Nineteen 🍁

2K 68 22
                                    


Autumn 🍁

--

"Morning" bati ko nang makita ko si Miss Gonzalez sa kusina, nakaligo na ito at nakabihis na may suot na apron.

"Uhm morning, may morning class ka ba?"

"Um."

"Magshower kana para makapag almusal ka after."

Nagmadali na akong pumunta sa bathroom para maligo napansin ko sa phone ko na pasado ala syete pa lang naman. Kailangan ko ihatid sa cafe si Miss Gonzalez dahil naiwan ang kotse niya sa parking lot kagabi.

Pagkatapos ko maligo nakita ko sa bed ang nakahanger na uniporme ko nakita niya siguro ito sa bag, kaya siguro matagal siyang bumalik sa kwarto kagabi kasi naglinis at naglaba pa ito.

Pagkalabas ko ng kwarto si Miss Gonzalez nakaupo sa sofa na nakacross legs na pascroll sa kanyang cellphone.

"I forgot wala pala akong sapatos." pagrereklamo ko kay Miss Gonzalez habang tinatapos i buttones ang longsleeve.

Tahimik lang siyang tumayo at pumasok sa kwarto na parang walang narinig.

"I bought this lastweek at di ko pa nagagamit." pahayag ni Miss Gonzalez nang lumabas ng kwarto na dala ang box ng sapatos.

"Magkasize ba tayo?"

"Isukat mo."

Kinuha ko sa box ang isang Jimmy C Diamond Maxi na kulay white, ito yung mga sapatos na pasok sa style ko. This is super expensive luxury rubber shoes.

"Oh, kasya. . . babalik ko nalang mamayang hapon" pahayag ko sa kanya.

"No, you can have it"

"Uhm? wala naman akong athlete's foot."

"I didn't say any, consider it as a farewell gift."

"Sabi nila pag niregaluhan mo daw ang isang tao ng sapatos that person will walk out of your life wearing that shoes."

"It's just a shoes, naniniwala ka pala sa superstitions beliefs."

Lumapit siya sa akin na seryoso ang mukha, inayos ang kwelyo ng uniform ko ganun din ang necktie ko.

"If you want to walk away then just walk away. You have to accept that people come in and go from our lives." pahayag niya bago tumalikod papunta sa dining table.

"Hindi mo ako mamimiss?"

"Lets eat breakfast malilate na ako sa work."

Napangiti ako nang makita ang egg omelette tsaka toasted bread na niluto ni Miss Gonzalez nakapagluto na din siya ng Sesame beef skewers, steamed snow peas and broccoli.

"Ganito ba karami ang breakfast mo araw araw?" tanong ko sa kanya bago naupo sa kaharap na upuan.

"No"

Kinuha niya ang dalawang stainless lunchbox na may kanin, beef skewers at steamed vegetables.

"Just packing my lunch food."aniya.

Infinitely Falling [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon