*
*
Autumn 🍁
*
*
"Hon, hindi ka pa ba tapos?"
"Kailangan pa natin bumili ng bagong baby bottle, beddings and Crib mattress." saad niya.
"Hindi mo naman sinabi ganito karami."
"Tinatamad na ako mag mall uli para mamili, tiis tiis muna. Akin na yung iba ako na magdadala." malambing na pagkasabi neto.
"Ako na hon bawal ka sa mabibigat."
"Hindi naman yan masiyadong mabigat."
"Its okay ako na bahala."
"Sigurado ka?"
"Um"
Napahinto bigla si Olivia. "Breast pumps pa pala baka makalimutan natin."
"You don't need breast pumps, ako nalang mag pumps." pabiro ko na sabi.
Inirapan niya ako bago tumalikod. "Ayan ka na naman."
"Gusto mo naman na binibreastfeed ah, ako naman ang original na baby."
Napalakas ang boses ko kaya napalingon ang mga ibang nakasabayan naming naglalakad.
"Shut up, Autumn Rae, gusto mo i-pump ko yang bunganga mo.!"
"Ito naman, parang hindi nag i-enjoy."
"Ssshhh!" suway niya.
Kanina pa kami paikot ikot ng mall para mamili ng mga gamit ng kambal. Halos maputol na ang braso ko sa kakabitbit ng mga paper bags na to. Limang paper bags sa kaliwa at anim naman sa kanang kamay may mga nakasabit pa sa braso.
Nakalayo na si Olivia sa akin bitbit niya ang isang maliit na paper bag. Kailan kaya matatapos magshopping ang buntit na to.
Nakasunod ako sa likod niya na nagmumukhang christmas tree sa dami ng pinamili namin. Pansamantalang nagstop si Olivia sa harap ng kiosk para bumili ng potato fries.
Habang naglalakad kami pakain kain ito ng fries na abalang nagtitingin tingin ng mga nadadaanan namin. Lumapit siya sa akin para subuan ako.
"Pagod kana?" tanong niya.
"Hindi pa naman."
"Naririnig ko kaya nagrereklamo ka diyan."
"Hindi ah."
"Hon, I think I'm craving for thai desserts." saad ni Olivia.
"Sa foodcourt, try natin."
Dumiretso kami sa food court dahil gusto na naman niyang kumain ng mga makikita niyang pagkain. Kanina pa niya binabanggit na gusto niya ng Khanom chan (Steamed Coconut Pandan cake) at thai manggo sticky rice.
Nasa likod niya lang ako nag aantay kung ano ang oorderin niyang mga desserts. Hindi na ako nagpadagdag dahil panigurado, ako na naman taga ubos niyan.
BINABASA MO ANG
Infinitely Falling [GxG]
Romance[Professor x Student ] UNEDITED "_" 🍀🍁 "Patience is one of the purest form of love." Start: August 18, 2024 End: October 11, 2024