Molino.

Mahilig ito mang asar na kinaiinisan ng ibang professor. Pumapasok lang din ito sa klase kung kailan niya gusto.

Biglang nagkasalubong ang kilay ni Miss Gonzalez, she clears her throat. Hindi niya pinansin at nagpatuloy parin sa pag aantay sa may gustong mag explain.

"Miss Gonzalez I'll explain my design." sambit ni Kale bago tumayo.

Pagkatapos ni Kale nagpalakpakan ang mga kaklase namin. Nagsunod sunod na ang mga nag raise hand kaya mukhang hindi na niya kailangan magtawag ng pangalan. So far nakahinga ako ng maluwag.

Infinitely Falling [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon