Thirteen

2.1K 68 27
                                    


Autumn 🍁

Building C 101

Pagpasok ko pa lang ng classroom agad na tumakbo papunta sa akin si Yza, hindi ko nakita na may hawak pala ito na butiki.

"Hindi to nangangagat" aniya.

Wala na akong pakialam kahit masakit ang paa ko basta makalayo lang ako sa butiking hawak ni Yza.

Kung minamalas nga naman sumabit pa ang shoelace ko sa isang upuan. Sinubukan ko na makabalanse pero huli na ang lahat at napaluhod na ako sa harap ni Miss Gonzalez na kakarating lang.

Sinubukan niya akong saluin pero hindi kinaya ng paa ko at biglang sumuko nalang. Sign na ba to na sa kanya lang ako mapapaluhod?

"Agh!"

Pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil halos mapiga sa sahig ang tuhod ko na may sugat.

"Oh sh--- Autumn." nag aalalang sabi ni Risi.

"Yza! ilayo mo nga yan." sabat ni Lauren.

Dali-daling lumapit si Lauren sa akin para sana tulungan si Miss Gonzalez na alalayan ako pero inirapan siya neto kaya napaatras agad si Lauren.


"Are you not going to move?" tanong ni Miss Gonzalez, nakakapit pa naman ako sa skirt niya.

"Oh, sorry"

Pinatayo ako ni Miss Gonzalez na hawak ang isang braso ko, sinubukan ko magpanggap na okay lang ang lahat.

Bumalik ako sa upuan na parang walang nangyari pero ang totoo gusto ko sumigaw sa sobrang sakit.

"How are you? buhay ka pa ba? Sorry hindi ko alam na butiki pala kinakatakutan mo." pang aasar ni Yza.

"Aah! what do you think?" inis na sabi.

"Namimiss lang kitang kulitin" malambing na may pang aasar na sagot ni Yza nang makita ang inis na mukha ko.

"Ano nangyari diyan?" nag aalalang tanong ni Risi.

Napansin na nila ngayon na may malaking bandage tape sa magkabilang tuhod ko. Tinabig ko ang kamay ni Yza at bumalik sa upuan. Lumapit naman ito at hinawakan ang pisngi ko.

"Uy galit ka ba? Oh -sh-- sorry, hindi ko talaga alam. Gusto ko lang din naman na humingi ng sorry sa ginawa kong pagtataray last time. Kaya nangungulit ako. Miss na kita."

"Just let me breath first." inis na sabi ko.

"So bati na tayo?" pangungulit ni Yza

Pinipilit na makahalik sa pisngi ko pero nakangiwi ko itong pinipigilan ang nguso niya. Tumigil naman agad ito nang makita si Miss Gonzalez na nakatitig sa aming dalawa.

"Okay class natapos niyo na ba yung landscape design, I need the blueprint." tanong ni Miss Gonzalez.

Lumapit siya sa akin at pa simpleng nilagay ang face tissue sa table ko.

"Miss loaded po talaga schedule namin kaya pwede pong palugit kahit isang araw, please?" pakiusap ng kaklase namin.

"I can't lalo na't kailangan ihabol yun sa end ng semester."

Infinitely Falling [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon